wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Katipunan (Pagsusulit 2)

Total questions: 15

Worksheet time: 54mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng La Liga Filipina na itinatag ni Rizal MALIBAN SA (except) alin?

a)

Pagkabuo ng Filipinas bilang bansa

b)

Paglaya ng Filipinas sa Espanya

c)

Pagtulong sa mga kasaping may pangangailangan

d)

Proteksyon ng mga kasapi laban sa karahasan

2.

Naging kasapi ng La Liga Filipina si Andres Bonifacio.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Matapos niyang itatag ang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892, dinakip si Rizal matapos lamang ang ___________.

a)

Isang araw

b)

Tatlong araw

c)

Isang buwan

d)

Tatlong buwan

4.

Sa aling lugar ipinatapon si Rizal matapos siyang hulihin noong 1892?

a)

Pabalik sa Madrid sa Espanya

b)

Sa bansang Hong Kong

c)

Sa Dapitan sa Mindanao

d)

Sa Tagbilaran sa Visayas

5.

Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol kay Andres Bonifacio ang HINDI TOTOO (false)?

a)

Marunong siyang magbasa at magsulat sa Ingles at Espanyol

b)

Nagbenta siya ng mga baston at abaniko

c)

Nakapagtapos siya ng pag-aaral bilang isang abogado

d)

Sumali siya sa mga dula bilang artista

6.

Ano ang buong pangalan ng Katipunan?

a)

Kapisanan at Katipunan ng mga Kaibigan ng Bayan

b)

Kapita-pitagang Katipunan ng Katagalugang mga Pag-asa ng Bayan

c)

Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan

d)

Katipunan ng mga Anak ng Bayan para sa Kalayaan at Kasarinlan

7.

Nagsimula ang Katipunan sa isang bahay sa Tondo sa Maynila.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng Katipunan na itinatag ni Bonifacio MALIBAN SA (except) alin?

a)

Pagiging lalawigan ng Espanya ang Filipinas

b)

Pagkakaroon ng mabuting asal ng mga kasapi

c)

Paglaya ng Filipinas sa Espanya

d)

Pagtulong sa mga kasaping may pangangailangan

9.

Ang tawag sa pinakamababang antas ng kasapi ng Katipunan ay "Kawal".

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang mga sumusunod ay ang mga ginamit na "password" ng Katipunan MALIBAN SA (except) alin?

a)

Anak ng Bayan

b)

Bonifacio

c)

Gomburza

d)

Rizal

11.

Para kay Bonifacio, alin sa mga sumusunod ang maling sagot (wrong answer) sa "Ano ang kalagayan ng Filipinas bago dumating ang mga Espanyol"?

a)

Kasundo natin ang ating mga kapit-bayan

b)

Lahat ay marunong magbasa at magsulat

c)

Maginhawa at masagana sa bansa noon

d)

Nakikipag-away ang mga tribo sa isa't isa

12.

Para kay Bonifacio, alin sa mga sumusunod ang maling sagot (wrong answer) sa "Ano ang kalagayan ng Filipinas sa kasalukuyan"?

a)

Naging mahirap tayo kapalit ng pagyaman ng mga Espanyol

b)

Naging masama tayo dahil tinuruan tayo ng mga Espanyol ng kasamaan

c)

Pinaparusahan tayo ng mga Espanyol kapag tayo'y nagrereklamo

d)

Tayo ay naging mas sibilisado nang dahil sa mga Espanyol

13.

Para kay Bonifacio, alin sa mga sumusunod ang maling sagot (wrong answer) sa "Anong pag-asa mayroon ang Filipinas sa hinaharap"?

a)

Humiling tayo sa Espanya upang tayo'y mapakinggan

b)

Idilat natin ang ating mga bulag na kaisipan

c)

Kailangan nating magkaisa

d)

Umasa tayo sa ating mga sarili

14.

Si Andres Bonifacio ang nagsulat ng "Kartilya ng Katipunan".

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa huling hakbang (last step) ng pagsali sa Katipunan?

a)

Pag-inom ng pinaghalong dugo ng mga Katipunero

b)

Pagbabasa ng mga tulang sinulat ni Bonifacio nang sabay-sabay

c)

Pagpapakita ng galing sa pakikipaglaban sa arnis

d)

Pagsugat sa sarili at pagpirma gamit ang sariling dugo