NEW
Font size
WorksheetsQ1: MGA ISYUNG PANGKASARIAN
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa mga gampanin, katangian at asal kaugnay ng pagiging isang babae o lalaki ng isang indibidwal sa lipunan na kanilang kinabibilangan.
gender
orientation
sex
queer
2. Ito ang tawag sa nararamdamang malalim na atraksiyonn emosyonal, apeksyunal, sekswal at pakikipagrelasyon ng tao sa magkaiba o parehas ng kanyang kasarian, at kasariang higit sa isa.
Pagkakakilanlang-Pangkasarian
Oryentasyong-Seksuwal
Homosexual
Heterosexual
3. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang ginagamit para sa mga kalalakihan.
4. Ang mga katangiang pisyolohikal at biyolohikal na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki ay ___________.
gender
asexual
sex
transgender
5. Ito ay tumutukoy sa masidhing damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring magkatulad o iba sa seks niya ng siya ay ipinanganak.
gender expression
Transitional
sexual orientation
gender identity
6. Ang paraan kung paano ipinapahayag ng isang indibidwal ang kanyang sarili upang maipakita ang pagkakakilanlang pang-kasarian sa ibang tao ay tinatawag na:
gender identity
sexual orientation
gender expression
gender transition
7. Ito ang tawag sa mga taong walang nararamdamang anumang atraksiyong-seksuwal sa kahit anumang kasarian.
asexual
bisexual
cross-dresser
. transgender
8. Ito ay isang uri ng oryentasyong-seksuwal kung saan ang tao ay nakararamdam ng pagnanasang sekswal sa kasapi ng kabilang kasarian.
lesbian
bisexual
homosexual
heterosexual
9. Ito ang tawag sa mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.
gay
bisexual
heterosexual
transgender
10. Ito ang tawag sa taong ang pagkakakilanlang-pangkasarian ay tumutugma sa kanyang biyolohikal na katangian (sex) pagkapanganak.
ally
cisgender
intersex
queer
11. Ayon sa Boxer Codex, alin sa mga sumusnod ang nagpapahayag na higit na malawak ang mga karapatan ng mga kalalakihan noon kaysa sa mga kababaihan?
Ang mga kalalakihan ay nagsisilbing hari ng tahanan.
Ang mga kababaihan na nais makipaghiwalay ay kinakailangang magbigay ng handog o alay sa kanilang mga asawa
Ang mga kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa nang marami subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae kung may makita itong kasamang ibang lalaki.
Ang mga kababaihan ay walang kalayaang makilahok sa politika katulad ng mga kalalakihan.
12. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga lalaking babaylan ay nagbibihis-babae, nagbabalatkayo bilang babae at ang iba naman sa kanila ay nagpapakasal din sa kapwa lalaki. Bakit nagbago ang gampanin ng mga babaylang ito?
Dahil mas pinili nilang talikuran ang pagiging babaylan at mamuhay nang normal.
Dahil halos karamihan sa kanila ay namatay sa panahon ng pag-aalsa.
Dahil sa malawakang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa bansa.
Dahil ang mga babaylan ay naging mga pari ng mga simbahan.
13. Bilang mag-aaral, paano mo higit na maipapakita ang pantay na pagtrato sa mga miyembro ng LGBTQ+?
Ang pagpili mo sa isang kamag-aral na miyembro ng LGBTQ+ bilang pangulo ng klase dahil sa kanyang potensyal na mamuno.
Ang madalas na pakikilahok sa mga gawain gaya ng Pride March at pagbili ng mga bagay na may mga simbolo gaya ng damit.
Ang paggamit ng mga “gay language” sa pakikipag-usap sa mga kaibigang miyembro ng LGBTQ+.
Ang panonood ng mga pelikulang may tema tungkol sa buhay ng mga LGBTQ+.
14. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan ng walang anumal benepisyong medikal?
Female Genital Mutilation
Female Infanticide
Honor Killing
Sexism
15. Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng “gender role” sa Pilipinas.
A. Ang mga kababaihan ay bahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
B. Ang kababaihan, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
C. Maraming kababaihan ang nakapag-aral upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta for Women.
CABED
BEDCA
BECAD
EBCAD
