Font size
WorksheetsPagsasanay sa Kasarian ng Pangngalan
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi dapat makasama sa pangkat ng pangngalan sa ibaba?
ate
tiya
nanay
lolo
Aling pangungusap ang gumagamit ng pangngalang nasa kasariang panlalaki?
Ang mga bata ay taimtim na nagdadasal.
Pinangunahan ni Cardinal Antonio Tagle ang Banal na Misa.
Ang mga matatanda ay nag-alay ng bulaklak sa birhen.
Tahimik akong nakinig sa kanyang homiliya.
Ano ang kasarian ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap?
Makulay ang kanyang damit kaya ito ay kapansin-pansin.
Panlalaki
Pambabae
Di-Tiyak
Walang Kasarian
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pangngalang di-tiyak ang kasarian?
Si Kuya Seve ay darating bukas.
Nilinis namin nang mabuti ang kanyang silid-tulugan.
Binilhan din naman siya ng bagong kobre kama.
Kasama niya uuwi ang aming mga pinsan mula sa ibang bansa.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pangngalang nasa kasariang pambabae?
Nais naming makauwi sa probinsya sa darating na Pasko.
Nasasabik na akong makita ang aking mga pinsan.
Bibilhan ko ng pasalubong ang aking mga tiyo at tiya.
Siguradong matutuwa si lolo at lola kung kami ay magdiriwang ng Pasko nang sama-sama.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangngalang nasa kasariang di-tiyak
tiyo
kababata
sasakyan
Bb. Cruz
Alin ang HINDI halimbawa ng pangngalang nasa kasariang pambabae?
ate
kakilala
lola
Gng. Imelda
Alin ang halimbawa ng pangngalang nasa kasariang panlalaki?
guro
paaralan
pulis
ginoo
Ano ang kasarian ng pangngalan sa ibaba?
kotse
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang Kasarian
Alin ang halimbawa ng pangngalang di-tiyak ang kasarian?
maestra
Ben
katrabaho
opisina
