NEW
Font size
WorksheetsPanahon ng Enlightenment
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang Panahon ng Enlightenment ay siya ring tinatawag na Age of Reason
TAMA
MALI
Ang mga naliwanagang monarko ay mga hari at reyna na may lubusang kapangyarihan subalit nagpatupad ng mga pagbabagong panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan sa kanilang mga kaharian.
TAMA
MALI
Kinakailangan ang magkakaibang sangay ng pamahalaan ayon kay Baron of Montesquieu upang sa gayon ay maiwasan ang pagkakaroon ng lubusang kapangyarihan at pang-aabuso nito.
TAMA
MALI
Tama o Mali:
Malaki ang naging epekto ng pagpasok ng mga bagong kaalaman sa Europa bunga ng panahon ng eksplorasyon.
Tama
Mali
Locke, Hobbes, Voltaire, Rousseau
Mga Kompositor na Klasikal
Mga Alagad ng Sining
Mga Pilosopo
Mga Naliwanagan Monarko
Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng ‘reason o katuwiran’ sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampulitikal at pang-ekonomiya.
Enlightenment
Industriyal
Renaissance
Siyentipiko
Sa panahon ng Enlightenment, nagtangka ang mga pilosopo na maipaliwanag ang kalikasan ng tao.
Tama
Mali
Makikita ang pamana ng Enligtenment sa sining , sa katauhan halimbawa ng mga kompositor ng Panahong Klasikal tulad nina Betthoven,Mozart, at Haydn.
Tama
Mali
Kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual freedom).
Baron de Montesquieu
Denis Diderot
Jean Jacques Rousseau
Voltaire
8. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe?
Dahil sa pambabatikos ng simbahang katoliko, tuluyang kumalat ang kaisipang liberal sa buong Europe.
Dahil sa pagpapatapon sa ilang mga Philosophes sa Great Britain, ipinagpatuloy nila doon ang pagsisiwalat sa kaisipang Liberal hanggang namayani ito sa buong Europe.
Dahil sa mga inilimbag na babasahin tulad ng 28 volume Encyclopedia na ibinibenta at binili naman ng mga Katolikong Europeo.
Dahil sa kagustuhan ng mga Europeo na magkaroon ng kalayaan, kusa nilang niyakap ang mga bagong kaisipan tulad ng Liberalismo.
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panglabing-anim na pangulo ng bansa, siya ang nagsisilbing puno ng estado, puno ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sa anong sangay ng pamahalaan kabilang ang pangulo?
Ehekutibo
Lehislatibo
Hudikatura
Monarkiya
Sa kanyang aklat na Social Contract nakapaloob ang pilosopiyang politikal na nararapat na masunod ang kagustuhan ng nakakarami sa isang demokrasya.
Voltaire (Francois Marie Arouet)
Thomas Hobbes
Jean Jacques Rousseau
Baron de Montesquieu
Ang pananaw ni John Locke na ang kapangyarihan ng gobyerno mula sa tao ay pundasyon ng:
Demokrasya
Monarkiya
Totalitaryanismo
Komunismo
Ano ang tumutukoy sa transpormasyon na pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya?
Rebolusyon
Enlightenment
Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Siyentipiko
Panahon na kung saan ang mga tao ay nagkaroon ng malawakang pag-iisip at paniniwala na nagsimula noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.
Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Enlightenment
Rebolusyong Siyentipiko
Rebolusyong Nasyonalismo
