Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Komunikasyon Review Quiz

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang depenisyon ng wika mula kay Henry Gleason?

a)

Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.

b)

Ang wika ay sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

c)

Ang wika ay sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon.

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na daluyan ng Pagpapakahulugan?

a)

Ingay

b)

Hugis

c)

Hieroglyph

d)

Meditasyon

3.

Anong konsepto ang pinaka pundasyon ng anumang wika?

a)

Monosentrismo

b)

Simbolismo

c)

Ponosentrismo

d)

Kolokyalismo

4.

Alin sa mga gamit ng wika ay nangangahulugan na ang wika ay imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa?

a)

Gamit sa talastasan

b)

Lumilinang sa pagkatuto

c)

Imbakan

d)

Tagapagsiwalat ng damdamin

5.

Anong kategorya ng wika ang kadalasang ginagamit sa isang talumpati ng isang opisyal ng bansa?

a)

Pomal

b)

Di-pormal

c)

Kolokyal

d)

Panlalawigan

6.

Anong antas ng komunikasyon ang ipinahihiwatig sa larawan?

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Organisasyunal

d)

Kolokyal

7.

Batay sa pangkaraniwang modelo ng komunikasyon, ano ang ganap ni Kathryn mula sa larawan?

a)

Tagapagpadala

b)

Tsanel

c)

Reaksyon

d)

Tagatanggap

8.

Anong uri ng komunikasyon ang ipinapahiwatig sa larawan?

a)

Komunikasyong pabigkas

b)

Komunikasyong pasulat

c)

Pakikipagtalastasan gamit ang kompyuter

d)

Insignia

9.

Anong artikulo at seksyon batay sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas ang nagsasaad na "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang mga wika."

a)

Konstitusyon Artikulo XVI, Seksyon 6

b)

Konstitusyon Artikulo XVI, Seksyon 6

c)

Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 5

d)

Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6

10.

Anong yugto ng pambansang pagpalano ng wika ang pumalit sa ikalawang bilingguwalismo na umiral lamang nang tatlong taon. Ipinatupad ito noong 1973 at nag-utos na gamitin ang mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng wikang Pilipino at Ingles batay sa D.O. 9, S. 1973?

a)

Ikalawang bilingguwalismo

b)

Unang multilingguwalismo

c)

Ikatlong bilingguwalismo

d)

Ikalawang multilingguwalismo