wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MASTERY TEST IN AP 9

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang HINDI kabilang sa palatandaan ng pag-unlad?

a)

haba ng buhay    

b)

kita ng pamilya   

c)

dami ng nakapag-aral      

d)

dami ng inangkat na produkto

2.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang MALI?

a)

May pag-unlad kung may kapayapaan.

b)

May pag-unlad kahit walang demokrasya.

c)

May pag-unlad kung nakikinabang ang lahat ng tao.

d)

May pag-unlad kung nakikinabang kapwa ang babae at lalake.

3.

Alin ang panukat ng kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo?

a)

Corruption Index 

b)

CPI      

c)

GNP    

d)

HDI

4.

Paano pinapabuti ng pag-unlad ang kondisyon ng mga tao?

a)

marami na silang pera

b)

pagbaba ng antas ng kahirapan

c)

maraming mangingibang-bansa

d)

tataas na ang kakayahang magbayad ng buwis

5.

Ano ang pinakamataas na score na maaaring makuha ng isang bansa sa Human Development Index?

a)

1

b)

10

c)

50

d)

100

6.

Ang pagsulong ba ay nakikita at nasusukat?

a)

Hindi, dahil marami pa rin ang walang trabaho.

b)

Pwede, depende sa inatasan ng pangulo na magsusukat.

c)

Oo, makikita ito sa mga tulay, kalsada, bangko, pagamutan, gusali at marami pang iba.

d)

Oo at hindi, dahil iba-iba ang pamamaraan ng pamahalaan kung paano masusukat ang pagsulong.

7.

Ano ang tawag sa pananagutan ng mamamayan na kung saan makakatulong sa pamahalaan upang magkaroon ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon at murang programang pangkalusugan?

a)

Tamang negosyo         

b)

Tamang pagbabayad ng buwis

c)

Tamang pagsunod       

d)

Tamang pasahod

8.

Alin sa mga estratehiya sa ibaba ang nagpapakita ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis?

a)

Maabilidad

b)

Maalam   

c)

Makabansa

d)

Mapanagutan

9.

Nahaharap sa kasalukuyan ang Pilipinas sa suliranin ng pagkaubos ng mga yamang likas nito. Anong sektor ng pamahalaan ang dapat mangasiwa sa suliraning ito?

a)

DA       

b)

DOH

c)

DOST

d)

DTI

10.

Ano ang karaniwang produkto na matatagpuan sa sektor ng agrikultura?

a)

dumaan na sa pagproproseso

b)

nilikhang produkto

c)

primarya

d)

sekundarya

11.

Alin ang HINDI napapabilang sa sektor ng agrikultura?

a)

paghahalaman 

b)

paghahayupan

c)

pangangalakal

d)

pangingisda

12.

Anong uri ng pangisdaan ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan?

a)

aquaculture

b)

internasyunal

c)

komersyal

d)

municipal

13.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa sektor ng agrikultura?

a)

Department of Agriculture

b)

Mine and Geo-Science Bureau

c)

Depatment of Public Works and Highways              

d)

Department of Environment and Natural Resources   

14.

Anong batas ang kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino?

a)

Agricultural Land Reform Code

b)

Atas ng Pangulo Blg. 27

c)

Batas Republika Blg. 6657 ng 1988       

d)

Public Land Act ng 1902

15.

Ano ang tawag sa batas na itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas?

a)

National Integrated Protected Areas System (NIPAS)

b)

Sustainable Forest Management Strategy

c)

Philippine Fisheries Code of 1998         

d)

Fishery Research

16.

Piliin ang konsepto na HINDI kabilang sa pangkat.

Karagdagang panukat ng HDI

a)

Inequality-adjusted HDI

b)

Life expectancy Index

c)

Gender Inequality Index

d)

Multidimensional Poverty Index

17.

Piliin ang konsepto na HINDI kabilang sa pangkat.

Mga suliraning kinakaharap ng pagsasaka

a)

Climate change

b)

Pagliit ng lupang pansakahan

c)

Pagdagsa ng dayuhang kalakal

d)

Epekto ng polusyon sa pangisdaan

18.

Ano ang tawag sa resulta ng isang prosesong nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya na madaling masukat?

a)

pag-asenso           

b)

pagsulong

c)

pag-unlad        

d)

pagyaman

19.

Sino ang pinakasusi sa kaunlaran ng isang bansa?

a)

mamamayan

b)

pamahalaaan

c)

pribadong sektor      

d)

propesyonal

20.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI pinaglalaanan ng badyet para sa serbisyong panlipunan?

a)

Edukasyon

b)

Kahusayan

c)

Kalusugan

d)

Tanggulang Pambansa