wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Konsiyensya

Total questions: 25

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti, pagkakaroon ng pananagutan sa ano mang kilos, pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo sa mga taong tunay sa susuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga.

a)

isip

b)

puso

c)

kamay

d)

kilos-loob

2.

Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay

a)

Bahala ang tao sa kanyang kilos.

b)

Makabubuti sa tao na kumilos nang tama.

c)

Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos.

d)

Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos

3.

“Malinaw sa atin ang sinsabi ng ating konsensiya: gawin ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.

b)

May mga taong pinipili ang masama dahil wala siyang konsensiya.

c)

Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya

d)

Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.

4.

Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagka-personalidad

a)

isip

b)

puso

c)

kamay

d)

kilos-loob

5.

Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?

a)

Batas Positibo

b)

Likas na Batas Moral

c)

Batas ng Diyos

d)

Sampung Utos ng Diyos

6.

Ang ibig sabihin ng pahayag na “The end does not justify the means” ay:

a)

Ang kilos ay mabuti dahil mabuti ang dahilan.

b)

Kung hindi Mabuti ang kilos, hindi rin Mabuti ang pasiya

c)

Ang kabutihan ng layunin ay hindi makapagtatama ng maling kilos.

d)

Kung mabuti ang layunin kahit masama ang kilos ay nagiging tama na rin.

7.

Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?

a)

Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang Kalayaan.

b)

Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kanyang isipan

c)

Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon

d)

Lahat ng nabanggit

8.

Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?

a)

Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti

b)

Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya

c)

Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama

d)

Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura

9.

Panalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama, kahandaan na mas pipiliin ang mabuti

a)

isip

b)

puso

c)

kamay

d)

kilos-loob

10.

Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?

a)

Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama

b)

Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby

c)

Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito

d)

Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid

11.

Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na pagpapasya

a)

konsensya

b)

pag-iisip

c)

puso

d)

moralidad

12.

ang mga sumusunod ay ang mga yugto ng paghuhusga sa tama o mali. ang tamang pagkakaayos nito mula sa una hanggang huli ay _____


I. Alamin at naisin ang Mabuti

II. Kilatisin ang Kabutihan

III. Hatulan ang mabuting pasiya at kilos

IV. Suriin ang sarili at magnilay

a)

I, II, III, IV

b)

IV, III, II, I

c)

II, IV, III, I

d)

I, IV, III, II

13.

Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na hindi naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na sa pagtingin ng tao

a)

obhektibo

b)

pangkalahatan

c)

walang hanggan

d)

hindi nagbabago

14.

Ito ay nabuo batay sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral para sa kaayusan sa lipunan

a)

pangangalaga sa buhay

b)

pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak

c)

pagiging rasiyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan

d)

lahat ng nabanggit

15.

Maipapakita mo ang pagiging mabuting tao kung _____

a)

susundin ang konsensiya

b)

magpapasya ayon sa tama

c)

susundin ang Likas na Batas Moral

d)

lahat ng nabanggit

16.

Ang lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat.Alin sa mga sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.

a)

Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.

b)

Ingatan ang interes ng marami.

c)

Itaguyod ang karapatang pantao.

d)

Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan

17.

Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?

a)

Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.

b)

Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.

c)

Mula sa kaisipan ng mga Pilosopo

d)

Mula sa Diyos.

18.

Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga medikal na doktor ?

a)

Gawin lagi ang tama.

b)

Anuman ang kalagayan ng isang tao,huwag tayong mananakit

c)

Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.

d)

Ingatan na huwag saktan ang tao.

19.

Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan.

b)

Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.

c)

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

d)

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan.

20.

Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa LIkas na Batas Moral?

a)

Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.

b)

Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanila.

c)

Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili.

d)

Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng lingo.

21.

Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?

a)

Ibinubulong ng anghel.

b)

Itinuturo ng bawat magulang.

c)

Naiisip na lamang.

d)

Sumisibol mula sa konsensiya.

22.

Alin sa mga sumusunod ang wasto at mabuting panukala?

a)

Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.

b)

Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan.

c)

Ang likas na batas moral ay para sa lahat.

d)

Maraming anyo ang likas na batas moral.

23.

Ang tama ay pagsunod sa mabuti.Ito ay totoo dahil_____________.

a)

Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.

b)

Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.

c)

Angkop sa pangangailangan at kakayahan.

d)

Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.

24.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?

a)

Ito ay ayon sa mabuti.

b)

Walang nasasaktan.

c)

Makapagpapabuti sa tao.

d)

Magdudulot ito ng kasiyahan.

25.

Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?

a)

May pagsaklolo sa iba.

b)

Pagiging matulungin sa kapuwa.

c)

Pagkampi sa tao.

d)

Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos.