NEW
Font size
WorksheetsPaunang Pagtataya
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo De Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan, at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kanyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kanya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kanyang kaganapan ng pagkatao.
Bakit dapat hangarin ng bawat tao ang pagkamit ng kabutihang panlahat?
Mahalaga ito dahil mahirap mabuhay sa lipunang magulo.
Dahil tungkulin natin ito sa lipunan.
Mahalaga ito upang hindi tayo maparusahan ng batas.
Kailangan natin itong gawin dahil hindi kaya ng tao ang mabuhay nang mag-isa sa lipunan.
Paano maisasabuhay ng mag-aaral na gaya mo ang kabutihang panlahat ngayong bagong normal?
Magsusuot ng facemask kapag pupunta sa isang lugar.
Hindi lalabas ng bahay dahil bawal lumabas ang edad 21 pababa.
Maglalaro ng video games.
wala sa nabanggit
Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil sa lipunan siya nakapamumuhay.
Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ay nagnanais na mapag-isa.
Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
kapayapaan
katiwasayan
paggalang sa indibidwal na tao
tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
Ngayong panahon ng bagong normal, aling kilos ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
pagrereklamo sa pamahalaan
pagkokomento sa social media
pagsunod sa social distancing
pagbubukas ng negosyo
Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
kapayapaan
kabutihang panlahat
katiwasayan
kasaganaan
Ano ang kabutihang panlahat?
kabutihan ng lahat ng tao
kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal.
Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
Kalayaan at pagkapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas.
Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.
