wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Filipino 7 (1st Grading)

Total questions: 60

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ang alamat ay tungkol sa mga pinagmulan ng bagay, lugar, pangalan, o hayop.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Naglalaman ang kuwentong-bayang ng mga tradisyon, pagpapahalaga, at paniniwala ng bayang pinagmumulan nito.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Nasa anyong tuluyan o prosa ang kuwentong-bayan.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang mito ay mga kuwento na hayop ang mga tauhan at karaniwang nagbibigay ng aral o paalala tungkol sa buhay at pakikipagkapuwa.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Ang kuwentong bayan ay mga salaysay tungkol sa mga tauhang likha ng imahinasyon na maaaring kumkatawan sa mga uri ng tao sa lipunang pinanggalingan ng kuwento.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ang kuwentong-bayan (folklore) ay mga salaysay tungkol sa mga tauhang totoo, at nangyayari sa tunay na buhay.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Nagpasalin-salin ang kuwentong-bayan sa mga magkakasunod na henerasyon sa pamamagitan ng tradisyong pagsusulat.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ang kuwentong-bayan ay maaari ring ito ay mga salaysay tungkol sa pook, mga mamamayan, paniniwala, kaugalian, tradisyon, o relihiyon ng bayang pinagmumulan ng kuwentong-bayan.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Ang pabula ay mga kuwentong partikular na tumutukoy sa mga diyos at diyosa at kung paano nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga tao o kung paano sila nakikipag-ugnayan sa mga tao.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Ang kuwento ni Pinang ay isa sa mga halimbawa ng parabula.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Isa sa katangian ng kuwentong-bayan ay tungkol sa mga diyos at diyosa, siyokoy, sirena, anito, kapre, tiyanak at iba pang elemental na makikita o pinaniniwalaan sa bayang pinagmulan ng kuwento

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ang kuwentong “Si Malakas at si Maganda” ay halimbawa ng Mito.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ang kuwentong “Ang pagong at ang matsing” ay isang uri ng pabula.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Ang kuwentong “Si Langgam at si Tipalok” ay halimbawa ng Parabula.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Ang kuwentong “Ang alimaung at ang Usa” ay halimbawa ng Mito.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Si Amanda ay palaging nagagalit sa kaniyang mga kaibigan, (siguro, baka) ay naghahanap siya ng atensyon sa kanila.

a)

siguro

b)

baka

17.

Ayaw sumunod ni Belinda sa kaniyang ina, ( sa palagay ko, puwede ) siya ay tinatamad.

a)

sa palagay ko

b)

puwede

18.

Si Jandy ay palaging mag-isang kumakain sa kantina ( maaari, baka ) bang samahan ko siya bukas Bb. Azul?

a)

maaari

b)

baka

19.

( May posibilidad bang, Puwede ) mawala ang galit sa akin ng aking ina, kapag binigyan ko siya ng rosas pag-uwi ko sa bahay mamaya?

a)

May posibilidad bang

b)

Puwede

20.

( Posible kayang, Maaari ) tumigil ang ating mga puso sa pagtibok nito?

a)

Posible kayang

b)

Maaari

21.

May ( palagay akong , baka ) mahuhuli ang salarin sa pagbibintang ng mga maling paratang sa kapuwa niya.

a)

palagay akong

b)

baka

22.

Ang aking ina ay masipag at matiyagang magtrabaho, at alagaan kaming magkakapatid ( siguro ay, marahil ay ) ganoon niya kami kamahal.

a)

siguro ay

b)

marahil ay

23.

Sa tingin ko, natakot ang datu sa mga halimaw ( palbhasa kasi, pagkat ) puro lamang siya salita.

a)

palibhasa kasi

b)

pagkat

24.

Tumatag ang puso ni Sulayman sa kaniyang tagumpay ( sapagkat, kaya ) hinanap naman niya si Tarabusaw.

a)

sapagkat

b)

kaya

25.

Si Indarapatra na handang ibuwis ang kaniyang buhay sa bayan ( dahil, sapagkat ) mahal na mahal niya ang nasasakupan niya.

a)

dahil

b)

sapagkat

26.

Napakalaki ng pakpak ni Pah ( kaya, dahil ) napapadilim nito ang buong Bundok Bita.

a)

kaya

b)

dahil

27.

Namumuhay ng maligaya ang mga tao sa Mindanao ( dahil dito, kaya naman ) sagana sila sa likas na yaman.

a)

dahil dito

b)

kaya naman

28.

( Sapagkat, Kaya ) nabihag ang puso ni Sulayman ng ganda ng mutya, hiniling niyang sila ay agad na magpakasal.

a)

Sapagkat

b)

Kaya

29.

Malungkot sa maraming bayan ( dahil, tuloy ) sa kalagim-lagim na sinapit ng Mindanaw.

a)

dahil

b)

tuloy

30.

Hindi mahilig sa gulay si Martin ( kaya , kaya naman ) siya ay walang sigla sa klase.

a)

kaya

b)

kaya naman

31.

( Sana, Baka ) huminto na ang malakas na ulan, para ako ay makauwi na.

a)

Sana

b)

Baka

32.

Lalong maghihirap ang ating bayan ( kung, sakali ) pababayaan nating malulong sa droga ang mga kabataan.

a)

kung

b)

sakali

33.

Bibiyahe ako papuntang Baguio ( sakali, kapag ) bumuti na ang panahon.

a)

sakali

b)

kapag

34.

( Pakipasok po, Ipasok po ) ang mga sapatos sa loob ng kuwarto.

a)

Pakipasok po

b)

Ipasok po

35.

( Pakidala po, Dalhin mo po ) ang aking baon na naiwan mamayang tanghali.

a)

Pakidala po

b)

Dalhin mo po

36.

Nagagamit ito sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay.

a)

Pang-ugnay

b)

Panghambing

c)

Pangngalan

d)

Pantangi

37.

Ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya ngunit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.

a)

Kapani-paniwala

b)

May matibay na patunay

c)

Nagpapahiwatig

d)

Nagpapakita

38.

Ano ang tawag sa mga pahayag na naglalahad ng isang pangyayaring maaaring mangyari o magkatotoo ngunit walang katiyakan o kasiguraduhan?

a)

Katotohanan

b)

Posibilidad

c)

Kasabihan

d)

Usap-usapan

39.

Ito ay mga salaysay tungkol sa pook, mga mamamayan, paniniwala, kaugalian, tradisyon, o relihiyon ng bayang pinagmumulan ng kwento.

a)

Kuwento

b)

Parabula

c)

Tula

d)

Kuwentong-bayan

40.

Ito ay pinagmulan ng mga bagay, lugar, pangalan, o hayop.

a)

Mito

b)

Epiko

c)

Pabula

d)

Alamat

41.

Ito ay kuwentong partikular na tumutukoy sa diyos at diyosa at kung paaano nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga tao.

a)

Mito

b)

Epiko

c)

Pabula

d)

Alamat

42.

Ang mga ito ay kuwento na hayop ang tauhan.

a)

Mito

b)

Epiko

c)

Pabula

d)

Alamat

43.

Sa paggamit ng salitang ito, ipinapakita na ang ebidensiya, patunay o datos ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.

a)

Kapani-paniwala

b)

May matibay na patunay

c)

May matibay na datos

d)

Nagpapatunay

44.

“Ang unggoy at ang buwaya” ay halimbawa ng anong kuwentong bayan?

a)

Mito

b)

Epiko

c)

Pabula

d)

Alamat

45.

Ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan, video (may dokumentaryong ebidensiya).

a)

Kapani-paniwala

b)

Nagpapatunay

c)

May datos

d)

Nagpapakita

46.

Ang mga mag-aaral ay nag-aaral nang mabuti ngayon ___________ kanilang mababang marka na nakuha sa pagsasanay kahapon.

a)

para sa

b)

dahil sa

47.

Ang mga binili kong bulaklak ay ________ Andrea.

a)

para sa

b)

para kay

48.

___________ Covid19 ang kuwento na aking ginawa.

a)

Tungkol sa

b)

Tungkol kay

49.

Maliit _________ bagay ang mga itinulong ko sa kaniyang aralin.

a)

na

b)

-ng

50.

Totoo_________ nagmamadali sa pagpapakasal ang magkasintahan.

a)

-g

b)

-ng

51.

Si Ama ay nagsusulat __________ si Dex ay nagbabasa.

a)

at

b)

saka

52.

Ang baytang pito ay masisipag __________ matyatyaga sa kanilang pag-aaral.

a)

ayon sa

b)

saka

53.

Maganda __________ pagmasdan ang tanawin sa aming lugar.

a)

-g

b)

-ng

54.

Nakakatuwa __________ tignan ang paglipas ng panahon.

a)

-g

b)

-ng

55.

__________ mga mag-aaral ang aking ginawang pagsusulit.

a)

Para sa

b)

Para kay

56.

Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa binasang kuwento.

1.Si Pilandok at ang Batingaw

4 lines
57.

Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa binasang kuwento.

2.Ang Alimaung at ang Usa

4 lines
58.

Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa binasang kuwento.

3.Bantugen

4 lines
59.

Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa binasang kuwento.

4.Buhangin

4 lines
60.

Gumamit ng tatlong salita na pinapahayag ang iyong natutunang aral sa binasang kuwento.

5.Ang Bulawan

4 lines