wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10 - Modyul 1: Kontemporaryong Isyu (Mastery Test)

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Maraming kaganapan sa ating paligid araw-araw. Mga isyung kinakaharap ng ating mga pamayanan o komunidad. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kontemporaryong isyu?

a)

pagkatuklas sa Taong Tabon

b)

pagbabago ng klima sa buong mundo

c)

pagiging isang archipelago ng Pilipinas

d)

pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

2.

Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan.

a)

Isyung Pangkapaligiran

b)

Kontemporaryong Isyu

c)

Isyung Pangkalakalan

d)

Isyung Pangkalusugan

3.

Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.

a)

Isyung showbiz

b)

Kontemporaryong Isyu

c)

Kasaysayan

d)

Balita

4.

Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?

I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.

II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.

III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.

IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.

a)

I, II, III

b)

I, IV

c)

III, IV

d)

I, II, III, IV

5.

Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung

a)

kilalang tao ang mga kasangkot

b)

nilagay sa Facebook

c)

napag-uusapan at dahilan ng debate

d)

walang pumansin kaya nakalimutan na lamang

6.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?

a)

Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan.

b)

Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

c)

Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao.

d)

Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan.

7.

May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?

a)

Isyung panlipunan

b)

Isyung pangkapaligiran

c)

Isyung pangkalusugan

d)

Isyung pangkalakalan

8.

Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay isang uri ng isyung?

a)

Panlipunan

b)

Pangkalusugan

c)

Pangkapaligiran

d)

Pangkalakalan

9.

Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba’t ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa?

a)

Isyung Pangkalakalan

b)

Isyung Pangkalusugan

c)

Isyung Panlipunan

d)

Isyung Pangkapaligiran

10.

Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?

a)

magazine

b)

journal

c)

internet

d)

komiks

11.

Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig?

I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.

II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.

III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.

IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.

a)

I, II, III

b)

I

c)

I, II, III, IV

d)

I, II

12.

Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

I. Nagiging mulat sa katotohanan.

II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip.

III. Napalalawak ang kaalaman.

IV. Napapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.

a)

I

b)

I, II

c)

I, II, III

d)

I, II, III, IV

13.

Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.

II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.

III. Pagkilala sa mga sanggunian.

IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

a)

I

b)

I, II

c)

I, III, IV

d)

II, III

14.

Alin sa sumusunod ang HINDI kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

a)

Natutukoy ang katotohanan at opinyon.

b)

Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.

c)

Pagkilala sa sanggunian.

d)

Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

15.

Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya.

a)

Isyung Pangkalusugan

b)

Isyung Pangkalakalan

c)

Isyung Panlipunan

d)

Isyung Pangkapaligiran

16.

Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng mamamayan.

a)

Isyung Pangkalusugan

b)

Isyung Pangkalakalan

c)

Isyung Panlipunan

d)

Isyung Pangkapaligiran

17.

Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo.

a)

Isyung Pangkapaligiran

b)

Isyung Pangkalakalan

c)

Isyung Panlipunan

d)

Isyung Pangkapaligiran

18.

Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?

I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan.

II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.

III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.

IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.

a)

I, III, IV

b)

I, III

c)

II, IV

d)

I, II

19.

Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang kabilang dito?

I. uri

II. sanggunian

III. kahalagahan

IV. epekto

a)

I, II, III

b)

I, III

c)

I, IV

d)

I, II, III, IV

20.

Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?

I. Aktibong pagganap sa mga gawain.

II. Damdaming makabayan.

III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.

IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri

a)

I

b)

I, II

c)

I, II, III

d)

I, II, III, IV