wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit: Florante at Laura

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang naghahanda at nag-aayos ng mga kagamitang pandigma ni Florante.

a)

Flerida

b)

Laura

c)

Duke Briseo

d)

Antenor

2.

Matapos makipaglaban ni Florante mula sa digmaan, dito niya dinadala si Laura.

a)

hardin

b)

tabing ilog

c)

balkonahe ng palasyo

d)

sa gubat

3.

Ninais ni Flerida na makasal kay Sultan Ali-Adab dahil mahal niya ito.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Kung husay at galing sa pakikipagdigma, inihahalintulad si Aladin kay Narcisso.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ano ang kahulugan ng saknong?

At kung kay Flerida'y iba ang umagaw

at di ang ama kong dapat na igalang,

hindi ko masasabi kung ang pikang tanga'y

bubuga ng libo't laksang kamatayan!

a)

Hahantong sa kamatayan ang sinumang umagaw kay Flerida.

b)

Magdiwang na ang taong umagaw kay Flerida dahil pinapaubaya na niya ito.

c)

Kakalimutan na niya si Flerida at ipapaubaya sa kanyang ama.

6.

Isang malaking kaharian sa isang dako ng Asya na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Moro.

a)

Albanya

b)

San Diego

c)

Berbanya

d)

Persia

7.

Kaninong diyos ng Romano inihahalintulad si Aladin kung ang pag-uusapan ay ang husay niya sa pakikipaglaban o pakikipagdigma?

a)

Furias

b)

Parcas

c)

Marte

d)

Clotho

8.

Ano ang kahulugan ng saknong 87?

Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin

ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,

parang nakikita ang iyong narating

parusang marahas na kalagim-lagim.

a)

Labis na kalungkutan ang kanyang nadama dahil sa naging pagtataksil.

b)

Iniisip ni Florante ang naging kalagayan ng kanyang mabuting ama sa kamay ng isang taksil na naging marahas at kaawa-awa.

c)

Hindi na niya iisipan pa ang malupit na nangyari sa kanyang ama, ipagdarasal na lamang niya ito.

9.

Ano ang gustong ipahiwatig ng saknong?

Lumagi ka nawa sa kaligayahan

sa harap ng di mo esposong katipan

na ang wika'y "Laurang aliw niring budhi

paalam ang abang kandong ng pighati."

a)

Ipanapakita ni Florante ang kanyang galit sa mga taong nagtaksil sa kanya.

b)

Inilalarawan nito na handa ng bitawan ni Florante ang kanilang pag-iibigan ni Laura para maging masaya na ito.

c)

Nagpapahiwatig ang saknong ng malungkot na pamamaalam ni Florante kay Laura dahil nasa piling na ito ng iba.

10.

Alin sa mga sumusunod na mababangis na hayop ang handang pumatay kay Florante habang nakatali sa puno ng Higera?

a)

2 hayena

b)

malalaki at makamandag na ahas

c)

3 tigre

d)

2 leon

11.

Sino ang taong pinagseselosan ni Florante dahil sa pag-agaw nito kay Laura. Ito din ang taong nagtaksil sa kanyang ama at buong laharian ng Albanya?

a)

Adolfo

b)

Antenor

c)

Menandro

d)

Emir

12.

Tukuyin ang katangian ng tauhan.

Sa tinaghoy na kasindak-sindak

gerero'y hindi na mapigil ang habag,

tinunton ang boses at siyang hinanap

patalim ang siyang nagbukas landas.

a)

katapangan

b)

mapanira

c)

mapagmalasakit

d)

masayahin

13.

Iniligtas ni Aladin si Florante sa isang tiyak na kamatayan.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Nang magising si Florante mula sa pagkakahimatay, ikinagulat niya na iniligtas siya ng isang Moro.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Alin ang pinakamalapit na kahulugan ng taludtod?

Napayapa sa dalang hilahil...

a)

nagising

b)

mas naghirap

c)

natahimik sa dusa