wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN 9 (Diagnostic Test)

Total questions: 30

Worksheet time: 37mins

Name
Class
Date
1.
Tawag sa dibisyon ng ekonomiks na tumatalakay sa kabuuang ekonomiya
a)
makroekonomiks
b)
mikroekonomiks
c)
demand
d)
supply
2.
Sentro sa pag-aaral ng miroekonomiks ang interaksyon ng demand at ___
a)
demand
b)
supply
c)
makroekonomiks
d)
maykroekonomiks
3.
Tawag sa tinatanggap na kabayaran ng mga manggagawa kapalit ng paglilingkod
a)
salapi
b)
pera
c)
paglilingkod
d)
kabayaran
4.
Tumutukoy sa produkto o paglilingkod na handang bilhin ng mga mamimili
a)
supply
b)
demand
c)
konsumo
d)
alokasyon
5.
Tawag sa pagbili at paggamit ng produkto
a)
alokasyon
b)
pagkonsumo
c)
demand
d)
supply
6.

Which of these examples is a service?

a)

Mr. Farr sells guitars.

b)

Mr. Swenson gives art supplies to consumers.

c)

Coach provides lessons for different sports.

d)

Ms. Miller writes books.

7.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?

a)

Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.

b)

Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.

c)

Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan

d)

Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP.

8.

Kapag pinag-uusapan ang kaunlaran, kaakibat nito ang pagnanais ng pamahalaan na matamo ang pambansang kaunlaran. Ano ang ibig sabihin ng pambansang kaunlaran?

a)

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at ibang serbisyong panlipunan.

b)

Ito ay tumutukoy sa sektor ng bansa.

c)

Ito ay tumutukoy lang sa edukasyon at imprastruktura.

d)

Ito ay tumutukoy sa pambansang kita lang.

9.

Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa ibaba nito.


Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya ang Pilipinas. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa.


Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, anong kaisipan ang malinaw na inilalahad sa balita?

a)

Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP.

b)

Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.

c)

Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa.

d)

Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

10.

Ang Gross National Product at Gross Domestic Product ay ilan sa mga batayan upang masukat ang pambansang kaunlaran. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa batayan ng pambansang kaunlaran?

a)

Kakayahan ng manggagawa

b)

Kalinisang pang-bayan

c)

Uri ng pamahalaan

d)

Kawalan ng trabaho

11.

Maraming paraan upang maipakita ang gampanin ng mga Pilipino tungo sa pambansang kaunlaran. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanagutang mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng tamang pagbabayad ng buwis

b)

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa pamamahala ng bansa

c)

Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong banyaga

d)

Sa pamamagitan ng di pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad

12.

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan

b)

Sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa mga produktong Pilipino

c)

Sa pamamagitan ng pagiging makabansa

d)

Sa pamamagitan ng pagiging maalam

13.

Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na pumasok sa pagnenegosyo?

a)

Maalam

b)

Maabilidad

c)

Makabansa

d)

Mapanagutan

14.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang mamamayan?

a)

Pagbabayad ng tamang buwis

b)

Pagpili ng tamang kandidato

c)

Pagbili ng lokal na produkto

d)

Paglahok sa mga gawaing panlipunan

15.

Nahaharap sa kasalukuyan ang Pilipinas sa suliranin ng pagkaubos ng mga yamang likas nito. Anong sektor ng pamahalaan ang dapat mangasiwa sa suliraning ito?

a)

DTI

b)

DOST

c)

DA

d)

DOH

16.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang _______________ na pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanyang _____________pangangailangan.

a)

sapat; walang hanggang

b)

limitado; walang hanggang

c)

sapat; may hangganan

d)

limitado; may hangganan

17.

2. Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na “oikonomia”, samakatuwid ang ekonomiks ay nagsisimula sa

a)

Pamahalaan

b)

Tahanan

c)

Pamayanan

d)

Bansa

18.

3. Ang _________ at ____________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks

a)

tao: lipunan

b)

agham: matematika

c)

likas na yaman; pangangailangan

d)

suplay; demand

19.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

a)

Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.

b)

Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.

c)

Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.

d)

Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at

kagustuhan sa harap ng kakapusan.

20.

Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay

a)

labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.

b)

kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.

c)

pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.

d)

pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

21.

Q1. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng

a)

Konsyumer

b)

Prodyuser

c)

Pamilihan

d)

Pamahalaan

22.

Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang may layuning pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan?

a)

Capitalism

b)

Socialism

c)

Communism

d)

Market Economy

23.

1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.

a)

Ekonomiks

b)

Sosyolohiya

c)

Kasaysayan

d)

Heograpiya

24.

1. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.

a)

Pamayanan

b)

Sambahayan

c)

Pamahalaan

d)

Pamilihan

25.

1. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.

a)

Pamayanan

b)

Sambahayan

c)

Pamahalaan

d)

Pamilihan

26.

Ano ang tawag sa pagtatago ng mga produkto at hihintayin ang pagtaas ng presyo bago ibenta?

a)

Hording

b)

Hoarding

c)

Pagtatago

d)

Howding

27.

Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi maaaring wala. Ano ito?

a)

Pagkain

b)

Pera

c)

Pangangailangan

d)

Kagustuhan

28.

Ito ay batayang katotohanan na ang mga pinagkukunang yaman ay limitado.

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

c)

Ekonomiks

d)

Likas na Yaman

29.

Ano ang tawag sa pansamantalang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman na kayang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

c)

Hoarding

d)

Stock

30.

Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay __________.

a)

may hangganan din.

b)

kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.

c)

parami nang parami at walang katapusan.

d)

kaunti lamang kayat madaling tugunan.