NEW
Font size
WorksheetsWeek 2 Quiz 2
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ito ang tawag sa mga kompanyang
nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa. Ito ay may mga pasilidad at
pagawaan na nakabase ang paglikha
ng produkto at serbisyo sa
pangangailangan ng bansa.
A, Small Scale Companies
B. Medium Scale Companies
C. Multinational Companies
D. Transnational Companies
Ito ay katawagan sa mga malalaking
kompanya sa isang bansa at
lumilikha ng mga produkto at
serbisyo na hindi nakabatay sa
kagyat na pangangailangan ng isang
bansa.
A. Small scale companies
B. Medium scale companies
C. Multinational Companies
D. Transnational Companies
Ang pag-usbong ng mga Business
Process Outsourcing ay
manipestasyon ng globalisasyon.
A. Tama
B. Mali
C. Hindi Tiyak
D. Wala sa pagpipilian
Alin sa sumusunod ang mabuting
epekto ng globalisasyon sa
ekonomiya ng bansa?
A. dagdag na trabaho sa mga
mamamayan at buwis sa
pamahalaan
B. pagkalugi ng lokal na
namumuhunan
C. pagkilala sa kultura ng
ibang bansa
D. hindi pagkakaunawaan sa
pagitan ng pamahalaan at
dayuhan
Ang sumusunod ay negatibong
epekto ng globalisasyon, MALIBAN
sa_____
A. paghina ng lokal na
industriya
B. pagkalimot sa sariling
kultura
C. pagkilala sa kultura ng
iba
D. paglaganap ng cyber crime
Ayon kay Thomas Loren Friedman nang
magbukas ng ekonomiya ang iba’t ibang
mga bansa dulot ng globalisasyon ay
naging hudyat ito ng ______, __________,
_______ at _______ na takbo ng
kalakalan.
A.limitado, mabagal, mahal, at mababaw
B. malawak, mabagal, mataas, at malalim
C. malawak, mabilis, mura, at malalim
D. may katamtamang lawak, mabilis,
mataas, at mababaw
Nahuhumaling sa anime ang
magkakapatid na Cruz. Anong aspeto
ng globalisasyon ang tinutukoy sa
sitwasyon?
A. ekonomiko
B. teknolohikal
C. politikal
D. sosyo-kultural
Ang mga Multinational Companies
(MNC’s) at Transnational Companies
(TNC’s) ay mga malalaking kompanya
na may malawak na operasyon ng
negosyo sa iba’t ibang bansa. Alin sa
sumusunod ang HINDI kabilang.
A. Business Process
Outsourcing (BPO)
B. Kompanya ng langis
C. Pharmaceutical companies
D. Small Scale Businesses
Ayon sa nilathalang artikulo ni Oplas
Jr. ng Business World, alin ang HINDI
kabilang na batayang ambag ng mga
kompanya sa pag-unlad ng bansa?
A. Kabuuang pag-unlad ng
bansa
B. Paglikha ng hanapbuhay
C. Pagpapayabong ng mga
negosyo
D. Pagtaas ng antas ng interest
rates
Responsibilidad ng mga mamamayan
maging ng mga kompanya ang
pagbabayad ng buwis. Ang mga buwis
na makukuha mula sa sektor ng
ekonomiya ay magagamit ng
pamahalaan para sa
________________________.
A. pagpapalakas ng ekonomiya
B. pagpondo ng mga
programang pang-imprastraktura
gaya ng paliparan, ospital,
paaralan, at iba pa
C. panustos sa mga proyektong
panlipunan
D. Lahat ng nabanggit
