NEW
Font size
WorksheetsAP10 Reviewer Summative Test #1_2nd Qtr
Total questions: 20
Worksheet time: 9mins
Bakit maituturing na isang isyung panlipunan ang globalisasyon?
Sapagkat maraming kabataan ang napapariwara dahil sa kanilang mga magulang na pinili mangibang bansa.
Sapagkat direkta nitong binago,binabago at hinahamon ang sistema ng pamumuhay at mga institusyon na matagal nang naitatag.
Sapagkat natatalo nito ang local na pamilihan at mga produktong gawa sa Pilipinas.
Sapagkat patuloy ang pagdami ng mga makabagong teknolohiya na nagdudulot ng paglimot sa kultura ng ating bansa.
Ang sumusunod ay epekto ng konsepto ng globalisasyon MALIBAN sa isa. Ano ito?
Nakatutulong ang globalisasyon sa pagpapaunlad ng mga negosyo at pagbibigay ng mga trabaho.
Nakatutulong ito sa pagpapalawak ng mga kaalaman ng mga Pilipino sa aspetong political,ekonomikal at sosyal.
Nakatutulong ito sa pagpapahayag ng personal na adbokasiya at opinyon ukol sa kaganapan sa mundo gamit ang social media.
Nagbibigay daan ito sa pagdami ng mga foreign investors na syang nakadadagdag sa kaunlaran ng ekonomiya ng ating bansa.
Anong pahayag ang maglalarawan sa binago ng globalisasyon ang sistema ng hanapbuhay ng mga Pilipino?
Pagdami ng bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng makabagong teknolohiya.
Patuloy na pagtatayo ng negosyo ng mga dayuhan sa ating bansa.
Pagdagsa ng Business Process Outsourcing (BPO) sa ating bansa.
Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino.
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng globalisasyon?
Pag-aaral tungkol sa tamag distribusyon ng limitadong likas na yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Malawakang pagpapaunlad ng agrikultura na magsisilbing kaagapay sa mas mayabong at masaganang pamumuhay.
Mabilisang daloy ng interaksyon at integrasyon na napapabilis sa pamamagitan ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon
Malawakang pagpapatakbo ng mga makabagong makinarya na nagsusulong sa pandaigdigang pagkakaisa at pagbabago
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pananaw o perspektibo tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?
Ito ay nakaugat sa pamayanang binubuo ng mayayaman
Ito ay isang mahabang siklo ng pagbabago.
Ito ay pinaniniwalaang may anim na “wave” o epoch.
Ito ay pinaniniwalang nakaugat sa bawat isa.
Ito ang tawag sa mga kompanyang nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ito ay may mga pasilidad at pagawaan na nakabase ang paglikha ng produkto at serbisyo sa pangangailangan ng bansa.
Small scale companies
Medium scale companies
Multinational Companies
Transnational Companies
Ito ay katawagan sa mga malalaking kompanya sa isang bansa at lumilikha ng mga produkto at serbisyo na hindi nakabatay sa kagyat na pangangailangan ng isang bansa.
Small scale companies
Medium scale companies
Multinational Companies
Transnational Companies
Paano mailalarawan ang pagkakaiba ng Globalisasyong Ekonomiko at Globalisasyong Sosyo-Kultural?
Ang Globalisasyong Ekonomiko ay nakatuon sa palitang ng produckto at serbisyo habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay tumutukoy sa pagbabago ng kultura at pamumuhay ng tao sa isang bansa.
Ang Globalisasyong Ekonomiko ay nakatuon sa pagpapa-unlad ng teknolohiya habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay napokus sa pagpapayabong ng kasaysayang at kultura.
Ang Globalisasyong Ekonomiko ay tumutukoy sa pakikipagsanib pwersa sa mga samahanang pandaigdigan habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay nakatuon sa pagsasa-ayos ng kalagayan ng Etnolingguwistiko.
Ang Globalisasyong Ekonomiko ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay pagbibigay-pansin sa musika,sports at drama.
Paano nakatutulong ang Globalisasyong Pulitikal sa kaunlaran ng isang bansa?
Nagiging daan ito sa bukas na komunikasyon at usapang pangkapayapaan.
Nagiging simbolo ito ng pagkakaroon ng mabuti relasyon sa ibang bansa na syang nagbibigay-daan sa pandaigdigang kaligtasan at pakikipag-ugnayan tungkol sa mas maunlad na ekonomiya.
Nagbubukas ito sa ating bansa upang ang mga dayuhan ay piliiing manatili at magtayo ng mga negosyo.
Nakakabawas ito sa suliranin ng ating bansa ukol sa mga isyung may kinalaman sa LGBT community.
Alin sa mga sumusunod ang pinaka dahilan ng mga Pilipino bakit sila naghahanap trabaho sa ibang bansa?
Paghahangad ng mas maayos na sistema ng edukasyon.
Paghahanap ng mas malaking pagkakakitaan upang makaahon sa kahirapan.
Pagnanais ng mas payapa at ligtas na tirahan para sa pamilya
Paghahangad na mabago ang citizenship
Walang silbi ang globalisasyon sa panahong kasalukuyan.
Tama
Mali
Isa mga halimbawa ng Transnational Corporation ay McDonalds
Tama
Mali
Ang makabagong teknolohiya ay nangangailangan ng pag-aaral upang mapakinabangan ng husto ang gamit nito.
Tama
Mali
Ang mabilis na access ng tao sa teknolohiya ay naging dahilan din para mabuksan ang mga mata ng sangkatauhan sa iba’t ibang kultura ng mga nasyon.
Tama
Mali
Puro masamang epekto ang dulot ng pag-unlad ng teknolohiya.
Tama
Mali
Ang globalisasyon ay isang bagong konsepto na nagsimula lamang noong nakaraang siglo.
TAMA
MALI
Ang pagkakaisa ng liderato ay pagkakaisa ng mga bansa at pagkakaisa ng buong mundo.
TAMA
MALI
Ang isa sa mga katangian ng globalisasyon ay ang paglalapit ng mga tao (human contact) at mga bansa.
TAMA
MALI
Ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamahabang oras ng paggamit ng social media gaya ng Facebook, Tiktok at Instagram sa isang araw.
TAMA
MALI
Ang globalisasyon ay nagsimula dahil sa pagnanais ng tao na magkaroon ng mas maayos at mas komportableng pamumuhay.
TAMA
MALI
