NEW
Font size
WorksheetsAng Pandiwa
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng aksiyon o kilos.
pangngalan
pandiwa
pang-uri
panghali
Ito ay mga salitang kilos, galaw, o aksyon na ginagawa ng simuno. Hindi ito gumagamit ng tuwirang layon.
katawanin
palipat
aspekto
gamit
Ito ay mga salitang kilos na ginawa ng simuno. Gumagamit ito ng tuwirang layon upang magkaroon ng buong kaisipan ang pangungusap. Madalas itong pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay, at kina.
katawanin
palipat
aspekto
gamit
Ito ay nagpapakita ng panahon o kung kailan ginawa, ginagawa, gagawin, o kung ipagpapatuloy pa ang ginagawang kilos.
aspekto ng pandiwa
gamit nng pandiwa
pokus ng pandiwa
uri ng pandiwa
Ito ay nagsasaad na natapos nang gawin ang kilos. Ito ay ginagamitan ng mga unlaping nag- at um- , gitlaping -um- at -in-, at ng hulaping -an.
perpektibo
kontemplatibo
imperpektibo
katatapos
Kasasagawa pa lamang gawin ang kilos at ito ay nasa aspekto pa rin ng perpektibo. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat.
perpektibo
katatapos
kontemplatibo
imperpektibo
Ito ay nagsasaad na patuloy pa ring ginagawa ang kilos. Ginagamitan ito ng unlaping nag- at um-, gitlaping -um- at -in-, inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat at kung minsan ay nilalagyan ng hulaping -an.
katatapos
kontemplatibo
perpektibo
imperpektibo
Ang pandiwa kapag may damdamin.
karanasan
pangyayari
aksiyon
palipat
Ang pandiwa ay resullta ng isang kaganapan.
karanasan
pangyayari
aksiyon
katawanin
Ang Pandiwa ay masasabing ____________ kapag may aktor o tagaganap ng aksyon o kilos.
aksiyon
palipat
katawanin
pangyayari
Naglalakbay si Dora dahil isa siyang travel-blogger. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
aksiyon
pangyayari
karanasan
palipat
Natuwa si Anais dahil hindi siya gagawa ng mga gawaing bahay. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
palipat
pangyayari
karanasan
aksiyon
Namatay ang WiFi kaya hindi ko na-download nang maayos ang pelikula. Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?
palipat
katawanin
pangyayari
karanasan
Namatay ang WiFi kaya hindi ko na-download nang maayos ang pelikula. Anong aspekto ng pandiwa nabibilang ang salitang namatay?
perpektibo
katatapos
kontemplatibo
imperpektibo
Lumindol na naman sa Batangas kagabi. Alin ang pandiwa sa pangungusap?
lumindol
naman
Batangas
kagabi
