NEW
Font size
Worksheets4-Paghubog ng Konsiyensiya Batay sa Likas na Batas Moral
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral?
Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.
Kailangan ito ng lahat ng tao.
Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.
Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao.
Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay ginagamit na ________________________.
Pagbabago sa mga bagay na nagawa.
Batayan ng kabutihan ng mga gawain.
Personal na pamantayang moral ng tao.
Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral?
Kalayaan ng tao
Kabutihan ng tao
Kahusayan ng tao
Kaayusan ng tao
Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa kasalukuyang panahon.
Likas na Batas Moral
Konsensiya na nahubog sa batas-moral
Kalayaan
Isip, puso at kamay
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang _____________.
Katotohanan
Kapayapaan
Yaman
Katalinuhan
Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya?
Mahalaga ito upang maging ganap na tao.
Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan.
Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama.
Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao.
Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa.
Kilos-Loob
Konsensiya
Mga batas
May awtoridad
Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan tungkol sa paghubog ng konsensiya?
Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan.
Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?
Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
Dahil nakasanayan na nating manalangin.
Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos.
Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti.
Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan.
Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
Talikuran ang mga pagkakamali.
Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay.
Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
Batas
Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral.
Mga batas ng mga may awtoridad
Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
Kung ang kilos ay tama o mali.
Pamumuhay ng isang tao.
Ang mga maling nagawa ng tao.
Kung nakagawa ka ng kabutihan.
Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata ang paghubog ng konsensiya?
Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap.
Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan.
Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.
Ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos ay nagmula sa __________________.
Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang.
Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad.
Nagmula sa ipinamana ng magulang
Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay.
Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?
Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan.
Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan.
Kapag kumilos tayo ayon sa utos ng may likha.
Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin.
