wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtataya sa Filipino 9

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga salitang NOLI ME TANGERE na sinipi sa ebanghelyo ni San Lucas sa Bibliya o banal na aklat ay nangangahulugang “Huwag mo akong salingin”. Mayroong tatlong aklat na naging inspirasyon ang ating pambansang bayani sa pagsulat ng akdang ito. Iyon ay ang mga sumusunod; Uncle Tom’s Cabin na patungkol sa diskriminasyong nararanasan ng mga negro sa kamay ng mga puting Amerikano. Nais naman ipakita ni Rizal ang pang-aaping nararanasan ng mga Pilipino sa mga Kastila, The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) na matapos niyang mabasa ay nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at sisiwalat sa kabuktutan ng mga Espanyol, at ang huli ay ang Bibliya kung saan niya kinuha ang pamagat ng nasabing nobela.

Ano ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere?

a)

Gisingin ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino

b)

Ipagmalaki ang bansa kahit sakop ito ng Espanya

c)

Layunin niyang mainis o magalit sa kanya ang mga Espanyol

d)

Gisingin ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino at isiwalat ang kabuktutan ng mga Espanyol

2.

Alin sa mga sumusunod ang kondisyong panlipunang nagaganap pa rin sa kasalukuyan?

a)

Kahirapan

b)

 Pag-abuso sa kapangyarihan

c)

Paghahari ng mga Kastila

d)

Kawalan ng karapatang makapagpahayag

3.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap: Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino”?

a)

ipinamalita

b)

ipinakita

c)

isiniwalat

d)

ikinuwento

4.

Masayang binakas  ni Maria Clara ang kanilang kamusmusan, paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati ni Ibarra.

a)

iginuhit

b)

inalala

c)

inisip

d)

kinalimutan

5.

Ang pagbabago-bago, kawalang moral at disiplina ng matataas na opisyal, pagtatangkilikan, kalapitan sa Espanya, at kamurahan ng pamasahe patungong Pilipinas ang ugat ng lahat. Nagpupunta rito ang mga taong isinusuka na ng Espanya.

a)

Ang paglaban ng tao sa pamamahala

b)

Ang kawalan ng tiwala sa mga opisyal

c)

Ang pagtangkilik natin sa mga dayuhan

d)

 Ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga opisyal

6.

Bagamat Pilipinong-Pilipino sa dugo at hitsura si Kapitan Tiyago ay matagal na niyang itinakwil ang pagiging isang Pilipino at itinuturing ang sarili na Kastilang tunay.

Batay sa pahayag, ano ang pananaw mo sa katangian ni Kapitan Tiyago?

a)

Ang pagbabalat-kayo ay makatutulong sa isang tao.

b)

 May mga taong pilit na itinatago ang tunay na pagkatao.

c)

 Itinatago ng isang tao ang kanyang tunay na pagkatao para lang tingalain sa lipunan.

d)

Itinago ang tunay na pagkatao para lang mapabilang sa mga maimpluwensiya at makapangyarihan.

7.

 "Kung mababasa po ito ng mga tao sa kinabukasan na nakaiintindi, ____________ ay sasabihin nila na "Hindi pala lahat ay natutulog sa panahon ng ating mga ninuno." (paglalahad ng sariling pananaw)

a)

Sa aking isipan

b)

ikinatatakot ko

c)

Sa aking palagay

d)

sa totoo lamang

8.

 "Hindi po papayag ang pamahalaan, ang relihiyon at Diyos na dumating ang araw na sinasabi ninyo. _________ ang mga Pilipino ay madasalin at nagmamahal sa Espanya." (Pagpapatunay)

a)

 Sa aking pagsusuri

b)

Pinagtitibay na

c)

Sa katunayan

d)

Tumutulong

9.

 Si Crisostomo ang pinakamahalagang tauhan sa nobela. Ano ang kanyang sinisimbolo?

a)

marurunong at may ambisyon  sa buhay

b)

kabataang Pilipino na gustong  mangibang-bansa para guminhawa ang buhay

c)

kabataang Pilipino na marunong  gumawa ng paraan para malutas ang mga problema ng bansa

d)

mayayamang Pilipino na nakapag-aral sa ibang  bansa na may puso para sa kapwa at sa bayan

10.

 Pinadala ni Don Rafael si Crisostomo sa Europa upang mag-aral. Ano ang kahalagahan ni Don Rafael Ibarra bilang pantulong na tauhan sa nobela?

a)

sumasagisag sa mga amang mapag-aruga sa anak.

b)

larawan ng mga amang naghahangad ng kabutihan at magandang kinabukasan ng mga anak

c)

sumisimbolo sa mga mayayamang Pilipino na may gustong may malawak na lupain sa bansang Pilipinas

d)

sumisimbolo sa mga mayamang Pilipino na may malasakit sa kanyang kapwa, may matibay na paninindigan sa buhay at isang ama na nagbibigay-halaga sa edukasyon para sa anak

11.

Siya si Pilosopong Tasyo, isang  taong ________ na nagsilbing tagapayo ng marurunong sa San Diego, ngunit tinatawag ring baliw ng mga hindi nakauunawa ng kanyang mga sinasabi. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pang-uri sa pagbibigay-katangian upang mabuo ang pahayag?

a)

Mahusay

b)

Matalino

c)

Misteryoso

d)

Nakatutuwa

12.

Sa buhay, papaano ka kikilos / magsasalita kung katulad ni Ibarra ay tahasan kang binabara ng isang pari o may posisyon sa simbahan?

a)

Magpapakatotoo at itatayo ang iyong niyuyurakang pagkatao

b)

Huwag na lamang pansinin, bagkus ay umalis na lamang upang makaiwas

c)

Manatiling mapagpakumbaba at sabihin ang iyong damdamin sa maayos na paraan

d)

Tatapatan ang pagiging sarkastiko nito upang maiparamdam din sa kanya ang pagkapahiya na

     ipinararanas

13.

Sa ugaling ipinamalas ni Padre Damaso, kung saan hayagan niyang ipinaaabot ang matindi niyang disgusto

sa desisyon ng Gobernador, kanino mo madalas nakikita ito sa kasalukuyan?

a)

anak na hindi sumusunod sa magulang

b)

mamamayan na hindi sumusunod sa batas

c)

 lider na hindi sumusunod sa utos ng nakatataas

d)

mamamahayag na tahasang tumutuligsa sa pamahalaan

14.

 Sa iyong palagay, sa paanong paraan malalim na naipakita ni Crisostomo Ibarra ang pagmamahal sa kanyang magulang?

a)

Umuwi siya sa PIlipinas para alamin at bigyang katarungan ang nangyari sa kanyang ama

b)

Iginalang niya ang pangako sa kanyang magulang na pasasayahin at mamahalin niya si Maria Clara

c)

Inalala at ipinagmalaki niya ang mga tagumpay na nakamit ng magulang noong ito ay nabubuhay pa

d)

 Ipinagtanggol niya ang alaala ng kanyang ama laban sa pangungutya ni Padre Damaso na muntik nang humantong sa pagpatay niya sa pari

15.

 "Ipinangako ko sa libingan ng aking Ina na paliligayahin kita. Kaya... ngayo'y napaparito ako upang tuldukan ang ating sumpaan. Pinapatawad na kita sa iyong pagkukulang sa ating sumpa. Sana'y maging maligaya ka." malungkot na ngumiti si Ibarra, pagkaraa'y mahigpit at matagal na niyapos at hinagkan si Maria. Sa iyong palagay, paano naipakita ni Ibarra ang pagmamahal sa kanyang kasintahan sa pagkakataong ito?

a)

 Pinuntahan niya ito upang palayain sa relasyong hindi niya kayang panindigan

b)

Alam niyang hindi na liligaya si Maria sa kagaya niyang tinutugis ng batas kaya't nakipaghiwalay siya rito

c)

Nakipaghiwalay siya kahit mahal pa niya ito sapagkat ayaw sa kanya ng magulang ni Maria Clara kung kaya't ipakakasal na ito sa kay Linares

d)

Nais niyang maging maligaya si Maria sa bago nitong buhay kaya't pinuntahan niya ito upang palayain at patawarin sa gagawin nitong pagpapakasal sa ibang lalaki

16.

Nais kong mayroong kasing dakila ng pag-ibig ni Ibarra ang magiging kabiyak ng aking puso. Ano ang antas ng salitang may salungguhit?

a)

Pambansa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

17.

Tunay ngang si Maria Clara ay magayon. Ano ang antas ng salitang may salungguhit?

a)

Pambasa

b)

Pampanitikan

c)

Lalawiganin

d)

Balbal

18.

_____________ na naghintay kayo, mayroon po akong ginagawang mahalagang pagsubok.” Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng gusto o ayaw sa di-tuwirang paraan?

a)

Ikinalulungkot ko

b)

Ipagpaumanhin Ninyo

c)

pagpasensyahan ninyo

d)

Wow!

19.

Sa di kalayuan ay natanaw ni Sisa ang mga guwardiya sibil at hindi nila kasama ang kanyang mga anak.  “_____ kay buti nila!” Nabulong niya sa kanyang sarili. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng masayang pagkagulat: matinding damdamin?

a)

Ay!

b)

Talaga!

c)

Naku!

d)

Yeyy!

20.

Alin sa mga sumusunod na kaganapan sa mga kabanata 1-3 ang nagaganap pa rin sa kasalukuyan?

a)

Social Climbing

b)

Kahirapan at kagutuman

c)

Pagpapakumbaba sa  mga nakatatanda

d)

Pataasan ng posisyon at estado ng buhay