NEW
Font size
WorksheetsModyul 1 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nagiging mas malalim ang pakikipagugnayan ng isang kabataan. Dito ay naghahanap na din siya ng makakasama na makakasundo niya sa maraming bagay. Anong inaasahang kilos at kakayahan ito?
Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.
Ang mga sumusunod ay paraan upang malampasan ang mga hamon ng pagbabago na nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata, MALIBAN sa ____
pagtuklas ng talento
pagkakaroon ng tiwala sa sarili
pagtuklas sa sariling kakayahan
pagtuklas sa sariling kalakasan at kahinaan
Matatamo ang mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa tulong ng ______
pagmamahal
pagbibigay paggalang
pagtitiwala sa kapwa
pagbibigay halaga hindi nabubuhay ang tao para sa sarili.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili?
Hindi natatakot si Daniel na sumakay sa mga extreme rides.
Si Ana ay palaging nagsasanay upang mas gumaling sa pagkanta.
Palaging natatalo sa badminton si Jessie kaya naman sumusuko na siya
Hindi nagpapatalo sa kanyang takot si Julian, handa siyang harapin ito
Paano magiging ganap ang iyong pakikipag-ugnayan?
Kung magtatago ka ng lihim sa kanya.
Kung magpapakita ng tiwala sa kapwa.
Kung handa kang ipakita ang tunay na ikaw.
Kung babaguhin mo ang iyong kaibigan ayon sa nais mong maging siya.
Ang mga sumusunod ay mga inaasahang kakayahan at kilos ng isang nagdadalaga/nagbibinata maliban sa:
Pagiging isang mabuting kapatid
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at pamamahala sa mga ito.
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay unti unting nakikilala ng isang kabataan ang kanyang mga kakayahan, talento at mga hilig. Dahil dito ay nagkakaroon siya ng ideya kung ano ba ang kanyang nais na kunin na kurso sa kolehiyo at ang kanyang nais na trabaho. Sa anong inaasahang kakayahan at kilos ito nabibilang?
Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting pagpapasya
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Bago pumasok si Rose sa paaralan ay makailang ulit siya tumitingin sa salamin upang ayusin ang kanyang buhok at damit. Nagiging palaayos na siya hindi tulad nung siya ay nasa elementarya pa lamang na walang pakialam sa kanyang itsura. Anong inaasahang kakayahan at kilos ito nabibilang?
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahal sa mga ito.
''Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, ano ang ibig sabihin nito?
Tayo ay nabubuhay para sa ating kapwa
Kailangan natin ang ating kapwa upang tayo ay lumago bilang isang tao.
Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa
Lahat ng nabanggit
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata?
Para magkaraoon ng madaming kaibigan
Para mapagtagumapayan ang mga pangarap
Para malampasan ang mga hamon sa buhay
Lahat ng nabanggit
