wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10_REVIEWER_2ND QTR_SUMMATIVE TEST 2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang “Guarded Globalization “ ay ang pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang – proteksyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante Aling pangungusap ang nagpapatotoo dito?

a)

Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa labas ng bansa upang tumaas ang halaga nito kumpara sa presyo ng mga produktong lokal

b)

Pagpapataw  ng buwis o taripa sa lahat ng podukto at serbisyong nagmumula sa lokal na namumuhunan upang tumaas ang presyo ng kanilang produkto ng sa gayon ay lumaki ang kanilang kita

c)

Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa labas ng bansa at lokal na pamilihan ng tumaas ang kita ng pamahalaan

2.

Ang pagkabuo at pagkatatag ng mga samahang panrehiyon at pandaigdig ay nagdulot ng mabilis at malawak na ugnayan ng nagkakaisang mga bansa. Anong aspekto ang inilalarawan nito?

a)

Globalisasyong Ekonomiko

b)

Globalisasyong Politikal

c)

Globalisasyong Sosyo-kultural

d)

Globalisasyong Teknolohikal

3.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal company) ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?

a)

Iskemang Subcontracting

b)

Kontraktwalisasyon

c)

Unemployment 

4.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga tao na may edad 15 pataas na may sapat na lakas, kasanayan at maturidad upang makilahok sa gawaing may layuning lumikha ng produkto o magbigay ng serbisyo?

a)

Lakas Paggawa

b)

Overseas Filipino Worker (OFW)

c)

Produksyon

5.

Alin sa sumusunod ang itinuturing na bibliya ng mga manggagawa sa Pilipinas?

a)

Civil Code

b)

Hammurabi Code

c)

Labor Code

6.

Ito ay ang pag-alis o migrasyon ng mga propesyonal na manggagawa papunta sa ibang bansa upang ipraktis ang kanyang pinag-aralan at espesyalisasyon.

a)

Brawn Drain

b)

Brain Drain

c)

Contractualization

7.

Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng globalisasyon sa sanlibutan?

a)

Paglalapit ng relasyon ng mga bansa

b)

Pagpapalitan ng kalakal at kultura

c)

Pagsasarili ng mga mahihirap na bansa

8.

Ikaw ay isang miyembro ng lipunan, nakikita mo ang epekto ng globalisasyon sa politika, ekonomiya, teknolohiya at kultura. Ano ang iyong magiging tugon?

a)

Gawing hamon sa buhay ang mabuti at masamang epekto ng globalisasyon.

b)

I-post sa social media ang damdamin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

c)

Palawakin at linangin ang mabuting epekto ng globalisasyon.

9.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang sumasalungat sa pahayag?

a)

Ang tinatanggap na sahod ng Tatay ni Luiz ay hindi nakasasapat sa gastusin ng pamilya sa loob ng isang buwan.

b)

Dahil sa tinanggap na bonus ni Jessel ay nakabili siya ng bagong modelo ng cellphone.

c)

Hindi natatanggap sa trabaho si Angela dahil hindi sapat ang kanyang kwalipikasyon sa inaplayang trabaho.

10.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng epekto ng mga hamon sa paggawa sa mga manggagawang Pilipino?

a)

Pangingibang-bansa ng kababaihan upang magtrabaho

b)

Pagiging globally competitive ng mga manggagawang Pilipino

c)

Pagwawakas ng sistemang endo o contractualization

11.

Kontrakyuwalisasyon WAKASAN” , isa ito sa isinisigaw ng mga manggagawang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng kontrata ang kanilang serbisyo o paglilingkod sa kumpanya o pagawaan na kanilang pinapasukan. Ang sistemang ito na mas kilala sa tawag na endo ay nagdudulot ng pangamba at walang kasiguraduhan sa mga mangagawang Pilipino dahil_____?

a)

Nagiging dahilan ang kontraktuwalisasyon na maibaba ang presyo ng kanilang produkto sa pamilihan dahil mababa din ang natatanggap nilang pasahod

b)

Hindi sila binabayaran ng karampatang pasahod at hindi nakatatanggap ng mga benepisyong dapat natatamasa ng mga manggagawang regular

c)

Nalilimitahan o hindi sila pinapahintulutang lumahok sa anumang samahan o union na para sa mga manggagawa

12.

Ang lahat ay di- mabuting naidulot ng globalisasyon sa sector ng agrikultura MALIBAN sa_____

a)

Ang ating pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, pabrika,pagawaan mula sa TNCs.

b)

Pagdami ng bilang ng mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural dahil sa pagliit ng lupang salahan

c)

Pagpasok ng mga makabagong teknolohiya na maaring gamitin ng mga magsasakang Pilipino kapalit ang nakasanayang gawain.

13.

Ang sektor ng industriya sa ating bansa ay lubusan ding naapektuhan ng globalisasyon. Maraming dayuhang kompanya ang nakapasok sa ating bansa bunsod ng Pandaigdigang kasunduan ng pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusong pinansyal. Isa sa mga naibunga nito ay ang tinatawag na deregularisasyon sa mga polisiya ng estado sa uasaping paggawa. Alin ang nagpapatotoo dito?

a)

Ang pamantayang pangkasanayan at kakayahan , pagpili at pagpapasahod ay nakabatay sa polisiya ng dayuhang mamumuhunan

b)

Naiiwasan ang iba’t iabang anyo ng oang-aabuso sa karapatan ng manggagawa dahil ang mga patakaran ay nakabatay sa pandaigdigang kasunduan

c)

Pagkakaroon ng mga karagdagang benepisyo sa mga mangagawang Pilipino dahil pandaigdig na pamantayan sa paggawa ang sinusunod ng mga dayuhang mamumuhunan.

14.

Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ang fair Trade ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang ekonomiko at pampolitikang kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Ayon naman sa pananaw ng neo-liberalismo , ito ay nangangahulugang higit na moral at patas na pang- ekonomiyang Sistema sa daigdig. Samakatuwid ang Fair Trade ay mahalaga dahil ________.

a)

Binibigyang pansin dito ang pangangalaga ng karapatan ng mga nandarayuhan

b)

Ito ay pagbibigay ng sapat na trabaho at ligtas na produkto sa lahat

c)

Ito ay isang sistemang ginawa upang mapakinabangan ng mga umuunlad na bansa.

15.

Isa sa mga  pagtugon ng ating bansa sa pagbabagong dulot ng globalisasyon sa paggwa ay ang pagbabago n gating kurikulum upang  makasabay ang mga mag-aaral na magsispagtapos sa standard na itinakda ng pandaigdigang mamumuhunan. Sa ganitong layunin patuloy pa di ang pagtaas ng porsiyento ng sulirani sa tinatawagna job-mismatch. Ito ay patuloy na nagaganap dahil_________.

a)

Maraming kurso at kolehiyo sa bansa ang hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda

b)

Ang mga mag-aaral ay kuukuha ng kurso sa kolehiyo ng hindi napag-iisipan at napaghahandaan.Madalas ang kursong kanilang kinukuha ay hindi nakabatay sa kanilang kakayahan o skill

c)

Iba ang nakahiligan ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Madalas naisasantabi ang kanilang panahon sa pag-aaral na nagiging resulta ng kawalan ng kakayahan.

16.

Ang agrikultura ay hindi nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang sekundaryang sektor ng ekonomiya ay naipopoproseso nito ang mga hilaw na materyales mula sa sektor ng agrikultura upang makabuo ng isang panibagong produkto o serbisyo.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Suliranin sa kalagayang paggawa ay ang pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Suliranin sa kalagayang paggawa ang paglaganap ng mga patakarang neo-liberal sa bansa dahil sa globalisasyon.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Suliranin sa kalagayang paggawa ng mababang sahod ngunit mataas na kwalipikasyon sa pagtatrabahuhan.

a)

Tama

b)

Mali