Font size
WorksheetsCONTEMPORARY ISSUE QUIZ2
Total questions: 20
Worksheet time: 7mins
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng Globalisasyon sa paggawa?
Pangangailangan ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng Global Standard.
Hindi nabibigyang pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
Dahil sa mura at mababa ang pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Ang ASEAN ay...
Assembly of Southeast Asian Nations
Association of Southeast Asian Nations
Administrative Southeast Asian Nations
Admiral Southeast Asian Nations
Magbigay ng ISA sa Apat na Haligi para sa isang Disente at Marangal na Paggawa
(a)
Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
Haligi ng Empleyo
Haligi ng Karapatan ng Manggagawa
Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan
Haligi ng Kasunduang Panlipunan
Naglalayong hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga kasama sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.
Haligi ng Empleyo
Haligi ng Karapatan ng Manggagawa
Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan
Haligi ng Kasunduang Panlipunan
Naglalayong hiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na bahay-pagawaan para sa mga manggagawa.
Haligi ng Empleyo
Haligi ng Karapatan ng Manggagawa
Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan
Haligi ng Kasunduang Panlipunan
Naglalayong palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
Haligi ng Empleyo
Haligi ng Karapatan ng Manggagawa
Haligi ng Panlipunanang Kaligtasan
Haligi ng Kasunduang Panlipunan
Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
Labor-only Contracting
subcontracting scheme
job-contracting
Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinagaralan nito.
Kontraktuwalisasyon o “Endo”
Mura at Flexible Labor
Job-Mismatch
Mababang Pasahod
Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho.
Unemployment
Underemployment
Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho.
Unemployment
Underemployment
Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
Unemployment
Underemployment
Alin sa mga sumusunod ang HINDI Karapatan ng mga Manggagawa (Ayon sa International Labor Organization (ILO)
Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa lahat ng trabahador.
Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa
Commonwealth Act Blg. 444
Batas Republika Blg. 1933
Batas Republika Blg. 679
Batas ng Pangulo Blg. 442
Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa
Batas ng Pangulo Blg. 442
Commonwealth Act Blg. 444
Batas Republika Blg. 1933
Batas Republika Blg. 679
Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave
Batas Republika Blg. 679
Batas Republika Blg. 1052
Batas Republika Blg. 1131
Batas Republika Blg. 772
Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang
Batas Republika Blg. 1052
Batas Republika Blg. 1131
Batas Republika Blg. 772
Batas Republika Blg. 679
Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa
Batas Republika Blg. 1052
Batas Republika Blg. 1131
Batas Republika Blg. 772
Batas Republika Blg. 679
Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho
Batas Republika Blg. 679
Batas Republika Blg. 1052
Batas Republika Blg. 1131
Batas Republika Blg. 772
Ipinagkakait sa manggagawa ang katayuang “regular employee” ng kompanya o kapitalista.
Mura at Flexible Labor
Job-Mismatch
Kontraktuwalisasyon o “Endo”
