NEW
Font size
WorksheetsAP REVIEW
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang “Kontemporaryong Isyu” ay tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala, nakakaapekto at maaaring makapagpapabago sa kalagayan ng tao at sa lipunang kanyang ginagalawan. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu?
A. Mababawasan ang maaaring negatibong epekto nito sa tao, sa kapaligiran at pang araw-araw na pamumuhay.
B. Makagagawa ng tamang hakbang upang mabawasan kundi man mawala ang masamang epekto nito tungo sa magandang pamumuhay
C. Makahahanap ng trabaho ang maraming Pilipino sa ibayong-dagat upang may maitutulong sa kani-kanilang pamilya.
D. Mababawasan ang pagkakalbo ng kabundukan at mapabubuti ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Dahil sa palagiang nagaganap na lindol sa iba’t ibang bansa at natukoy na ang mga fault lines, ang pamahalaan ay naglunsad ng National Earthquake drill. Paano kaya nakatulong ang ganitong mga pagsasanay?
•A. Naging daan ito upang sinupin ang aming tahanan at ang aking sarili tuwing may darating na mapinsalang kalamidad
•B. Nagkaroon ng sapat na kaalaman kung ano ang dapat gawin kapag may lindol, tulad ng duck, cover and hold.
•C. Nabatid ko ang mga impormasyon at mga dapat gawin kapag may darating na napakalakas na lindol tulad ng “The Big One”
•D. Nagbigay kaalaman ito upang malaman mga dapat gawin tuwing may darating na lindol sa aming komunidad
Sa kontemporaryong isyu tinatalakay din dito ang patungkol sa isyung pangekonomiya. Kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng panunahing bilihin sa merkado at hindi na kayang sumabay ang halaga ng piso. Ano kaya ang pangunahing dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin?
•A. Tumataas ang presyo ng bilhin dahil patuloy ang paglaganap ng “land conversion” sa bansa na higit nakikinabang ang pribadong sector.
•B. Isa sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilhin ay ang mataas na ang presyo ng pataba at iba pang sangkap na kakailanganin sa pagtatanim, pati ang pagaangkat ng produkto sa ibang bansa.
•C. Kaya tumataas ang presyo ng bilhin ay dahil sa pagbaba ng halaga ng piso at dahil sa ginagawang “hoarding” ng ibang mga magsasaka o may ari ng sakahan upang makaganti sa ginagawang pag -aangkat ng mga produkto at hindi pagtangkilik ng kanilang produkto.
•D. Tumataas ang presyo ng pangunahing bilhin at pagbaba ng halaga ng piso ay dahil sa mga sumusunod na dahilan, pagtaas ng palitan ng dolyar, palagiang pag-aangkat ng bansa ng mga produkto, at pagtaas ng mga sangkap na kakailanganin sa pagtatanim at iba pa.
Dahil sa kahalagahan ng disaster management ay minarapat na ng ating pamahalaan na isabatas ang RA 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. Paano nakatulong ang layunin ng nasabing batas sa paghahanda ng mga komunidad pagdating mga kalamidad?
•A. Pagkakaroon ng tamang pagpaplano sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala dulot ng kalamidad
•B. Napaigting ang pagpapasunod sa mga alituntunin ng proper waste segregation sa iba’t ibang mga komunidad na madalas makaranas ng mabigat na kalamidad
•C. Nagkaroon ng wasto at tamang pagpapatupad ng disaster management sa komunidad na sa mga lugar na kung saan madalas tumama ang mga kalamidad
•D. Natutong maghanda ang mga mamamayan sa oras ng kalamidad na ito ang naging daan upang di na maulit ang masakit na karanasan na kanilang naranasan
Sumali si Jericho sa isang research fair sa kanilang paaralan, kaya’t kailangan niyang magsulat ng kanyang pananaliksik tungkol sa good governance. Ginamit niya ang vlog mula sa iba’t ibang tao sa YouTube bilang pangunahing sanggunian. Sa tingin mo, tama ba ang ginamit niyang sanggunian?
•A. Oo, dahil ang vlog ay ginawa ng mga tao, live mula sa kinaroroonan nila.
•B. Oo, dahil ang vlog ay ginawa ng mga tao, live mula sa kinaroroonan nila.
•C. Hindi, dahil ang vlog ay may mga pagkiling at hindi nanggagaling sa mga “credible” na sanggunian at mga propesyonal.
•D. Hindi, dahil ang vlog ay may pagkiling at tumitingin lamang sa iisang panig na maaaring pagmulan ng “fake news”.
Ang lakas paggawa o labor force ay bahagi ng populasyon ng bansa na may edad 15 pataas na may trabaho o empleyong full time o part time o naghahanap ng trabaho. Sa ngayon, tinatayang halos 70% ng ating populasyon ang kabilang sa labor force. Ano ang kahalagahan ng mataas na bahagdan ng labor force sa ating pambansang ekonomiya?
•A. Ang pagpapaunlad sa kalidad ng lakas paggawa, at pagsisikap na maging produktibo at tumutugon sa paglago ay kailangan sa pag-unlad ng ekonomiya
•B. Ang pag-angat ng produktibidad ay nagdudulot ng malaking kita at opurtunidad sa mga namumuhunan
•C. Makahahanap ng trabaho ang maraming Pilipino sa ibayong-dagat at patuloy na abutin ang mga pangarap.
•D. Ang pag-angat ng produktibidad ay nangangahulugan ng mataas na sahod at mabuting kondisyon sa paggawa. Ito ay susi sa paglikha ng trabaho
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Europe ang may pinakamaraming bilang ng mga international migrants (72 million) kasunod ang Asya (71 million), at 90% ng mga international migrants ay kabilang sa working age na piniling manirahan sa mga developed countries. Ano ang ipinahihiwatig ng mga datos na ito ukol sa migrasyon?
•A. Ang pagpapaunlad sa kalidad ng lakas paggawa, at pagsisikap na maging produktibo at tumutugon sa paglago ay kailangan sa pag-unlad ng ekonomiya
•B. Marami ang naghahanap ng magandang kabuhayan sa ibayong dagat
•C. Ang mga Asyano ay tumatakas mula sa kahirapang dinaranas sa sariling bansa, at ang Europe ang nakikita nilang pag-asa
•D. Maraming Asyano ang nakakikita ng magandang oportunidad sa Europe upang magkapagtrabaho, at doon na manirahan
Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1% ng populasyon nito. Ang 48% nito ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na paghihinuha ukol implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?
•A. Kapag ang lalaki ang nangibang bansa hindi ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang pag-uusapan
•B. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan
•C. Ang konseptong house husband kung saan inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina upang mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak
•D. Ang mura at flexible labor ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang tubo at kita
Mahalagang maproteksyunan ang mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano mapipigilan ng ating mga manggagawa ang mga isyung ito?
•A. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng picket at rally laban sa kumpanya at kapitalista upang marinig sila ng pamahalaan sa kanilang mga hinaing.
•B. Pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya upang ang lahat ay madamay at marinig sila ng kanilang pinuno.
•C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
•D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).
Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa. Bakit kailangang gawin ng pamahalaan ang ganitong desisyon sa kontraktwalisasyon?
•A. Upang magpatuloy ang kontraktwalisasyon sa lakas paggawa at mapakinabangan pa ng husto ng mga kumpanya ang ating mga manggagawa.
•B. Upang makatulong ang pamahalaan sa ating mga manggagawa na nagtatrabaho sa iba’t ibnag kumpanya para sa isang tuloy-tuloy na trabaho at hindi patigil-tigil.
•C. Upang mabigyan ng proteksiyon ng ating mga manggagawa laban sa mababang pasahod, pagiging kontraktwal o kaswal na manggagawa sa halip ay regular na manggagawa.
•D. Upang maging masaya ang ating manggagawa kapag sila’y nailipat sa isang manpower agency na nagbibigay ng trabaho pagkatapos ng limang buwang kontrata.
