Font size
WorksheetsPalatandaan ng Pagbabago, Alin Dito?
Total questions: 2
Worksheet time: 60secs
Si Glenn, nasa baitang 7, at bunsong anak ay madalas nang ginagabi ng pag-uwi dahil sa kalalakwatsa kasama ang kaniyang mga kaibigan. Kapwa may trabaho ang nanay at tatay niya na ang alam ay pumapasok siya mula Lunes hanggang Biyernes. Ang hindi nila alam ay nauubos ang panahon ni Glenn sa kalalaro sa computer shop at maging sa panliligaw. Anu-ano ang tatlong aspeto ng nakapamamayaning palatandaan ng pagbabago ang makikita sa sitwasyon ni Glenn?
Pangkaisipan
Panlipunan
Pandamdamin
Moral
Dati, kapag nagbibiruan ang kambal na sina Shyla at Kae, hindi sila gaanong nagkakapikunan. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin na madali silang magtampo sa isa't isa. Nahilig sa pagbabasa si Shyla at ganoon din si Kae. Isa lang ang kanilang cellphone kaya madalas ay hindi sila magkasundo. Ayaw naman nilang sabay na magbasa dahil magkaiba ang nais nilang basahin. Naisip ni Kae na magkaroon na lamang sila ng schedule sa paggamit ng cellphone para maiwasan ang pag-aaway. Anu-ano ang mga aspeto ng palatandaan ng pagbabago ang makikita sa sitwasyon?
Pangkaisipan
Panlipunan
Pandamdamin
Moral
