wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 10 Modyul 1 - Paunang Pagtataya

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kakayahan ng isip ng tao na magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili?

a)

Kamalayan

b)

Maghusga

c)

Makaunawa

d)

Mangatwiran

2.

Ano ang kakayahan ng isip na makakuha ng buod o esensiya sa isang karanasan o sitwasyon?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Manghusga

d)

Mangatwiran

3.

Ang tao ay may kakayahang kontrolin ang kanyang isip. Ang pangungusap ay ______________.

a)

Mali, dahil ang ating isip kusang nagpapasya.

b)

Tama, dahil ang ating isip ay tumutugon lamang sa ating sariling kagustuhan.

c)

Mali, dahil hindi natin makokontrol ang ating pag-iisip.

d)

Tama, dahil ang tao ay may kakayahang magpasya kung ano ang kanyang iisipin o hindi iisipin.

4.

Kung ang panlabas na pandama o external senses ay depektibo, magkakaroon din ng depekto sa ideya na mabubuo ng isip. Ang pahayag na ito ay _______________.

a)

Tama, dahil ang isip ay isang bulag na pakultad o kakayahan.

b)

Mali, dahil ang isip ay may sariling kakayahan.

c)

Tama, dahil ang isip ay umaasa sa mga impormasyon na inihahatid ng panlabas na pandama.

d)

Mali, dahil walang kaugnayan ang dalawa.

5.

Ito ay itinuturing na bulag na pakultad o kakayahan dahil wala itong kakayahang makabuo ng sariling impormasyon, ideya, o opinyon.

a)

Imahinasyon

b)

Isip

c)

Kamalayan

d)

Kilos-loob

6.

Ano ang nagtutulak sa tao na tumulong at maglingkod sa kanyang kapwa-tao?

a)

Kamalayan sa sarili

b)

Konsensiya

c)

Pagmamahal

d)

Paglilingkod

7.

Ang panlabas na pandama o external senses ang siyang nag-uugnay sa tao sa reyalidad upang makuha ang mga impormasyon na kinakailangan ng isip upang makabuo ng isang ideya. Ang pahayag na ito ay ____________.

a)

Tama, dahil ang panlabas na pandama ang nagbibigay ng kaalaman sa isip.

b)

Mali, dahil walang kaugnayan ang dalawa.

c)

Tama, dahil ang ideya na nabubuo ng isip ay nakasalalay sa mga impormasyon na inihahatid ng panlabas na pandama.

d)

Mali, dahil magkahiwalay ang kakayahan ng panlabas na pandama at isip.

8.

Ang mga sumusunod ay bahagi ng panloob na pandama o internal senses maliban sa ____________.

a)

Imahinasyon

b)

Instinct

c)

Kamalayan

d)

Panlasa

9.

Magkaparehong tumugon ang tao at hayop sa isang sitwasyon, magkaparehong gumagamit ng isip at kilos-loob.

a)

Tama, dahil ang tao at hayop ay parehong marunong mag-isip.

b)

Mali, dahil ang hayop ay gumagamit ng instinct sa kanyang pagtugon samantalang ang tao ay gumagamit ng kanyang isip at kilos-loob.

c)

Tama, dahil ang tao at hayop ay parehong may isip at kilos-loob.

d)

Mali, dahil ang hayop ay hindi marunong mag-isip.

10.

Kung ang nilalayon ng kilos-loob ay ang paggawa ng kabutihan, ano naman ang nilalayon ng isip?

a)

Pagmamahal

b)

Hustisya

c)

Kamalayan

d)

Katotohanan