NEW
Font size
WorksheetsAral.Pan. 9 - Paunang Pagtataya (Unang Markahan)
Total questions: 15
Worksheet time: 9mins
Lahat ng tao, mahirap o mayaman, bata o matanda, ay itinuturing na mamimili sapagkat lahat ay may _________________________.
pera
pangangailangan
karapatan at pananagutan sa pamilihan
kinokonsumo na mga produkto at serbisyo
Ano ang maitutulong mo upang mapangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?
pagtatanim ng mga halaman
pagsali sa fun run para sa kalikasan
pagsapi sa mga organisasyong pangkalikasan
aktibong pakikilahok sa mga proyektong pangkalikasan
Ang salitang pinagmulan ng katawagang ekonomiks ay __________?
aikonomos
ekonomos
oikonomics
oikonomos
Anong agham ng pag-aaral ang kinabibilangan ng ekonomiks?
abstract sciences
natural sciences
physical sciences
social sciences
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng maliit na yunit sa ekonomiya na sumusuri sa kilos at asal ng bawat indibidwal na nakaaapekto sa kabuoan ng ekonomiya.
ekonomos
makroekonomiks
maykroekonomiks
oikonomos
Ang dibisyon ng ekonomiks na tumutukoy sa paglikha, paggawa o pagbuo ng mga produkto at serbisyo upang tumugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
pagkonsumo
pagpapalitan
pamamahagi
produksyon
Ito ay tumutukoy sa paglipat ng produkto at serbisyo mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
pagkonsumo
pagpapalitan
pamamahagi
produksyon
Ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan dahil _________________.
patuloy na dumarami ang tao
marami ang salaping pambili
iba - iba ang pangangailangan ng tao
nagbabago ang pangangailangan ng tao
Ang agham na ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pag-unlad, estruktura at gawi ng mga pangkat ng tao sa lipunan
agham pampolitika
kasaysayan
sikolohiya
sosyolohiya
Ang pagdaragdag ng anak ay pinag-iisipan at pinagpapasiyahan ng mag-asawa kung kaya ito ay inilalarawan bilang _____________________?
abstract decision
economic choice
opportunity cost
trade-off
Ano ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks?
pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya
pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig
sobrang dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao
kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao
Sa pag-aaral ng ekonomiks, ito ay isinasagawa upang suriin ang mga suliranin at kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekoomiya.
paggawa ng estadistika
pagsu-survey at pag-uulat
siyentipikong pamamaraan
sistematikong pagsisiyasat
Ito ang pangunahing suliraning pang-ekonomiya at panlipunan na pangunahing pukos ng pag-aaral ng ekonomiks
kailangan
kakapusan
kakulangan
kartel
Alin ang higit na naglalarawan ng agham ng ekonomiks?
limitadong yaman at limitadong pangangailangan
masaganang yaman at limitadong pangangailangan
limitadong yaman at walang katapusang pangangailangan
masaganang yaman at walang katapusang pangangailangan
Ito ay tumutukoy sa paggawa ng pagpili at pasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman.
economic choice
individual choice
personal choice
social choice
