Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Karunungang-Bayan

Total questions: 20

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Sa drama sa telebisyon, nasabi ni Don Ramcer na malapit na ang PAG-IISANG DIBDIB ng kanyang anak na si Alexander James at ni Benna May. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

ikakasal na sina Alexander James at Benna May

b)

magkaka-anak na sina Alexander James at Benna May

c)

maghihiwalay na na sina Alexander James at Benna May

d)

magiging magnobyo na sina Alexander James at Benna May

2.

Ang apat na anak nina Via at James ay tinaguriang mga ANGHEL NG TAHANAN. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

salbaheng mga bata

b)

malilikot na mga bata

c)

maliliit na mga bata

d)

magugulong mga bata

3.

Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa SARILING PUGAD nila. Ano ang ibig sabihin nito?

a)

pugad ng kanilang ibon

b)

pugad ng kanilang mga manok

c)

sariling tahanan

d)

sariling kuwarto

4.

May UTANG NA LOOB ang mag-asawang Sandra at Ardaniel kay Ginoong Javillonar dahil sa pagkakabalik ng mga bata. Ano ang UTANG NA LOOB?

a)

utang

b)

may pagbabayaran

c)

utang na pera

d)

utang na buhat sa kagandahang-asal o kabutihang nagawa

5.

Ang magkapatid na sina Carina at Casey ay parang ASO'T PUSA. Bakit sila parang ASO'T PUSA

a)

hindi sila pantay ng laki

b)

lagi silang nag-aaway

c)

hindi sila nagbibigayan

d)

lagi silang naghahabulan

6.

Ang kahulugan ng sawikaing "bagong tao" ay

a)

binata

b)

matanda

c)

dalaga

d)

bata

7.

Ang sawikaing "ningas-kugon" ay nangangahulugan na____

a)

mayabang

b)

mayaman

c)

tamad

d)

magalang

8.

Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig

a)

tala

b)

araw

c)

asin

d)

buwan

9.

Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa

a)

kalabasa

b)

kasoy

c)

ampalaya

d)

niyog

10.

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari

a)

bintana

b)

posporo

c)

pintuan

d)

zipper

11.

kailan nagsimula ang paglaganap ng Karunungang Bayan

a)

panahon ng mga Amerikano

b)

panahon ng mga Espanyol

c)

panahon ng Katutubo

d)

panahon ng Hapones

12.

"Kilos Pagong"ano ang kahulugan ng sawikaing nabasa?

a)

mabilis

b)

mahina

c)

madalas

d)

mabagal

13.

Isang sangay ng panitikan na kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na lumaganap bago pa dumating ang mga Espanyol.

a)

Kuwentong-Bayan

b)

Karunungang-Bayan

c)

Pamahiin

d)

Kultura at Tradisyon

14.

Ang paglulubid ng buhangin ay hindi magandang ugali at hindi pinagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng ginamit na sawikain?

a)

pagsisinungaling

b)

paglalaro

c)

pang-aasar

d)

pang-aasar

15.

Si Dorina ay balat-sibuyas kaya lagi siyang pinapatahan ng ina. Ano ang kahulugan ng balat-sibuyas?

a)

makinis na balat

b)

masayahin

c)

magaspang na balat

d)

maramdamin

16.

Madalas makagalitan ng ama si Jay dahil sa pagtataingang-kawali. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng nasalungguhitan?

a)

pamimingo

b)

pagsigaw

c)

pagbibingi-bingihan

d)

pakikipaglaro

17.

Hinahangaan ng marami si Marie dahil siya ay hindi makabasag-pinggan. Ano ibig sabihin ng hindi makabasag-pinggan?

a)

mahinhin

b)

matangkad

c)

makinis

d)

maputi

18.

Ibigay ang kahulugan ng salawikaing, "Pag may isinuksok, may madudukot."

a)

A. Kapag may ipinatago ay may makukuha.

b)

B. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.

c)

C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.

d)

D. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansya para pag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.

19.

Ibigay ang kahulugan. "Ang mahirap kunin ay masarap kainin."

a)

A. Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.

b)

B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.

c)

C. Mas masarap sa pakiramdam kapag nakuha mo na ang iyong nais.

d)

D. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghihirapan.

20.

Ibigay ang kahulugan. "Ngayon kakahigin, ngayon tutukain."

a)

A. Kailangang magtrabaho upang may makain.

b)

B. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.

c)

C. Magtanim ng palay upang may makain sa araw-araw.

d)

D. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito.