NEW
Font size
WorksheetsPre Test Module 1, Quarter 1
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang panahon sa isang lahi, bayan o bansa batay sa mga makukuhang nasusulat na tala, pasalitang kasaysayan, mga maka-sining na bagay, at mga tradisyong pambayan upang maunawaan ang kasalukuyan?
antropolohiya
ekonomiks
heograpiya
kasaysayan
Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa pisikal na katangian ng ibabaw ng mundo pati ang mga tao, hayop, halamang nabubuhay, at ng iba pang bagay dito at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito?
arkeolohiya
agham pampulitika
heograpiya
kasaysayan
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga iTaukei ng Fiji dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.
Ang Gresya ay may mainit-init na klimang mediterranean.
Ang Chile ay kasapi sa Organisation of American States (OAS).
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?
anyong lupa
anyong tubig
imahinasyong guhit
estrukturang gawa ng tao
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
Ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.
Ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.
Ang araw ang nagpapanatili ng dami ng mga halaman sa kapaligiran.
Ang araw ang pinagmumulan ng enerhiya ng lahat ng may buhay sa daigdig.
Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa eastern at western hemispheres?
equator
prime meridian
latitude
longitude
Anong tawag sa bahagi ng estruktura ng daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?
mantle
crust
outer core
inner core
Ano ang mga metal na nasa core o ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig?
Iron at Nickel
Tin at Iron
Gold at Silver
Aluminum at Platinum
Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang tinaguriang "the white continent" dahil sa yelong bumabalot rito?
Asia
Antarctica
Oceania
Europe
Paano naganap ang pagbabago sa heograpiya ng daigdig ayon sa nabuong teorya ni Alfred Wegener na Continental Drift?
Ang mga bundok ay buhay at patuloy na nagbabago
200 milyong taon na ang nakalipas ang mundo ay tiwangwang na ispero
Nabuo ang mundo dahil sa mga kemikong nag-uugnay sa pisikal na kapaligiran nito
Ang mga kontinente ay matagal nang nakausad ng malayo at patuloy sa paggalaw pa rin ito
