NEW
Font size
WorksheetsFilipino Pagsusulit 1
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Alin ang nagsasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino?
Artikulo XIV Seksyon 5 ng Konstitusyon ng 1987
Artikulo XIV Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
Artikulo XIV Seksyon 7 ng Konstitusyon ng 1987
Artikulo XIV Seksyon 8 ng Konstitusyon ng 1987
Sino ang nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura?
Sturtevant
Brown
Webster
Gleason
Anong katangian ng wika ang nagsasabing ito ay repleksyon ng kaisipan, kasaysayan, uri ng pamumuhay at iba pa ang salitang nabubuo sa mga wika?
ang wika ay ginagamit
ang wika ay sinasalitang tunog
ang wika ay may masistemang balangkas
ang wika ay nakabatay sa kultura
Ang wika ay nagsisilbing tulay upang makapag-usap ang mga taong may iba't ibang wika. Ito ay tinatawag na ______.
unang wika
lingua franca
wikang panturo
opisyal na wika
Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 ay ang nagpatupad ng _______________.
Bilingual Education Policy
Mother Tongue-based Multilingual Education
K-12 Education
Opisyal na Wika
Ang lahat ng wikang matututunan pagkatapos ng unang wika ay tinatawag na ____________.
arterial na wika
pangalawang wika
pangatlong wika
hiram na wika
Ito ang tawag sa kakayahan ng tao o komunidad na gumamit ng higit sa dalawang wika.
monolingguwalismo
bilingguwalismo
multilingguwalismo
heterogenous na wika
Ang Switzerland ay isang bansang _____________.
monolingguwal
bilingguwal
multilingguwal
homogenous
Alin sa sumusunod ang HINDI homogenous na katangian ng wika?
artbitraryo
may sariling kakanyahan
nakabatay sa edad ng kausap
dinamiko
Anong modelo ng komunikasyon ang nagpapakita ng pagkakaroon ng palitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang tao?
komunikasyon bilang aksyon
komunikasyon bilang transaksyon
komunikasyon bilang interaksyon
Anong uri ng komunikasyon nabibilang ang panonood ng telebisyon, pakikinig sa radyo, at pagbabasa ng diyaryo?
computer-mediated
interpersonal
pangmasa
pampubliko
Aling gamit ng wika ang makikita rito: "Bakit marami pa ring mambabatas at pulitiko ang hindi naniniwala sa banta ng climate change?"
heuristiko
personal
impormatibo
interaksyunal
Aling gamit ng wika ang masasalamin dito: "Sa gabing binabalot ng kadiliman, umuungol ang hangin, nanginginig ang mga puno, humahagulgol ang kalangitan, at sa isang sulok ay may pusong nagdadasal sa Maykapal?"
impormatibo
instrumental
interaksyunal
imahinatibo
Anong gamit ng wika naman ang makikita sa pahayag: "Nakakaawa ang mga inosenteng mangingisdang nadadamay sa agawan sa teritoryo ng Pilipinas at Tsina."
regulatoryo
personal
impormatibo
instrumental
Malakas ang tawanan ng mga mag-aaral sa pasilyo ng paaralan ngunit bigla silang naging tahimik nang pumasok na sa faculty room. Anong barayti ng wika ang makikita rito?
diyalekto
idyolek
midyum
register
