wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GEE 101 Malayuning Komunikasyon

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita. Tumotukoy rin ito sa isang particular na aksyon, katangian ng mga aksyon at relasyon ng bagay sa iba pa.

a)

Common Reference

b)

Kontekstong Berbal

c)

Paraan ng Pagbigkas

d)

Referent

2.

Ang tawag sa kahulugan ng isang salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa iba pang salita sa loob ng isang pahayag.

a)

Common Reference

b)

Kontekstong Berbal

c)

Paraan ng Pagbigkas

d)

Referent

3.

Ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay sa mga taong sangkot sa isang sitwasyong pagkomunikasyon.

a)

Common Reference

b)

Kontekstong Berbal

c)

Paraan ng Pagbikas

d)

Referent

4.

Ito ay maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo. Paralanguage ang ibang tawag dito.

a)

Common Reference

b)

Kontekstong Berbal

c)

Paraan ng Pagbigkas

d)

Referent

5.

Sa anyo ng ‘di-berbal na komunikasyong ito, sinasabi na ang paggamit ng oras ay kaakibatan ng mensahe.

a)

Intimate

b)

Chronemics

c)

Social

d)

Oculesics

6.

Ito ay isa sa Klasipikasyon ng Distansyang Interhuman na tinatayang ang layo ng kausap ay 1 – 1 ½ feet.

a)

Social

b)

Intimate

c)

Personal

d)

Interpersonal

7.

Ang klasipikasyon ng distansyang interhuman na ito ay mayroong 4 hanggang 12 feet.

a)

Social

b)

Intimate

c)

Personal

d)

Interpersonal

8.

Sa ingles, ito ay tinatawag na body language. Sinasabi rin ng marami na kung minsa’y maraming sinasabi an gating katawan higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig

a)

Descriptive

b)

Emphatic

c)

Oculesics

d)

Kenesics

9.

Ito ang kumpas na maaaring maglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.

a)

Descriptive

b)

Emphatic

c)

Oculesics

d)

Kenesics

10.

Ito ang kumpas na nagpapahiwatig na damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyom ng mga palad at pakikipagkamay.

a)

Descriptive

b)

Emphatic

c)

Oculesics

d)

Kenesics

11.

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe.

a)

Haptics

b)

Oculesics

c)

Colorics

d)

Paralanguage

12.

Sa anyo ng komunikasyong ‘di-berbal na ito, sinasabi na ang kulay ay maaaring rin magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

a)

Haptics

b)

Oculesics

c)

Colorics

d)

Paralanguage

13.

Tumutukoy ito sa paggamit ng mga mata sa paghahatid ng mensahe. Ang pamumungay, pagkindat, panlalaki, pang-iirap o panlilisik ng mga mata ay may iba’t ibang pagkakahulugan.

a)

Haptics

b)

Oculesics

c)

Colorics

d)

Paralanguage

14.

Ito ang paggamit ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe.

a)

Objectics

b)

Paralanguage

c)

Vocalics

d)

Simbolics

15.

Paggamit ito ng tunog, liban sa pasalitang tunog. Halimbawa nito ay ang pagsutsot sa pagtawag ng pansin ng isang tao. Ilan pang halibawa nito ay ang pag-ehem, pag-tsk-tsk at pagbuntong-hininga.

a)

Objectics

b)

Paralanguage

c)

Vocalics

d)

Simbolics

16.

Isa sa konsiderasyon sa mabisang komunikasyon na nagbabatid na lugar ay may making impluwensya sa komuniksayon at kung hindi ito isasaalang-alang, ang isang tao ay maaaring mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan.

a)

End

b)

Setting

c)

Participants

d)

Intrumentalities

17.

Sinasabi sa pagsaalang-alang ng konsiderasyong ito, dapat magbago-bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o kaya’y sinisulatan.

a)

Ends

b)

Act Sequence

c)

Participants

d)

Instrumentalities

18.

Sa modelong SPEAKING ni Dell Hymmes, ito ay ang layunin ng bawat isang participant sa paglahok sa isang diskurso at dapat ding isaalang-alang.

a)

Ends

b)

Act Sequence

c)

Participants

d)

Intrumentalities

19.

Isa sa mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon na nagbabatid na ang komunikasyon ay dinamiko o ang isang usapan/diskurso ay nagbabago at dapat isaalang-alang ang takbo ng usapan.

a)

Ends

b)

Act Sequence

c)

Participants

d)

Intrumentalities

20.

Isa sa mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon na naglalayong ikonsider ang tsanel o daluyan ng komunikasyon.

a)

Ends

b)

Act Sequence

c)

Participants

d)

Instrumentalities

21.

Ito ay ang paksa ng usapan, at mahalagang isaalang-alang ng mga kalahok sa isang diskurso upang baging mabisa ang komunikasyon.

a)

Norm

b)

Act Sequence

c)

Participants

d)

Instrumentalities

22.

Ito ang kontekstong umiiral sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng dalawa o iilang tao tulad ng usapan ng magkaibigan at pagpapalitan ng chat message ng magkaibigan sa Facebook.

a)

interpersonal

b)

Panggrupo

c)

Pang-organisasyon

d)

Pangkasarian

23.

Ito ay umiiral sa sitwasyong kinasasangkutan ng pangkat ng mga tao tulad ng pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral at palitan ng myembro ng chat messages sa kanilang group chat.

a)

Interpersonal

b)

Panggrupo

c)

Pang-organisasyon

d)

Pangkasarian

24.

Ito ang kontektsong umiiral sa loob ng mga institusyon o tanggapan tulad ng pagsasagawa ng team building ng mga empleyado ng isang opisina at paglalabas ng memorandum ng pangulo ng isang kumpanya para sa lahat ng mga empleyado.

a)

Interpersonal

b)

Panggrupo

c)

Pang-organisasyon

d)

Pangkasarian

25.

Ito ang kontekstong umiiral sa mga sitwasyong kailangan ng maingat na pagsasaalang-alang ng mga katangiang pangkasarian tulad ng pag-uusap ng mga kababaihan tungkol sa menstruation at paglalathala ng mga magasing panlalaki.

a)

Interpersonal

b)

Panggrupo

c)

Pang-organisasyon

d)

Pangkasarian

26.

Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot dito ang pasg-iisip, pag-alala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Interkultural

27.

Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isa at maliit na pangkat.

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Interkultural

28.

Ito ay tumukukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay isang halimbawa nito.

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Pampubliko

d)

Interkultural

29.

Ayon sa kanya, ang proseso ng komunikasyon ay linear.

a)

David Berlo

b)

Aristotle

c)

Schramm

d)

Dance

30.

Ayon naman sa kanya, ang anumang mensahe ay kailangan tuklasin, isaayos at bihisan bago maihatid.

a)

Berlo

b)

Aristotle

c)

Schramm

d)

Dance

31.

Ipinahiwatig naman sa modelo ng linggwistang ito na bawat taong sangkot sa isang sitwasyong pangkomunkasyon ay may kani-kaniyang field of experience o lawak ng karanasan na maaaring makaapekto sa bisa ng komunikasyon.

a)

Berlo

b)

Aristotle

c)

Schramm

d)

Dance

32.

Sa modelong ito, binibigyang-diin na ang konteksto at kultura siyang mga sentral na elemento sa siklikal na proseso ng komunikasyon.

a)

Kontekstwal-Kultural

b)

Transaksyung-Komunikasyon

c)

Interaktib

d)

Mathematical

33.

Inilarawan naman sa modelong ito ang komunikasyon bilang isang transaksyon. Tinukoy din dito ang kung ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pinanggalingan at tagatanggap ng mensahe at kung paano nililimithan o hinuhubog ng daluyan ang mensahe.

a)

Kontekstwal-Kultural

b)

Interaktib

c)

Transaksyung-Komunikasyon

d)

Helical

34.

Ayon sa modelong ito, ang interaksyon ng pinanggalingan at tagatanggap ay nakasalalay sa mensahe, daluyan, kaligiran, pidbak at mga sagabal.

a)

Interaktib

b)

Helical

c)

Mathematical

d)

Transaksyung-Komunikasyon

35.

Sa paglalarawan ng komunikasyon nina Shannon at Weaver, ipinahihiwatig nila sa modelong ito na ang bisa ng isang aktong pangkomunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise.

a)

Interaktib

b)

Helical

c)

Mathematical

d)

Functional

36.

Sa modelong ito ni Dance, inilalarawan sa modelong ito ang impluwensya ng mga nagaganap na pagbabago, partikular sa isang tao, sa komunikasyon. Ang nakaraan, kung gayon, ang pinag-uugatan ng mga pagbabago sa komunikasyon sa kasalukuyan, samantalang ang kasalukuyan naman ang batayan ng komunikasyon sa infinite na hinaharap.

a)

Interaktib

b)

Mathematical

c)

Helical

d)

Functional

37.

Sa modelong ito nina Ruesch at Bateson, tungkulin naman ng komunikasyon ang binigyang-diin. Ayon sa kanila, mailalarawan ang tungkulin ng komunikasyon sa apat na antas, mula intrapersonal (antas 1), interpersonal (antas 2), pangkatan (antas 3), hanggang kultural (antas 4).

a)

Interaktib

b)

Mathematical

c)

Helical

d)

Functional

38.

Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.

a)

Tagapagpadala ng Mensahe

b)

Tagatanggap ng Mensahe

c)

Mensahe

d)

Daluyan

39.

Ito ang elemento ng komunikasyon na may dalawang aspeto: a) pangnilalaman o panglinggwistika at b) relasyonal o di-berbal.

a)

Tugon

b)

Mensahe

c)

Daluyan

d)

Sagabal

40.

Ang elementong ito ay may dalawang kategorya; una ay 1) sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama, at pangalawang kategorya ay 2) institusyonal kung saan ginagamitan ng mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, email, fax machine, cellular phone, beeper atbp.

a)

Mensahe

b)

Daluyan

c)

Tugon

d)

Sagabal

41.

Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng tao na hahangtungan ng mensaheng ipinadala.

a)

Tagapagpadala

b)

Sagabal

c)

Tagatanggap

d)

Tugon

42.

Ito ay isang mahalagan paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon. Ito ay maaaring mauri sa tatlo: a) Tuwiran, b) ‘Di tuwiran at c) Naantala.

a)

Sagabal

b)

Daluyan

c)

Tugon

d)

Mensahe

43.

Ito ang uri ng tugon kung saan kapag ito’y ipinadala at natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe

a)

Tuwiran

b)

Di-tuwiran

c)

Naantala

d)

Semantiko

44.

Ang uri ng tugon na ito ipinahahayag sa pamamagitan ng anyong ‘di berbal. Halimbawa nito ay pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay.

a)

Tuwiran

b)

Di-tuwiran

c)

Naantala

d)

Semantiko

45.

Katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan ng tugon na ito, ito nangangailangan ng panahon upang maipadala at magtanggap. Isang halimbawa nito ay ang pagtugon sa pamamagitan sulat.

a)

Tuwiral

b)

Di-tuwiran

c)

Naantala

d)

Semantiko

46.

Ito ang tinatawag sa Ingles na communication noise o filter.

a)

Sagabal

b)

Mensahe

c)

Tugon

d)

Konteksto

47.

Ang potensyal na sagabal na ito ay matatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Halimbawa nito ay mga salita o pangungusap na may dalawa o higit pang kahulugan.

a)

Pisikal

b)

Semantiko

c)

Pisyolohikal

d)

Sikolohikal

48.

Ang mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan ay mga halimbawa ng potensyal na sagabal na:

a)

Pisikal

b)

Semantiko

c)

Pisyolohikal

d)

Sikolohikal

49.

Ang sagabal na matatagpuan sa katawan ng nagpapadala o tatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o pasalita. Ang pagkakasakit ay isa ring halimbawa ng sagabal na ito.

a)

Pisikal

b)

Pisyolohikan

c)

Semantiko

d)

Sikolohikal

50.

Ang mga halimbawa naman ng mga sagabal na ito ay ang biases, prejudices, pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.

a)

Pisikal

b)

Pisyolohikal

c)

Semantiko

d)

Sikolohikal