NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 6
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Uri ng panitikan na kung saan ang tauhan ay mga hayop na nagiisip ng parang tao kadalasang may mapupulot na aral.
Alamat
Pabula
Talambuhay
Piksyon
Isang kwentong maaaring kathang-isip o gawa-gawa lamang na tumalakay sa pinagmulan ng isang bagay.
Pabula
Talambuhay
Panitikan
Alamat
Bahagi ng pananalita kung saan inihahalili o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang pag-uulit.
panghalip
panitikan
tahas
basal
Inihahalili sa pangngalan ng tao o tawag sa tao.
panaklaw
pamatlig
panao
pantao
Ang salitang " kanino " ay kabilang sa panghalip _________?
panao
panaklaw
pananong
pamatlig
Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod?
ako
ikaw
tayo
doon
Ang may-ari ng lupa ang siyang may karapatan. Alin ang panghalip sa pangungusap?
may-ari
siyang
may
karapatan
Ito ang salitang inihahalili sa tao, bagay, hayop, o lugar na itinuturo.
Panghalip panaklaw
Panghalip pananong
Panghalip Panao
Panghalip pamatlig
Paano mo na iyong pangarap?
Ang salitang may salungguhit ay halimabawa ng panghalip _________?
panao
pamatlig
panaklaw
pananong
Ito ay panitikan kung saan ito ay kathang- isip , gawa-gawa, o imahinasyon lamang.
piksyon
di-piksyon
Ang salitang "siya" ay nasa pang-ilang panauhan?
unang panauhan
ikalawang panauhan
ikatlong panauhan
Ang salitang "kita" ay nasa pang-ilang panauhan?
unang panauhan
ikalawang panauhan
ikatlong panauhan
Ang salitang "sila" ay nasa pang-ilang panauhan?
unang panauhan
ikalawang panauhan
ikatlong panauhan
Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa pangngalang itinuturo na _____________,
malapit sa nagsasalita
malapit sa kinakausap
malayo sa nag-uusap
Ang salitang "iyon" ay tumutukoy sa pangngalang itinuturo na ___________,
malapit sa nagsasalita
malapit kinakausap
malayo sa nag-uusap
Ano ang pinagkaiba ng piksyon at di-piksyon?
Ang piksyon ay totoong paglalahad ng buhay , kasaysayan ng isang bagay samantalang ang di-piksyon ay pawang gawa-gawa lang.
Ang piksyon uri ng panitikan kung saan ang istorya ay umiikot sa mga bagay na imahinasyon lamang at ang di-piksyon ay istorya na totoong nangyari o kaganapan.
Ang lahat ay uri ng panghalip, maliban sa:
pamatlig
panao
pantao
pananong
Nasa ibabaw ng iyong mesa ang hinahanap mong kwaderno. Natabunan _________ ng iyong ibang gamit.
ito
iyan
ganiyan
dito
Ang mga sumusunod na salita ay halimbawa ng panghalip panao na ikatlong panauhan, maliban sa:
sila
kanila
siya
tayo
Alin ang naiiba?
Si Langgam at Tipaklong
Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan
Ang kalabaw at ibon
Ang tusong si Matsing at si Pagong
