WorksheetsG8 VAL Ed
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?
A. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya
B. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal
C. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao
D. lahat ng nabanggit
Ang pamilyang Miguel ay laging nakikibahagi sa Brigada Eskwela at Clean-Up Drive ng kanilang paaralan at barangay. Anong gampanin ng pamilya ang ipinakita sa sitwasyong ito?
A. panlipunang gampanin
B. pampolitikal na gampanin
C. pampamilyang gampanin
D. wala sa nabanggit
3. Ito ay pagpapahalagang natural na dumadaloy sa bawat isa sapagkat kaligayahan ng bawat pamilya na makitang mabuti at masaya ang kalagayan ng buong pamilya.
A. pag-asa
B. pagtutulungan
C. awa
D. sakripisyo
Siya ang itinuturing na “haligi ng tahanan” sa pamilya
A. ama
B. ina
C. anak
D. kapitbahay
5. Siya naman ang itinuturing na “ilaw ng tahanan.”
A. ama
B. ina
C. anak
D. kapitbahay
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’tibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan.
A. paaralan
B. pamahalaan
C. pamilya
D. barangay
Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’tibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
C.Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
D.Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod napahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
A. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa iskwela.
D. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwatao.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
C. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos napakikitungo sa kapwa.
D. Kapag
wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
