NEW
Font size
WorksheetsREMEDIATION ACTIVITY ESP 10
Total questions: 10
Worksheet time: 7mins
Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao”?
May isip at kilos-loob ang tao
May kamalayan siya sa kanyang pagtungo sa kanyang kaganapan
Tapat ang tao sa kaniyang misyon
May konsensiya ang tao.
Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?
Persona
Personalidad
Pagme-meron
Indibidwal
Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
Mga katangian ng pagpapakatao
Mga personal na interes
. Mga talent at kakayahan
Kasipagan agt katapatan
Ano ang naituituring na kakambal ng kalayaan?
Kilos-loob
Konsensiya
Pagmamahal
Responsibilidad
Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?
May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
Kusang-loob
Makasarili
Pagmamahal
Responsibilidad
Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
Kalayaang pumili
Karapatang bumili at magtinda
Pagkamit ng hustisya
Responsibilad at pagsilbi
Ano ang tinutukoy na isang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na nagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon?
Kaisipan
Konsensiya
Kilos Loob
Kalayaan
Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?
walang sariling paninindigan ang kilos-loob
nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
A Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
