wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 10 - KONTEMPO DIAGNOSTIC TEST

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1. Anong Artikulo sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas nakapaloob ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino?

a)

A. Artikulo I

b)

B. Artikulo II

c)

C. Artikulo III

d)

D. Artikulo IV

2.

2. Batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights Education (2003), ano ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa pag- unawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan?

a)

A. kawalan ng pagkilos

b)

B. limitadong pagkukusa

c)

C. militance at pagkukusa

d)

D. pagpapaubaya at pagkakaila

3.

3. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ikalabingwalong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili, nagtungo siya sa tanggapan ng COMELEC (Commission on Elections) sa kanilang siyudad upang magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anongtungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan?

a)

A. Magparehistro at bumoto

b)

B. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas

c)

C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

d)

D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

4.

4. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong sa mga programa ng mga grassroots organization.

a)

A. civil society

b)

B. non-governmental organization

c)

C. people’s organization

d)

D. trade union

5.

5. Sino sa sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

A. Si James na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.

b)

B. Si Samantha na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino.

c)

C. Si Ramon na ipinanganak noong Pebrero 2, 1969 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

d)

D. Lahat ng nabanggit.

6.

6. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?

a)

A. Si Michael ay lumahok sa HARIBON Foundation.

b)

B. Si Rowel na naging pangulo ng kooperatiba ng kanilang barangay.

c)

C. Si Edna na nagpakita ng matinding pagtutol sa mga katiwalian sa pamahalaan.

d)

D. Si Angelo na kasama ng mga opisyal ng pamahalaan na bumabalangkas ng mga programa para sa bayan

7.

7. Si Lina ay isang magsasaka na magisang nagtataguyod sa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok sa isang samahan na magtataguyod ng karapatan ng mga magsasakang katulad niya. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?

a)

A. Funding-Agency NGOs

b)

B. Grassroot Support Organizations

c)

C. Non-Governmental Organizations

d)

D. People’s Organizations

8.

8.Basahin at unawain ang talata sa ibaba: Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan Ang talata na iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Panatang Makabayan. Anong katangian ng isang mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito?

a)

A. produktibo

b)

B. makatao

c)

C. mapanagutan

d)

D. malikhain

9.

9. Bakit kailangang matiyak ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?

a)

A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan

b)

B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan

c)

C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin

d)

D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

10.

10. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?

a)

A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.

b)

B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain.

c)

C.Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar.

d)

D.Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan upang may mapagkakitaan ang mga mamamayan.

11.

11. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?

a)

A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon upang mapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.

b)

B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon.

c)

C.Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng pagiging ligal ang paraan ng pagkuha ng trabaho.

d)

D.Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

12.

12. Ano ang taglay ng isang bansang may mamamayang aktibo at malayang nagtatanggol sa kanilang karapatang pantao?

a)

A. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may karahasan sa lipunan dahil sa pagiging aktibo sa lipunan.

b)

B. Taglay ng bansang ito ang mamamayang may hangaring kontrolin ang pamahalaan.

c)

C.Taglay ng bansang ito ang mamamayang may mataas na pagpapahalaga sa sarili at katarungang panlahat.

d)

D.Taglay ng bansang ito ang mamamayang patuloy na naghahangad na mahigitan ang karapatan ng pamaha-laang mangasiwa sa bansa.

13.

13. Ang sumusunod ay mga mabuting dulot ng paglahok sa civil society MALIBAN sa isa.

a)

A. Mas nagiging mulat ang mamamayan sa kalagayan ng lipunan.

b)

B. Naipararating natin ang ating mga hinaing at pangangailangan sa pamahalaan.

c)

C.Nabibigyang pansin ang kapakanan ng iba’t ibang pangkat sa ating lipunan.

d)

D.Maaaring palitan ng civil society ang ating pamahalaan kung ang huli ay naging mapangabuso.

14.

14. Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?

a)

A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.

b)

B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang element upang magkaroon ng isang participatory governance.

c)

C.Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang mabuting pamahalaan.

d)

D.Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability

15.

15. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?

a)

A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa.

b)

B. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa hamon ng lipunan.

c)

C.Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal ng pamahalaan.

d)

D.Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng komunidad.

16.

16. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

a)

A. lipunan

b)

B. bansa

c)

C. komunidad

d)

D. organisasyon

17.

17. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?


Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

a)

A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan

b)

B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad

c)

C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan

d)

D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan

18.

18.Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?


Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan “Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na isyung panlipunan.”

a)

A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.

b)

B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

c)

C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.

d)

D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

19.

19. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?

a)

A. Bumuo si Anne ng DRRM plan kasama ang mga NGO at mga pangkaraniwang mamamayan

b)

B. Nakipagpulong si Mayor Estoque sa kaniyang mga konsehal upang bumuo ng DRRM plan

c)

C. Nakipagtulungan si Blessy, lider ng samahan ng mga kababaihan sa mga kawani ng pamahalaang pambarangay sa pagsasagawa ng hazard assessment.

d)

D. Nabuo ni Marites ang DRRM Plan ng kanilang barangay sa pakikipagtulungan ng business sector at NGO

20.

20.Nagtungo sa pamahalaang pambarangay at naglibot sa kanilang lugar sina Dexter, Jefferson, Angelito, at Emmanuel upang itala ang mga naranasang kalamidad at hazard sa nakalipas na limang taon. Ang kanilang ginawa ay isang halimbawa ng ____

a)

A. Hazard Assessment

b)

B. Capacity Assessment

c)

C. Vulnerability Assessment

d)

D. Disaster Assessment