Font size
WorksheetsQuarter 2-Week 1-4 Formative Assessment
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ang pangunahing kaisipan ay madalas nating mahahanap sa mga sumusunod na bahagi ng talata liban sa isa.
Unahang Talata
Hulihang Talata
Gitnang Talata
Pamagat
Ang mga pantulong na kaisipan ay maaaring katulad ng sumusunod liban sa isa.
Mahahalagang detalye/impormasyon
Mga resulta ng estatiska o survey
Pamagat ng teksto
Mga kaugnay na halimbawa
Ito ay mga salitang binubuo ng salitang-ugat lamang. Walang panlapi, hindi inuulit at walang itinatambal.
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Isa sa mga uri ng panlaping inilalagay sa unahan ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Isa sa mga uri ng panlaping inilalagay sa gitna ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Isa sa mga uri ng panlaping inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Isa sa mga uri ng panlaping inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Sa salitang baguhan, ang -han ay isang ______________.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Sa salitang nagsayawan, ang nag- at -an ay maituturing na______________.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Sa salitang pinagsumakitan, ang pinag-, -um-, at -an ay maituturing na______________.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Ito ay pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
Korido
Awit
Balagtasan
Sarsuwela
Ang sumusunod ay mga tauhan sa Balagtasan liban sa isa.
Lakandiwa
Mambabalagtas
Manonood
Patotot
Ang Balagtasan ay napagkayarian ng mga pangkat ng manunulat noong 1924 bilang parangal kay _______________________________.
Jose Rizal
Apolinario Mabini
Francisco Balagtas
Manuel Quezon
Ito ay isa sa mga elemento ng Balagtasan na dapat pag-isipan ng mga manonood at/o tagapakinig.
Tauhan
Mga Pinagkaugalian
Mensahe o Mahalagang Kaisipan
Paksa
Ito ay isa sa mga elemento ng Balagtasan na dahilan sa pagpapalitan ng mga mambabalagtas ng kanilang mga pananaw.
Tauhan
Mga Pinagkaugalian
Mensahe o Mahalagang Kaisipan
Paksa
Lubos akong humahanga sa mga taong matalino na, may mabuti pang pag-uugali. Ang pariralang "lubos akong humahanga" ay nagpapahayag ng ______________________.
Pagsalungat
Pagsang-ayon
Hindi ko kailanman matatanggap na sabihing tayo ay Indio samantalang may mayaman tayong kultura na talagang masasabi ninuman na walang katulad sa balat ng lupa. Ang pariralang "hindi ko kailanman matatanggap na" ay nagpapahayag ng ______________________.
Pagsalungat
Pagsang-ayon
Ayon sa mga siyentipiko, palala na nang palala ang climate change, kaya naman hinihikayat ang bawat isang magkaroon ng malasakit sa kapaligiran kagaya na lamang ng pagbubukod ng basura at pagbabawas sa paggamit ng plastic. Hindi lang upang maging makakalikasan kundi tunay na pagmamahal sa nilikha ng Diyos. Ang pahayag na ito ay maihahanay sa __________________.
Katotohanan
Opinyon
Kung ako ang tatanungin mo, dapat lamang patawan ng parusang kamatayan ang mga mamamatay-tao, lulong sa droga, nananamantala ng mga kababaihan at mga mandarambong. Ang pahayag na ito ay isang nagpapahiwatig ng __________________________.
Katotohanan
Opinyon
Ang katotohanan ay nangangailangan ng matibay na ebidensya at dumaan sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa at hindi maaaring basta na lamang magbago. Samantalang ang opinyon ay pabago-bago dahil nakabatay ito sa kung ano ang nasa isip at/o nararamdaman ng isang tao.
Tama
Mali
Walang kasiguraduhan
Hindi matukoy
