wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Review

Total questions: 16

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uri ng mga mamamayan sa isang lipunan o sa isang lugar.

a)

alamat

b)

kuwentong – bayan

c)

maikling – kuwento

d)

epiko

2.

Ito ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

a)

pabula

b)

epiko

c)

parabula

d)

kuwentong – bayan

3.

Mabilis na umalis ang aking pinsan kaninang umaga sapagkat ayaw niyang maiwan ng tren. Anong gamit ng pangatnig ang nasa pangungusap?

a)

pangatnig na pandagdag

b)

pagsasaad ng kontras o pagsalungat

c)

pangatnig sa pagbibigay kondisyon

d)

agbibigay sanhi/kadahilanan

4.

Naglunsad ng pagdiriwang ang mga kabataan sa kanilang barangay subalit nag-iwan ito ng napakaraming kalat sa paligid. Anong gamit ng pangatnig ang nasa pangungusap?

a)

pangatnig na pandagdag

b)

pagsasaad ng kontras o pagsalungat

c)

pangatnig sa pagbibigay kondisyon

d)

pagbibigay sanhi/kadahilanan

5.

Sa nalalapit na kapaskuhan ay abala ang aking pamilya dahil sa pagdating ng aming pamilya mula sa malalayong lugar. Anong gamit ng pangatnig ang nasa pangungusap?

a)

pangatnig na pandagdag

b)

pagsasaad ng kontras o pagsalungat

c)

pangatnig sa pagbibigay kondisyon

d)

pagbibigay sanhi/kadahilanan

6.

Tukuyin sa pangungusap ang pahayag na nagsasaad ng sanhi.

Pumunta si nanay sa palengke kanina upang paghandaan ang hindi inaasahang mga bisita dahil sa pagdating ni kuya mula sa abroad.

a)

pumunta si nanay sa palengke kanina

b)

dahil sa pagdating ni kuya mula sa abroad

c)

paghandaan ang hindi inaasahang bisita

d)

pumunta si nanay dahil sa bisita ni kuya

7.

Dito inilalahad ang kinahihinatnan ng mga tauhan at mga pangyayari sa akda.

a)

panimulang pangyayari

b)

kakalasan

c)

kasukdulan

d)

wakas

8.

Ito ay bahagi ng banghay kung saan ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan, panahon at nagpapanatili sa interes ng mambabasa?

a)

kakalasan

b)

panimula

c)

kasukdulan

d)

pasidhi

9.

Ano ang tawag sa bahagi ng banghay na nagpapakita sa kapanapanabik na bahagi ng kuwento?

a)

kakalasan

b)

panimula

c)

kasukdulan

d)

pasidhi

10.

Nakaligtaan ni Mario ang kaniyang takdang-aralin kaya wala siyang naipasa na gawa sa kaniyang guro. Anong gamit ng pangatnig ang nasa pangungusap?

a)

paglalahad ng bunga/resulta

b)

pangatnig na pandagdag

c)

pangatnig na pamukod

d)

pagsasad ng kontras o pagsalungat

11.

Ang mga pahayag na nagbibigay patunay ay mga salitang nagsasaad ng katiyakan sa ipinahahayag. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang hindi kabilang sa mga pahayag o salitang nagbibigay patunay?

a)

Tunay ngang mabait ang ate ko dahil siya ay matulungin, mapagkalinga at magalang sa lahat.

b)

Malapit na ang pasko kaya kailangan na nating maghanda.

c)

Totoong nag-aaral siya ng mabuti dahil tumaas ang kaniyang mga marka.

d)

Talagang maganda ang aming nayon dahil marami ang pumupunta sa amin.

12.

Sadyang mabuti ang kanilang pamilya sapagkat nakagawian na ng kanilang pamilya ang pagbibigay ng donasyon o tulong sa mga nangangailangan tuwing pasko at bagong taon.

a)

estadistika

b)

paliwanag

c)

paghahambing

d)

paghahalimbawa

13.

Kung papayagan siya ng kaniyang ina, makikilahok ang dalaga sa paligsahan. Alin ang BUNGA sa pahayag na ginamit?

a)

makikilahok ang dalaga sa paligsahan

b)

kung papayagan siya ng kaniyang ina

c)

tama ang titik a at b

d)

wala sa nabanggit

14.

Mataas ang marka na aking nakuha sapagkat _________. Ano ang maaaring sanhi sa pahayag na ito?

a)

nakainom ako ng gatas kagabi

b)

nakapaglaro kami ng pinsan sa kabilang barangay

c)

nakahanda ako para sa paksa

d)

nakapag-aral ako nang mabuti

15.

Piliin ang TAMA kung tama ang pahayag tungkol sa kuwento, piliin naman ang MALI kung hindi ito nangyari sa kuwento.


Ang kuwentong Aratawata ay patungkol sa isang batang babae na biglang dumami ang mga mata.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang salitang: "Walang anoman!"

(a)