Font size
WorksheetsQ1_M2_Lesson2:Kahalagahan ng Ekonomiks
Total questions: 15
Worksheet time: 19mins
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng lipunan.
a. Sosyolohiya
b. Etika
c. Kasaysayan
d. Matematika
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kahalagahan ng ekonomiks na tumutukoy sa indibidwal maliban sa :
a. Pagpili ng Kurso sa kolehiyo
b. Pagpili ng kaibigan
c. Paggastos sa baon
d. Pagpili ng produktong ititinda
A. Malalaman mo ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang
indibidwal, sapagkat sa ating mga kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Higit sa lahat, ang ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-
araw-araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naaapektuhan ang pamumuhay
ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan.
a. Tama ang A at Mali ang B
b. Tama ang A at Tama ang B
c. Mali ang A at Tama ang B
d. Mali ang A at Mali ang B
A. Sa pag-aaral ng ekonomiks, matutunan ng isang indibidwal kung paano kumikilos ang tao sa isang lipunan.
B. Sa pag-aaral ng ekonomiks, patuloy na nagkakagulo at nawawalan ng order sa isang komunidad.
a. Tama ang A at Mali ang B
b. Tama ang A at Tama ang B
c. Mali ang A at Tama ang B
d. Mali ang A at Mali ang B
Ang pag-aaral tungkol sa nakaraan at kasalukuyang mga pangyayari ay tinatawag na.
a. Sosyolohiya
b. Etika
c. Kasaysayan
d. Matematika
Saklaw ng pag-aaral nito ang mga variables , graph at maging ang mga numero.
a. Sosyolohiya
b. Etika
c. Kasaysayan
d. Matematika
A. Walang garantiya o kasiguraduhan na uunlad ang pamumuhay ng isang tao kapag natutunan niya ang mga konseptong pang-ekonomiya.
B. Sandigan ng ekonomiks ang matalinong pagpapasya.
a. Tama ang A at Mali ang B
b. Tama ang A at Tama ang B
c. Mali ang A at Tama ang B
d. Mali ang A at Mali ang B
A. Sa Ekonomiks mauunawaan ang mga dahilan ng pagnanais ng tao na mabuhay.
B. Makakatulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
a. Tama ang A at Mali ang B
b. Tama ang A at Tama ang B
c. Mali ang A at Tama ang B
d. Mali ang A at Mali ang B
Ang pagpapatupad ng ordinansa o batas ay isang kahalagahan sa ekonomiks na
tumutukoy sa:
a. Indibidwal
b. Lipunan
c. Pamilya
d. wala sa nabanggit
Ang Heograpiya bilang agham panlipunan na kaugnay ng pag-aaral ng ekonomiks ay tumutukoy sa:
a. Katangiang pisikal ng isang lugar
b. Bilang ng produksiyon sa isang lugar
c. Alternatibong pamalit sa ekonomiks
d. Pagsukat sa dami ng populasyon
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga kabataan.
Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa kolehiyo
b. Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang
makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya
d. Makakatulong upang makapagturo ng Ekonomiks sa hinaharap
Saklaw ng pag-aaral nito ang katangian na may kinalaman sa populasyon.
a. Sosyolohiya
b. Etika
c. Demograpiya
d. Matematika
Ang mga sumusunod ay agham panlipunan na mayroon kaugnayan sa pag-aaral ng Ekonomiks maliban sa:
a. Sosyolohiya
b. Pisika
c. Demograpiya
d. Antropolohiya
Ano ang iyong gustong sabihin sa iyong guro?
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral na may kinalaman sa moralidad at paggawa ng tama o mali.
a. Sosyolohiya
b. Etika
c. Kasaysayan
d. Matematika
