NEW
Font size
WorksheetsKultura at Tradisyong Pilipino
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Isang kulturang Pilipino noon kung saan maririnig ang boses ng binata sa pag-awit upang maipahayag ang kanyang pag-ibig sa dalagang kanyang napupusuan.
Harana
Ligaw
Sayaw
Isang kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat sa noo.
Pakikipag-kamay
Paghalik
Pagmamano
Anong tradisyon ng mga Pilipino ang isasagawa kapag ang magkasintahan ay nagkasundong magpakasal?
Pagsasalo-salo
Pamamanhikan
Pagbabayanihan
Anong kultura ng mga Pilipino ang pagsasama-samang nagtutulungan ang mga magkakapitbahay o magkakaibigan? Madalas itong mangyari kapag lilipat ng ibang lalawigan ang kanilang kababayan.
Bayanihan
Simbang Gabi
Piyesta
Ano ang kulturang karaniwang ginagawa ng mga Pilipino upang ipagdiwang ang araw ng lalawigan o pasasalamat sa pagkakaroon ng masaganang ani?
Pagdiriwang ng Kaarawan
Pagdiriwang ng Kasalan
Pagdiriwang ng Piyesta
Anong kulturang Pilipino ang karaniwang ginagawa ng siyam na gabi bago sumapit ang pasko?
Pamimigay ng Regalo
Pagsisimbang Gabi
Pangangaroling
Ano ang tawag sa tradisyong Pilipino kung saan ginugunita at nagbabalik loob ang mga Kristiyanong Pilipino sa pinaniniwalaan nilang tagapagligtas?
Sakripisyo
Semantiko
Senakulo
Anong kaugaliang ang sumasalamin sa kulturang Pilipino kung saan nagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba?
Pakikisama
Pakikisalamuha
Pakikibaka
Anong pangalan ng kulturang Pilipino na kung saan inaalala ang mga mananampalatayang sumakabilang buhay?
Flores de Mayo
Semana Santa
Undas
Anong kulturang Pilipino ang ipinagdiwang sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria?
Flores de Mayo
Semana Santa
Undas
