wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan - 1st Qtrly. Exam

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Ang likas na yaman ay mga yamang nagmumula sa kalikasan at maaaring makapanatili kahit walang gawing pagkilos ang tao.

a)

tama

b)

mali

2.

Nauukol na hanapbuhay ang turismo, pangingisda at mga daungan kung ang isang bansa ay may mahabang baybayin o beaches.

a)

tama

b)

mali

3.

Ang kagubatan ay matuturing na “abiotic” na likas na yaman.

a)

tama

b)

mali

4.

Sa Thailand nagmumula ang pinakamaraming suplay ng perlas sa buong Asya.

a)

tama

b)

mali

5.

Ang Kingdom of Saudi Arabia ay ang nangungunang bansa sa produksyon ng langis sa buong daigdig.

a)

tama

b)

mali

6.

Ang fertility rate ay tumutukoy sa potensyal ng isang babaeng magkaroon ng mga supling.

a)

tama

b)

mali

7.

Ang urbanisasyon ay tumutukoy din sa pandarayuhan sa loob at labas ng isang bansa.

a)

tama

b)

mali

8.

Ang bansang may pinakamataas na birth rate ay Afghanistan.

a)

tama

b)

mali

9.

Ang bansang may pinakamababang birth rate ay Singapore.

a)

tama

b)

mali

10.

Ang deployment rate ay ang bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan.

a)

tama

b)

mali

11.

Mga produkto at pananim: yamang lupa :

Ore, arsenic at bismuth: __________

a)

yamang tubig

b)

yamang likas

c)

yamang lupa

d)

yamang mineral

12.

Pinakamalaking prodyuser ng uranium: Kazakhstan

Pinakamalaking prodyuser ng petroleum liquids: __________

a)

Kuwait

b)

Jordan

c)

Kingdom of Saudi Arabia

d)

Qatar

13.

“Biotic” na likas na yaman: petrolyo

“Abiotic” na likas na yaman: __________

a)

coal

b)

halaman

c)

hangin

d)

fossil fuel

14.

Nagbibigay ng enerhiyang nagmumula sa tubig (hydropower): Syr Darya at Amu Darya River

Nagbibigay ng mahalagang suplay ng tubig sa Kanlurang Asya: __________

a)

Red Sea

b)

Tigris-Euphrates River

c)

Persian Gulf

d)

Caspian Sea

15.

Sapphire at ruby: Thailand

Pinya at perlas: ______________

a)

Malaysia

b)

Cambodia

c)

Indonesia

d)

Pilipinas

16.

Edad na matuturing na “bata” ang populasyon: labinlimang taong gulang


Edad na matuturing na “matanda” ang populasyon: __________ taong gulang

a)

limampung

b)

animnapu’t limang

c)

limampu’t limang

d)

animnapung

17.

Katamtamang (average) bilang ng ipinapanganak kada 1000 tao: birth rate

Katamtamang (average) bilang ng taon ng buhay ng tao: __________

a)

fertility rate

b)

life expectancy rate

c)

death rate

d)

sex ratio

18.

Pagsasaka: Timog-silangang Asya

Pagmimina ng langis: _____________

a)

Hilaga at Gitnang Asya

b)

Silangang Asya

c)

Timog Asya

d)

Kanlurang Asya

19.

Kita ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa: remittance

Kita ng isang bansa alinsunod sa dami ng naninirahang mamamayan nito: __________

a)

Gross Domestic Product per capital

b)

Gross Domestic Product per capitalist

c)

Gross Domestic Product per capitalism

d)

Gross Domestic Product per capita

20.

Bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan: unemployment rate

Bahagdan ng populasyon na nakakabasa at nakakasulat: __________

a)

literacy rate

b)

employment rate

c)

illiteracy rate

d)

unemployment rate

21.

Mataba ang lupain sa rehiyong Timog-silangan kung kaya __________ .

a)

maraming hayop ang naninirahan dito

b)

malimit silang nakakaranas ng bagyo

c)

malaki ang suplay ng kanilang bigas

d)

pagmimina ang kanilang hanapbuhay

22.

Malaki ang produksyon ng tsaa sa Sri Lanka sapagkat __________.

a)

taglay ng Sri Lanka ang humidity at malamig na temperatura

b)

taglay ng Sri Lanka ang humidity at tuyo na temperatura

c)

taglay ng Sri Lanka ang humidity at mainit na temperatura

d)

taglay ng Sri Lanka ang humidity at katamtamang temperatura

23.

Maraming suplay ng isda at tinuturing na pangunahing tagapagtustos ng isda sa buong daigdig ang Russia dahil ___________ .

a)

sa angkop na klimang taglay ng Russia

b)

sa mga isla at tangway na nakapalibot dito

c)

sa mga karagatang nakapalibot dito tulad Antarctic, Arctic at Pacific Ocean

d)

sa mga dagat na nakapalibot dito tulad ng Red Sea at Mediterranean Sea

24.

Ano ang epekto ng mabilis na urbanisasyon sa mga bansang tulad ng South Korea?

a)

Nababawasan at hindi nalilinang ang kanilang mga lupain

b)

Natutuyo ang kanilang mga lupain

c)

Nakakaranas sila ng kakulangan ng suplay ng tubig

d)

Nakakaranas ng matinding baha ang mga lalawigan

25.

Ang mabilis na pagdami ng tao sa isang bansa ay maaaring magdulot ng __________ .

a)

urbanisasyon ng isang lugar

b)

mataas na fertility rate

c)

kakulangan ng suplay ng pagkain

d)

paglago ng ekonomiya

26.

Maraming Pilipino ang nangingibang-bansa dahil sa __________ .

a)

kagustuhang makakuha ng sapat na pagsasanay

b)

kakulangan ng suplay ng pagkain

c)

sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

d)

hindi sapat ang kanilang kinikita sa ating bansa

27.

Ang pagdayo ng maraming turista sa ating bansa ay magdudulot ng __________ .

a)

mataas na Gross Domestic Product (GDP) ng bansa

b)

di paggalaw ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa

c)

mababang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa

d)

walang tiyak na Gross Domestic Product (GDP) ng bansa

28.

Mataas ang bilang ng ipinapanganak na sanggol kada araw sapagkat __________ .

a)

malaki ang suportang ibinibigay sa kanila ng pamahalaan

b)

malaki ang impluwensiya ang klima at suplay ng pagkain

c)

kulang ang mga ina sa kaalaman ng family planning

d)

maraming ina ang hindi nakapagtapos sa pag-aaral

29.

Ano ang epekto sa isang bansa kung mataas ang Gross Domestic Product (GDP)?

a)

Maraming mamamayan ang mangingibang bansa

b)

Maraming bata ang hindi makakapag-aral

c)

Tataas ang bilang ng mga taong walang trabaho

d)

Maunlad at matiwasay ang kalagayan ng mga taong naninirahan dito

30.

Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya. Ano ang masamang dulot nito?

a)

Kawalan ng pagkain para sa pamilya

b)

Makakapahinga ang tao

c)

Magkakaroon ng panahon sa iba pang gawain

d)

Makakasama ang mga mahal sa buhay

31.

Bakit masigla ang ekonomiya ng Kingdom of Saudi Arabia?

a)

Sapagkat 80-90% ng kanilang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng produktong agrikultural

b)

Sapagkat 80-90% ng kanilang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng pangingisda

c)

Sapagkat 80-90% ng kanilang ekonomiya ay nakabatay sa produktong kagubatan

d)

Sapagkat 80-90% ng kanilang ekonomiya ay nakabatay sa pagluluwas ng langis

32.

Paano mo masasabi na ang isang likas na yaman ay “biotic"?

a)

Kung ito ay nagmumula sa hindi buhay o di-organikong materyal

b)

Kung ito ay nagmumula sa makinarya at imprastraktura

c)

Kung ito ay nagmumula sa buhay o organikong material

d)

Kung ito ay nagmumula sa produktong gawa ng tao

33.

Paano malilinang tao ang mga malalawak na lupain sa bansa?

a)

Magpatayo ng mga subdibisyon sa mga lupain

b)

Magtanim ng mga puno at halaman

c)

Pairalin ang deforestasyon

d)

Gawing tambakan ng mga basura

34.

Bakit angkop ang pagtatanim ng mga bigas, mais at trigo sa Hilagang Asya?

a)

Sapagkat malalawak at malalaki ang ang kanilang lupain na angkop sa pagtatanim

b)

Sapagkat sila ay nasa malamig na rehiyon na angkop sa pagtatanim

c)

Sapagkat may sapat ang kaalaman ng mga mamamayan sa pagtatanim

d)

Sapagkat malaki ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa pagtatanim

35.

Bakit malaki ang potensyal ng China para sa paglinang ng hydropower?

a)

Sapagkat makabago ang kanilang makinarya

b)

Sapagkat marami silang kaalaman sa paglinang nito

c)

Sapagkat napakarami ilog at lawa ang matatagpuan sa bansa

d)

Sapagkat malamig ang kanilang klima buong taon

36.

Bakit hindi masyadong nalilinang ang yamang lupa ng South Korea?

a)

Sapagkat kakaunti na lamang sa mga Korean ang nagkakainteres sa pagtatanim

b)

Sapagkat karamihan sa kanila ay nangingibang bansa na

c)

Sapagkat nagbabago ang kanilang klima na hindi angkop sa pagtatanim

d)

Sapagkat ang mga mamamayan ay binibigyan na ng suporta ng pamahalaan

37.

Bakit mataas ang pangangailangan ng tao sa paggamit ng petrolyo?

a)

Sapagkat mura ang halaga nito sa pandaigdigang kalakalan

b)

Sapagkat maraming gamit ang petrolyo maliban sa transportasyon

c)

Sapagkat nauubos na ang iba pang likas na yaman

d)

Sapagkat hindi nauubos ang suplay nito

38.

Bakit ang rehiyon ng Silangang Asya ay isa sa pinakamauunlad na ekonomiya sa buong daigdig?

a)

Sapagkat dito matatagpuan ang mga bansang tulad ng China, Japan, North and South Korea na sagana sa likas na yaman

b)

Sapagkat matatagpuan dito ang malaking suplay ng langis

c)

Sapagkat angkop ang kanilang klima sa pagtatanim at pangingisda

d)

Sapagkat maraming uri ng halaman ang matatagpuan sa mga bansang nabanggit

39.

Paano nagkakatulad ang rehiyong Hilaga/Gitnang Asya at Timog-silangang Asya?

a)

Parehong mataba ang mga lupain na angkop sa pagtatanim ng produktong agrikultural

b)

Parehong malamig ang klima na angkop sa pagtatanim

c)

Parehong produktibo at masipag ang mga mamamayan sa pagtanim

d)

Parehong napapaligiran ng mga karagatan tulad ng Arctic at Antarctic Ocean

40.

Paano nakakatulong ang likas na yaman na hangin at sinag ng araw sa ekonomiya ng bansa?

a)

Ang sinag ng araw at puwersa ng hangin ay nakakalikha ng kuryente na maaaring magamit ng tao

b)

Ang sinag ng araw at puwersa ng hangin ay nakakapagpasigla sa mga tao, hayop at halaman

c)

Ang sinag ng araw at puwersa ng hangin ay palaging natatagpuan sa kapaligiran at hindi nauubos

d)

Ang sinag ng araw at puwersa ng hangin ay may mabuting dulot sa mga tao, hayop at halaman

41.

Bakit nangunguna ang mga Hapon sa pinakamahabang life expectancy rate sa Asya at sa buong daigdig?

a)

Sapagkat sila ay aktibo sa pag-eehersisyo

b)

Sapagkat sila ay abala sa maraming trabaho

c)

Sapagkat maunlad ang kanilang bansa

d)

Sapagkat sila ay maraming trabaho at oportunidad

42.

Ano ang kaugnayan ng malaking bahagdan ng “batang” populasyon sa isang bansa?

a)

Ito ay nangangahulugan na dapat sila ay maging aktibo sa paaralan

b)

Ito ay nangangahulugan na mas marami ang nangangailangan ng sapat na edukasyon at maayos na pasilidad para sa kalusugan

c)

Ito ay nangangahulugan na kailangang magtrabaho sila sa murang edad

d)

Ito ay nangangahulugan na kailangan nila ang pagmamahal at kalinga ng kanilang pamilya

43.

Ano ang implikasyon ng malaking bahagdan ng “matandang” populasyon sa isang bansa?

a)

Ito ay nangangahulugan na mas marami ang nangangailangan ng sapat na edukasyon at maayos na pasilidad para sa kalusugan

b)

Ito ay nangangahulugan na mas marami ang nangangailangan ng trabaho at oportunidad

c)

Ito ay nangangahulugan na mas malaki ang kanilang pangangailangan sa aspetong medikal at suportang pinansyal mula sa pamahalaan

d)

Ito ay nangangahulugan na mas marami ang nangangailangan ng pagmamahal at kalinga ng kanilang pamilya at mahal sa buhay

44.

Ang Tokyo (Japan), Delhi (India) at Shanghai (China) ay matuturing na “mega cities”. Paano maituturing ang isang siyudad na “mega city’?

a)

Kapag nagtataglay ng sampung (10) milyong mamamayan o mas mataas pa

b)

Kapag nagtataglay ng walong (8) milyong mamamayan o mas mataas pa

c)

Kapag nagtataglay ng anim (6) na milyong mamamayan o mas mataas pa

d)

Kapag nagtataglay ng apat (4) na milyong mamamayan o mas mataas pa

45.

Bakit mas nagiging mahaba ang buhay ng mga mamamayan sa mga bansang mauunlad tulad ng Canada at Estados Unidos?

a)

Sapagkat masayahin ang kanilang mamamayan

b)

Sapagkat progresibo sila sa larangan ng medical at teknolohiya

c)

Sapagkat maganda ang pangangatawan ng mga mamamayan

d)

Sapagkat abala sa trabaho ang mga mamamayan

46.

Bakit mas maikli ang buhay ng kalalakihan kaysa kababaihan sa mga mauunlad na bansa?

a)

Sapagkat sila ay hindi nag-eehersisyo

b)

Sapagkat sila ay naglalagi lamang sa kanilang bahay

c)

Sapagkat ito ay dulot ng pagkalulong sa alak at madalas na paninigarilyo

d)

Sapagkat hindi sila nabibigyan ng sapat na atensyon ng pamahalaan

47.

Paano nakakatulong ang remittances ng OFWs sa ekonomiya ng ating bansa?

a)

Ang remittances ay umiikot sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan

b)

Ang remittances ay ipinapasok at ipinapadala sa ating bansa

c)

Ang remittances ay gagamitin pantustos ng kanilang pangangailangan abroad

d)

Ang remittances ay idedeposito at ilalagak sa bangko sa ibang bansa

48.

Bakit patuloy na tumataas ang populasyon sa lungsod kaysa sa lalawigan?

a)

Dahil mas maraming trabaho at oportunidad sa lungsod

b)

Dahil mas malawak ang lupain sa lungsod

c)

Dahil mas maganda ang klima sa lungsod

d)

Dahil mas maraming suplay ng pagkain sa lungsod

49.

Sa anong paraan maaaring masukat ang kaunlaran ng isang bansa?

a)

Sa bilang ng mamamayang nakatira sa bansa

b)

Sa kabuoang panloob na kita ng isang bansa

c)

Sa kapayapaan at seguridad ng isang bansa

d)

Sa lawak at laki ng isang bansa

50.

Bakit maraming kabataang Pilipino ang humihinto sa pag-aaral?

a)

Dahil sa kakulangan ng mga paaralan

b)

Dahil sa kahirapan ng buhay

c)

Dahil sa pagkaabala nila sa ibang gawain

d)

Dahil sa walang suporta ang pamahalaan