wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

WORKSHEET NUMBER 1 SECOND QUARTER GRADE 10 ( ARAL PAN )

Total questions: 25

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.
Ano ang tawag sa proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig
a)
Kontemporaryo
b)
Globalisasyon
c)
Pagbabago
d)
Rennaisance
2.
Ang mga sumusunod ay limang perspektibo o pananaw tungkol sa globalisasyon. Alin dito ang hindi kabilang.
a)
•paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa
b)
•ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago
c)
Ang globalisasyon ay paniniwalang may sampung ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005)
d)
•ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan
3.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga possibleng pinag-ugatan ng globalisasyon?
a)
Paglaganap ng Protestantismo
b)
Pananakop ng mga Kristiyano bago man maipanganak si Kristo
c)
Kalakalan sa Mediterranean
d)
Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland
4.
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
a)
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
b)
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
c)
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
d)
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
5.
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
a)
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
b)
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.
c)
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
d)
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
6.

Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng mga serbisyo mula sa ibang lugar o bansa para sa paggawa ng isang gawaing pangnegosyo

a)

Onsourscing

b)

Outshoring

c)

Insourcing

d)

Outsourcing

7.

Bakit nagkakaroon ng pagkuha ng mga serbisyo mula sa ibang bansa o lugar ang isang kompanya o gawaing pang-negosyo ?

a)

Kawalan ng kita sa negosyo dahil sa limitado lamang ang lawak ng negosyo

b)

Hindi pagkakaintindihan sa kompanya na nagdududlot ng pagkalugi

c)

Malawak na kaalaman ang nakukuha ng kompanya kapag sa iba ito ipagawa

d)

Pagbibigay ng pansin sa mahalagang gawain sa negosyo lamang

8.

Ang paggawa ng mga produkto ibang bansa dulot ng kakulangan ng materyales at mahal na sahod ng manggagawa na gagawa sa produktong tutugon sa pangangailangan ay tinatawag na ________

a)

Outsourcing

b)

Multinational

c)

International

d)

Transnational

9.

Ito ay tumutukoy sa mga buwis na binabayad ng mga negosyante sa pagpasok ng kanilang mga produkto sa bansa.

a)

Kota

b)

Embargo

c)

Taripa

d)

Income tax

10.

Isang halimbawa ng outsourcing ay ang call center na kung saan ay sinasagot ang tawag ng mga costumer mula sa ibang bansa tulad ng pagtanggap ng bayad o di kaya ay pagbebenta ng produkto. Ito ay maipapabilang sa kategoryang _________

a)

Business Process Insourcing

b)

Knowledge Process Outsourcing

c)

Business Process Outsourcing

d)

Knowledge Process Insourcing

11.

Ang pagkuha ng mga serbisyo mula sa malapit na lugar o bansa lamang ay tinatawag na _______.

a)

Onshoring

b)

Offshoring

c)

Nearshoring

d)

Inshoring

12.

Ang pagtawag ng isang costumer sa isang call center company at nagtatanong ng sira o kung paano gagamitin ang isang produktong nabili niya ay maituturing na ________

a)

Knowledge Process Outsourcing

b)

Business Process Insourcing

c)

Knowledge Process Insourcing

d)

Business Process Outsourcing

13.

Alin sa mga sumusunod ang nakakabuti sa ekonomiya ?

a)

Mataas na bilang ng demand

b)

Mataas na bilang ng pag-aangkat

c)

Mataas na bilang ng suplay

d)

Mataas na bilang ng pagluluwas

14.

Ang mga bilang ng kita ng mga outsourcing companies sa ating bansa ay mapapabilang sa ______ ng pilipinas at sa _______ ng kanilang bansa.

a)

GNP-GDP

b)

GDP-GNP

c)

GNP-GNP

d)

GDP-GDP

15.

Ano ang mangyayari ngayong batas na ang RICE TARIFFICATION sa bansa ?

a)

Tataas ang suplay ng imported na bigas at bababa ang presyo ng bigas

b)

Tataas ang suplay ng lokal na bigas at tataas din ang presyo nito

c)

Tataas ang demand para sa loka at imported na bigas ssa bansa

d)

Tataas ang suplay ng bigas at tataas din ang presyo nito

16.

Mabilis na pagdaloy ng mga produkto sa isang lugar kapag nagkakaroon ng maayos na mobility ng mga kalakal.

a)

FACT

b)

BLUFF

17.

Ang malawakang integrasyon ng iba’t ibang prosesong pandaigdig ay nakaangkla at nakaugat sa konsepto ng globalisasyon.

a)

FACT

b)

BLUFF

18.

Ang globalisasyon ay mahabang siklo ng pagbabago at nagtataguyod ng ugnayan ng mga bansa.

a)

FACT

b)

BLUFF

19.

Mabilis at mura na transportasyon ang inihatid ng pag usbong ng transportation revolution.

a)

FACT

b)

BLUFF

20.

Pag-alis sa trabaho ng isang tao ay isang pamamaraan sa pag usbong ng globalisasyon.

a)

FACT

b)

BLUFF

21.

Ito ang konsepto ng mas malawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng iba't ibang bansa sa mundo, ito rin ay ang pagkalat ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon at trabaho sa iba't ibang mga bansa at kultura

(a)  

22.

Paglilipat o pagtanggal sa kapangyarihan ng estado sa isang partikular na industriya upang makalikha ng mas maraming kompetisyon

(a)  

23.

Ayon sa (a)   ang mga sumusunod ay mahahalagang salik ng globalisasyon; kalakalan, puhunan, migrasyon at kaalaman

24.

Ang pagkuha ng mga serbisyo mula sa malalayong bansa na may mababang pasahod upang gawin ang mga gawain pang negosyo ay tinatawag na (a)  

25.

Ang pagkuha ng mgabserbisyo sa loob lamang nh bansa upang makaiwas sa mga gastusin ng kompanya at tinatawag na (a)   .