wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Week 4&5 Quiz

Total questions: 15

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Sa paanong paraan naisasabuhay ang demokrasya sa aktibong pakikilahok sa gawaing panlipunan

o politikal?

a)

A. Sa pamamagitan ng pagboto at pagpili ng mga pinuno ng ating bansa.

.

b)

B. Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga personal na hangarin.

c)

C. Sa pamamagitan ng pagpapakulong sa mga kawani ng pamahalaan.

d)

D. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing panlipunan para sa personal na agenda

para sa paparating na halalan

2.

Ano ang civil society?

a)

A. Mga organisasyong inilunsad upang tugunan ang problema sa kabataang hindi nag-aaral.

b)

B. Mga organisasyong nagbibigay-daan sa pagpaparami ng mga produktong agrikultura at teknolohiya.

.

c)

C. Mga mamamayang nakikipaglaban sa pamahalaan gamit ang terorismo

d)

D. Mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People’s Organizations.

3.

Ang sumusunod ay epekto ng aktibong pakikilahok maliban sa isa. Alin ito?

a)

A. Maisakatuparan ang layunin sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng gawaing panlipunan.

b)

B. Magdudulot sa mga pinuno ng pamahalaan na mas pagbutihin ang paglilingkod sa bansa.

c)

C. Magdudulot ito ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan sapagkat ang bawat isa ay may iba’t ibang layunin at hinahangad.

d)

D. Magiging paraan upang mas maunawaan na ang aktibong pakikilahok ay tunay na daan para sa pagkamit ng kaunlaran at pagbabago.

4.

Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipakikita ang pakikilahok sa gawaing panlipunan at politikal?

a)

A. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng level sa mobile legend.

b)

B. Sa pamamagitan ng pagtulong para sa personal na hangaring sumikat.

c)

C. Sa pamamagitan ng pagsunod sa ordinansa ng barangay at pagpaparehistro para sa Sangguniang Kabataan.

d)

D. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tirang pagkain, lumang kasuotan sa mga nasalanta ng kalamidad.

5.

Bakit mahalaga na mamulat sa isyung panlipunan ng ating bansa?

a)

A. Upang mapangalagaan ang sariling kayamanan.

b)

B. Upang lubos na maunawaan ang gampanin bilang isang mamamayan.

c)

C. Upang mahikayat ang ibang kabataan sa paglahok sa gawaing pang-sports.

d)

D. Upang mas maging responsibleng mamamayan at maunawaan ang kahalagahan ng pagiging bahagi ng solusyon sa mga isyung panlipunan.

6.

Ang sumusunod ay mga pangunahing programa ng Commission on Human Rights maliban sa isa. Ano ito?

a)

A. Pagbibigay ng tulong at serbisyong legal sa biktima.

.

b)

B. Pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service.

c)

C. Pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo.

d)

D. Pagbibigay ng pinansyal na tulong upang umunsad ang kaso ng biktima

7.

Mayroong iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang

dito?

a)

Pagdukot

b)

Pagpatay

c)

Terorismo

d)

Aksidente

8.

Alin sa sumusunod na batas ang tumutukoy sa karapatan ng mga kabataan laban sa pang-aabuso?

a)

A. Republic Act No. 7610

b)

B. Republic Act No. 9344

c)

C. Republic Act No. 9262

d)

D. Wala sa nabanggit

9.

Si Clint ay nanlilimos sa may hagdan ng MRT araw-araw habang karga ang kaniyang nakababatang kapatid.

Anong karapatan ang hindi natatamasa ng mga bata?

a)

A. Karapatang magkaroon ng tirahan at pamilyang mag-aaruga.

b)

B. Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw.

c)

C. Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan.

d)

D. Karapatang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.

10.

Bakit mahalagang malaman ng bawat batang Pilipino ang kanilang karapatan?

a)

A. Upang matamasa at maitaguyod ang kanilang mga karapatan.

b)

B. Upang magamit ito sa kanilang pag-aaral.

c)

C. Upang maging gabay ito sa landas na kanilang tinatahak.

d)

D. Upang matiyak na makakamit ang kanilang kagustuhan.

11.

“It is better to light a

candle than to curse the darkness.” Ang

pangunahing adhikain nito ay ang

pagsasagawa ng pananaliksik at kampanya

laban sa anumang pang-aabuso sa karapatang

pantao sa buong daigdig. Ano ang tinutukoy na internasyunal na samahan na nangangasiwa sa karapatang pantao.

a)

Global Rights

b)

Amnesty International

c)

Commission on Human Rights

d)

Lahat ng nabanggit

12.

Pnagkat ng Human Rights Lawyer sa panahon ng batas militar na nagbibigay ng tulong sa mga political prisoner at biktima ng mga militar.

a)

PAHRA

b)

Phil Rights

c)

Free Legal Assistance Group

d)

Wala sa nabanggit

13.

Si Jack Healey na isang kilalang human rights

activist ang nagtatag ng organisasyon na ito. Tinaguyod ang kamalayan sa pagpapalaganap ng Karapatang Pantao sa pamamagitan ng sining, teatro, pelikula at paglilimbag.

a)

Amnesty International

b)

Global Rights

c)

Human Rights Action Center

d)

Lahat ng nabanggit

14.

Si Wilson ay isang mag-aaral na interesado sa pangangalaga ng kapaligiran at pagtataguyod ng

gawaing pangkalikasan. Ang sumusunod ay mga organisasyong maaari niyang salihan maliban sa

isa. Ano ito?

a)

A. Clean and Green Foundation

b)

B. Mother Earth Foundation

c)

C. People’s Park Organization

d)

D. Bantay Kalikasan

15.

Bakit mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa gawaing pampahalaan at panlipunan?

a)

A. Sapagkat ito ay bahagi ng pananagutan at obligasyon sa bayan.

b)

B. Sapagkat ito ay makapagbibigay ng malaking puhunan sa negosyo.

c)

C. Sapagkat ito ay makabubuti upang maging mabuting indibidwal.

d)

D. Sapagkat ito ay makatutulong upang maabot ang kanilang mga personal na pangarap.