wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Globalisasyon

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng Komunismo

a)

May kapangyarihan ang mga negosyante na magdesisyon, magsaliksik at magtakda ng presyo ng produkto

b)

May oportunidad na makilala ang produkto ng mga maliliit na negosyante

c)

Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon at sistema ng kabuuang ekonomiya

d)

Bukas sa malawak at malayang pakikipagkalakalan

2.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapaliwanag tungkol sa Globalisasyon ?

a)

Pinabibilis ang mekanismo ng pakikipag-ugnayan ng mga bagay sa mundo

b)

Kabuuang kita ng bansa o lugar sa buong taon na nakaapekto sa ekonomiya

c)

Proseso ng malawak na kaisipan, interaksyon at integrasyon

d)

Paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon sa daigdig

3.

Ang malawak na impormasyon ay isang sangkap ng Globalisasyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag tungkol dito ?

a)

Pagtatayo ng mga gusaling pang negosyo sa iba't ibang bansa

b)

Pagkatuto sa mga bagong kaalaman sa edukasyon, politika, kalusugan, ekonomiya atbp.

c)

Pagtaas ng GNP at GDP ng mga bansa dulot ng malawak na pakikipagkalakalan

d)

Pagkakaroon ng higit na "export" kaysa sa "import" na may mabuting dulot sa ekonimiya ng bansa

4.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng Globalisasyon sa kultura ?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa

b)

Paglitaw ng mga makabagong kasuotan

c)

Pagdiriwang ng mga makabayang okasyon

d)

Paglalagay ng mga paalala sa mga kalye o lansangan

5.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng paggalaw ng tao kaugnay ng Globalisasyon ?

a)

Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa

b)

Pagdami ng mga nangingibambayan na naghahanap ng trabaho

c)

Pagbaba ng antas ng demand para sa mga produktong banyaga

d)

Pagtanngkilik ng mga kabataan sa mga online games na pinakilala ng mga dayuhan sa bansa

6.

Ang konsepto ng pabayaan lamang ang mga bagay-bagay mula sa ideya o kaisipan ng Kapitalismo ay tinatawag na _______

a)

Laissez Faire

b)

Laisse Faire

c)

Laissez Fairre

d)

Laissez Fair

7.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nagbibigay kahulugan sa Kapitalismo ?

a)

Interakasyon

b)

Pamumuhunan

c)

Teknolohiya

d)

Pakikipagkalakalan

8.

Sa pag-usbong ng Globalisasyon, sinasabing ang mga kaganapan sa ika-20 siglo ang may pinakamalaking implikasyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naganap sa ika-20 siglo ng daigdig ?

a)

Naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

b)

Pagpapadala ng mga sattelites sa labas ng ating daigdig

c)

Naimbento ang telepono bilang kagamitan sa komunikasyon

d)

Pananakop ng mga Europeo sa mga lupain ng mga pampalasa o spices

9.

Ang bansang nangunguna at may pinakamataas na antas ng sistemang Kapitalismo ay _________

a)

RUSSIA

b)

UNITED STATES

c)

CHINA

d)

JAPAN

10.

Bakit maituturing na Kontemporaryong isyu ang Globalisasyon ?

a)

Sapagkat kailangan ito ng lahat ng tao daigdig

b)

Dahil binago, binabago at hinahamon nito ang pamumuhay ng mga tao at mga institusyon sa daigdig

c)

Nakapagbibigay ito ng malaking problema sa mga tao sa araw araw na pamumuhay

d)

Patuloy nitong pinabibilis ang buhay sa mundo sa iba't ibang larangan sa mga nakalipas na panahon

11.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Sistemang Kapitalismo ?

a)

Pamahalaan lamang ang nagdedesisyon sa ekonomiya

b)

Maraming pagpipilian na produkto sa pamilihan

c)

May mga pribadong nagmamay-ari ng mga negosyo

d)

May kalayaang mamuhunan ang isang indibidwal

12.

Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

Ekonomikal

b)

Teknolohikal

c)

Sosyo-kultural

d)

Sikolohikal

13.

Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

a)

Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.

b)

Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

c)

Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.

d)

Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa.

14.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa konsepto ng globalisasyon?

a)

exportation ng mga produkto

b)

pag-usbong ng OFW sa Pilipinas

c)

pagkatuklas ng gasolina sa Palawan

d)

pagkahilig ng mga mag-aaral sa Kpop at Kdrama

15.

Ang pananaw na ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-19 siglo

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Cultural Integration o Kultural na Integrasyon ay ang pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Sila ay nagkakaroon ng palitan ng produkto at serbisyo ayon sa hinihingi ng pangangailangan ng bawat isa

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Technological Advancement o Kaunlarang Teknolohikal - ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit ang mga teknolohiyang may kinalaman sa komunikasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdulot ng maraming pagbabago sa teknolohiyang ginagamit sa iba’t ibang panig ng daigdig.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Ang konsepto ang globalisasyon ay nakabatay kaunlaran sa pamamagitan ng ugnayan ng mga lipunan sa mundo sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay ng mga tao.

a)

TAMA

b)

MALI