Font size
WorksheetsPANGHULING PAGTATAYA SA IKALAWANG MARKAHAN
Total questions: 15
Worksheet time: 16mins
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang PANGUNAHING KAISIPAN sa tulang Bayani ng Bukid?
Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Ang mga magsasaka ay bayani ng bukid.
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y magagalak.
Ito ay tinatawag ding pansuportang detalye at
nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa.
pangunahing kaisipan
pantulong na kaisipan
mahalagang kaisipan
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng PAHAYAG NA PAGSALUNGAT?
Tunay na mahalaga ang edukasyon upang ikaw ay magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap.
Kung ako ang tatanungin ay kapani-paniwala ang kaniyang naging pahayag.
Ikinalulungkot kong sabihin na ang iyong pahayag ay hindi nakakakumbinsi.
Ang nilalaman ng kanyang naging talumpati ay lubhang kahanga-hanga at nararapat bigyan ng komendasyon.
Ito ay isang DULANG PAGTATALO tungkol sa isang napapanahong paksa at karaniwang ginaganap sa tanghalan. (ANG SAGOT AY DAPAT NASA MALALAKING LETRA)
(a)
Sinu-sino ang mga tauhan sa BALAGTASAN? (HIGIT SA ISA ANG SAGOT)
Direktor
Mambabalagtas
Manonood
Lakandiwa
BATO na ang damdamin ni Lucas para sa mga kaibigan matapos siyang gawan ng hindi maganda ng mga ito. Ang pangungusap na ito ay gumamit ng salitang may anong uri ng pagpapakahulugan?
denotatibo
konotatibo
literal
makabagbag damdamin
Alin sa mga sumusunod na salita ang gumamit ng DENOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN? (literal)
Pusang itim - uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at ngumingiyaw
Itim - kamatayan
pusong bato - matigas ang kalooban
pagputi ng uwas - hindi na matutuloy o hindi mangyayari
Ito ay isang uri ng akda na MARAMING TAGPO at itinatanghal sa entablado o tanghalan sa pamamagitan ng kilos o galaw.
Balagtasan
Dula
Sarswela
Tula
Ito ay isang dula na isinulat ni Federico B. Sebastian tungkol sa isang dalagang taga lungsod na labis na nadismaya sa uri ng pamumuhay nang kanyang tiga probinsyang kasintahan.
Huling Hiling, Hinaing at Halinhing ni Hermano Huseng
Walang Sugat
Bayani sa Bukid
Dito Pala Sa Inyo
Ito ay isang obra maestra na isinulat ni Severino Reyes na pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong nagmamahalan. Ang pangunahing tauhan nito ay nagpanggap na mamamatay na upang maipakasal sa kanyang minamahal.
Huling Hiling, Hinaing at Halinhing ni Hermano Huseng
Walang Sugat
Wagas na Pag-ibig ng Tenyong
Dito Pala Sa Inyo
Alin sa mga sumusunod ang HINDI sangkap ng dula?
Tauhan
Eksena o Tagpo
Sulyap sa Suliranin
Tunggalian
Ito ay bisang pampanitikan na may kaugnayan sa kung ano ang naisip o napagtanto matapos mabasa ang isip teksto
Bisang Pangkaasalan
Bisang Pandamdamin
Bisang Pangkaisipan
Bisa sa karunugan
Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
Tagpuan
Tanghalan
Eksena
Tagpo
Ito ang paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya; maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kaniyang paligid, at tauhan laban sa kaniyang sarili
Eksena
Suliranin
Labanan
Tunggalian
Sa balagtasan, siya ang tagapakilala ng paksang paglalabanan sa talaan
ng dalawang mambabalagtas; tagapamagitan o tagapagbigay ng hatol ayon sa katwirang inilahad sa tungkol sa paksa, tindig, tinig at kakayahang umakit sa mga tagapakinig
Mambabalagtas
Lakandiwa
Manonood
Direktor
