wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Module 4 Pagtataya

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng maayos na pamilya?

a)

Mga patakaran sa pamilya

b)

Pagkakaroon ng mga anak

c)

Pinagsama ng kasal ang magulang

d)

Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan

2.

Alin sa mga sumusunod ang isa sa papel ng pamilya sa lipunan?

a)

maging matatag

b)

maging matapang

c)

pagkakaroon ng anak

d)

paglahok sa bayanihan

3.

Alin sa mga sumusunod na mga sitwasyon ang nagsasabuhay sa mga gawain na nagpapakita ng gampaning pampamilya?

a)

Binibigyan ng sapat na edukasyon ang mga anak

b)

Sama-samang naglilinis ang Pamilyang De Vesta sa kanilang bakuran

c)

Nagsasama ang magkasintahang sina Juliet at Pedro kahit hindi pa ikinakasal

d)

Bawat miyembro ng pamilyang Faustino ay isinasabuhay ang mga pananagutan

4.

Kusang nagbibigay ng abuloy ang mga tao tuwing may namamatay sa kanilang lugar. Anong pagtulong ang kanilang ipinapakita?

a)

Pagtulong sa kapatid

b)

Pagtulong sa gobyerno

c)

Pagtulong sa mag-aaral

d)

Pagtulong sa mga mamamayan

5.

Paano maipakikita ang pagtulong sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit?

a)

pagtulong sa kapwa dahil inutusan ng magulang

b)

pagtulong ng bukal sa kalooban at hindi pagbabalat-kayo lamang

c)

pagtulong sa mga matatandang tumatawid sa kalsada upang sumikat

d)

pagtulong sa mga nangangailangan upang dumami ang boto saa susunod na eleksyon

6.

Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa isang lugar?

a)

pampolitikal

b)

pangkalusugan

c)

panlipunan

d)

pansimbahan

7.

Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang sumusunod sa mga batas na nagpoprotekta sa karapatang pantao?

a)

pampolitikal

b)

pangkalusugan

c)

panlipunan

d)

pansimbahan

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng panlipunan na papel ng pamilya?

a)

Bininyagan ang sanggol

b)

Binigyan ng bata ang pulubi ng pagkain

c)

Pag-aalaga sa isang matanda sa bahay-kalinga

d)

Matiwasay na bumoto ang mga mag-aaral sa SSG

9.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pampolitikal na papel ng pamilya?

a)

Pakikiisa sa eleksyon

b)

Pakikiisa sa bayanihan ng barangay

c)

Pagsali sa mga protesta laban sa Social Injustice

d)

Pagbabantay sa mga karapatan ng bawat tao

10.

Pampolitikal na Papel: Pagsunod sa batas trapiko; Panlipunang Papel: __________________________

a)

Pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng lindol

b)

Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpili ng relihiyon

c)

Malayang makaanib sa isang asosasyon

d)

May pagkakataong mapapaunlad ang sarili