NEW
Font size
WorksheetsPAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO
Total questions: 15
Worksheet time: 6mins
Ito ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento?
suliranin
saglit na kasiglahan
paksang diwa
banghay
Elemento ng maikling kuwentong nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
tagpuan
saglit na kasiglahan
suliranin
kasukdulan
Elemento ng maikling kuwento na naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
panimula
saglit na kasiglahan
suliranin
kasukdulan
Elemento ng maikling kuwentong nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
panimula
saglit na kasiglahan
suliranin
kasukdulan
Ito ay isang masining na anyong panitikang naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa mga mambabasa.
dula
tula
maikling kuwento
sanaysay
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga pangyayari at panahon kung kailan naganap ang kuwento.
tagpuan
saglit na kasiglahan
paksang diwa
banghay
Ito ang kabuuan ng isang kuwento. Ang kawing-kawing na mga pangyayari mula umpisa hanggang wakas ng kuwento.
tagpuan
saglit na kasiglahan
paksang diwa
banghay
Ang mga taong nagbibigay-buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.
tauhan
tagpuan
paksang diwa
banghay
Ito ang paghaharap ng pangunahing tauhan sa suliranin ng kuwento.
tunggalian
tauhan
paksang diwa
banghay
Bahagi ng maikling kuwentong binibigyang pagkakataon ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento at magkaroon ng pagkakataong gamitin ang kanyang pag-iisip.
tagpuan
tauhan
wakas
banghay
Ito ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
gitna
panimula
wakas
banghay
Ito ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
gitna
panimula
wakas
suliranin
Kaantasan ng pang-uring naglalarawan ng namumukod o nangingibabaw na katangian ng pangngalan at panghalip.
pahambing
pasukdol
panuring
lantay
Kaantasan ng pang-uring naglalarawan ng katangian ng dalawang pangngalan at panghalip.
lantay
pasukdol
pahambing
panuring
Ito ay naglalarawan ng anyo, kulay, hugis, amoy, bilang, at iba pang katangian ng pangngalan at panghalip.
pang-uri
pang-ugnay
pang-abay
pandiwa
