NEW
Font size
WorksheetsAP7 Unang Markahan Review
Total questions: 55
Worksheet time: 27mins
Ano ang tawag sa agham na nag-aaral tungkol sa pisikal na anyo at katangian ng daigdig?
Sosyolohiya
Heograpiya
Antropolohiya
Arkeolohiya
Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang kilala bilang “Perlas ng Silangan”?
Malaysia
Pilipinas
Thailand
Vietnam
Anong konsepto ang tumutukoy sa balanseng paggamit ng kalikasan upang hindi maubos ang mga likas na yaman?
Urbanisasyon
Likas-kayang pag-unlad
Reforestation
Globalisasyon
Anong klima ang nararanasan ng Timog-Silangang Asya dahil malapit ito sa ekwador?
Frigid
Polar
Temperate
Tropical
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ilog ng Myanmar na nagsisilbing mahalagang daanan ng transportasyon at kabuhayan ng mga tao?
Chao Phraya
Mekong
Irrawaddy
Tonle Sap
Anong ilog ang nagbibigay-buhay sa mga bansang Laos, Thailand, Cambodia, at Vietnam?
Chao Phraya
Irrawaddy
Mekong
Tonle Sap
Ano ang tawag sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya na binubuo ng mga isla tulad ng Indonesia?
Mainland Southeast Asia
Polar Southeast Asia
Insular Southeast Asia
Continental Southeast Asia
Anong hanging nagdadala ng malamig na simoy tuwing Nobyembre hanggang Pebrero?
Amihan
Habagat
Monsoon
Typhoon
Anong kalamidad ang madalas maranasan ng mga bansang nasa Pacific Ring of Fire?
Heat wave
Lindol
Bagyo
Tsunami
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang mga kagubatang tropikal ng Timog-Silangang Asya?
Nagbibigay ito ng yelo at malalaking lawa
Pinagmumulan ito ng sari-saring hayop at halaman
Dito matatagpuan ang pinakamalaking disyerto sa Asya
Pinagmulan ito ng lahat ng sinaunang relihiyon
Anong uri ng mapa ang nagpapakita ng hangganan at kabisera ng bansa?
Mapang pampulitika
Mapang pangklima
Mapang topograpiko
Mapang ekonomiko
Alin sa mga relihiyon ang naniniwala at sumasamba sa diyos at diyosa sa mga kapaligiran tulad ng bato at kahoy?
Budismo
Kristiyanismo
Islam
Animismo
Alin sa mga sumusunod na bansa sa Timog-Silangang Asya ang pinakadalas tamaan ng bagyo dahil sa lokasyon nito sa Pacific Ring of Fire at sa Karagatang Pasipiko?
Vietnam
Pilipinas
Malaysia
Indonesia
Saang pamilya ng wika kabilang ang wikang Filipino?
Indo-European
Sino-Tibetan
Austronesian
Afro-Asiatic
Ano ang pangunahing ipinapakita ng isang mapang topograpiya?
Hangganan ng bansa at kabisera
Likas na yaman at kalakalan
Anyong lupa at taas-baba ng lugar
Pananampalataya at kultura ng tao
Ano ang tawag sa mga taong naninirahan malapit sa mga bundok?
Uplander
Lowlander
Toplander
Mountainlander
Aling bansa ang may kabiserang Vientiane?
Laos
Thailand
Myanmar
Cambodia
Ano ang kabisera ng Myanmar?
Yangon
Naypyidaw
Mandalay
Bagan
Ano ang kabisera ng East Timor (Timor-Leste)?
Dili
Jakarta
Bandar Seri Begawan
Kuala Lumpur
Ano ang kabisera ng Cambodia?
Phnom Penh
Vientiane
Hanoi
Bangkok
Ano ang pinakamataas na bundok sa Timog-Silangang Asya na nasa Myanmar?
Hkakabo Razi
Everest
Apo
Kinabalu
Anong relihiyon ang naniniwala sa karma at reinkarnasyon?
Kristiyanismo
Budismo
Hinduismo
Islam
Ano ang pinakamahalagang simbolo ng Kristiyanismo na kumakatawan sa sakripisyo ni Hesus?
Bituin
Krus
Isda
Kalapati
Ano ang pangunahing layunin ng Budismo para makamit ang tunay na kapayapaan?
Pagdarasal ng limang beses sa isang araw
Pag-alis sa lahat ng pagnanasa at makamundong bagay
Pagbibigay ng limos sa mahihirap
Paniniwala sa reinkarnasyon bilang gantimpala
Ano ang kahulugan ng Sabbath Day para sa mga Kristiyano?
Araw ng pamimili at kasiyahan
Araw ng pahinga at pagsamba sa Diyos
Araw ng pagtatanim at pag-aani
Araw ng pagbibigay ng limos sa kapwa
Ano ang tawag sa pagtatanim muli ng mga puno?
Deforestation
Reforestation
Pollution
Industrialization
Ano ang pangunahing sanhi ng salinization ng lupa?
Sobrang pag-ulan at baha
Labis na paggamit ng kemikal na pataba
Hindi maayos na sistema ng irigasyon
Pagbaha ng dagat sa kabukiran
Ano ang nagiging epekto ng malawakang pagputol ng mga puno o deforestation?
Mas maraming mapagkukunan ng kahoy
Pagdami ng hayop sa kagubatan
Soil erosion at pagbaha
Mas malamig na klima
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakakatulong upang mabawasan ang epekto ng global warming?
Pagtatanim ng puno
Paggamit ng solar energy
Pagsusunog ng fossil fuels nang walang kontrol
Pagbabawas ng paggamit ng sasakyan na umaasa sa gasolina
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing produkto ng Vietnam na iniluluwas sa buong mundo?
Kape
Ginto
Bakal
Langis
Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang kilala bilang tahanan ng mga Khmer?
Laos
Cambodia
Thailand
Vietnam
Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga Kinh sa delta ng Mekong sa Vietnam?
Pangingisda at pangangalakal
Pagmimina ng ginto
Pagsasaka ng palay
Paggawa ng tela
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Five Pillars of Islam?
Karma
Shahada
Nirvana
Reinkarnasyon
Sino ang kasalukuyang Santo Papa matapos ni Pope Francis I?
Leo XIV
Francis II
Pius XIV
Leo XIII
Ano ang maaaring mangyari kung mali ang tono ng pagkakabigkas sa isang salitang Thai?
Magiging mas mabilis ang pagbigkas
Magbabago ang kahulugan ng salita
Mawawala ang accent ng nagsasalita
Magiging mas maikli ang salita
Ano ang dahilan kung bakit malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang altitude tulad ng Baguio?
Mas malapit ito sa dagat kaya malamig
Dahil palaging umuulan sa mataas na lugar
Mas maraming puno at kagubatan kaya malamig
Mas mababa ang temperatura habang tumataas ang lugar
Ang sangay ng heograpiya ay tumatalakay sa kung paano hinuhubog ng mga tao ang kanilang buhay sa kanilang mga komunidad at kapaligiran.
Limang Tema ng Heograpiya
Heograpiyang Pisikal
Heograpiyang Pantao
Heolohiya
Pinag-aaralan ang heograpiyang pantao dahil malaki ang epekto nito sa kasaysayan ng daigdig. Ang heograpiyang pantao ay sumasaklaw sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at etnisidad. Ano ang itinuturing na kaluluwa ng isang kultura?
Relihiyon
Lahi
Wika
Etnisidad
Hindi maikakaila na ang iba't ibang relihiyon ay may malaking kontribusyon sa kasaysayan ng mundo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo tungkol sa relihiyon?
Pinag-uugnay ng magkatulad kultura, pinagmulan, at wika.
Ang mga paniniwala dito ay naging batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
Koleksyon ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kataas-taasang nilalang.
Naging salik ito sa pagkakatatag at pagbagsak ng mga kaharian ng kasaysayan ng tao.
Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng heograpiyang pisikal?
Anyong lupa at anyong tubig
Wika at relihiyon
Populasyon at migrasyon
Tradisyon at sining
Bakit mataas ang antas ng biodiversity sa mga kagubatang tropikal ng Timog-Silangang Asya?
Dahil malamig ang klima at maikli ang tag-ulan
Dahil pare-pareho ang klima at mataas ang antas ng ulan buong taon
Dahil maraming disyerto at tuyong lugar
Dahil sa presensya ng mga yelo at lawa
Alin sa mga sumusunod ang epektibong paraan upang mapanatili ang ecological balance?
Overfishing o labis na pangingisda
pangangalaga sa kalikasan
Pagsusunog ng basura
Pagpapatayo ng pabrika sa kagubatan
Ano ang tamang kahulugan ng klima?
Panandaliang lagay ng Panahon sa isang lugar
Pangmatagalang pattern ng temperatura sa isang lugar
Biglaang pagbabago ng lagay ng panahon
Pag-ulan at pagbaha na nararanasan tuwing tag-ulan
Ano ang implikasyon ng malawak at matabang lupa sa sektor ng agrikultura ng isang bansa?
Magiging mahina ang produksyon ng pagkain
Tataas ang kita ng bansa at matutugunan ang pangangailangan ng tao
Mawawala ang trabaho ng mga magsasaka
Magiging tuyo ang kalupaan at hindi magagamit
Bakit mahalaga ang likas na yaman sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?
Pinagmumulan ito ng mga hilaw na materyales at produktong iniluluwas
Pinapabilis nito ang urbanisasyon
Pinapalitan nito ang tradisyon ng mga tao
Pinapababa nito ang biodiversity
Ano ang dahilan kung bakit may pinakamaraming wika at pangkat-etniko sa Indonesia?
Dahil ito ay isang bansang disyerto
Dahil ito ay binubuo ng maraming pulo at rehiyon
Dahil lahat ng tao ay iisang lahi at kultura
Dahil ito ay nasakop lamang ng iisang kolonyal na bansa
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 3?
Myanmar
Cambodia
Thailand
Malaysia
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 7?
Myanmar
Cambodia
Vietnam
Malaysia
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 2?
Myanmar
Cambodia
Vietnam
Laos
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 11?
Myanmar
Cambodia
Vietnam
Singapore
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 8?
Brunei
Cambodia
Vietnam
Indonesia
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 10?
Timor-Leste
Cambodia
Vietnam
Indonesia
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 1?
Timor-Leste
Cambodia
Myanmar
Indonesia
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 5?
Vietnam
Cambodia
Myanmar
Indonesia
Anong bansa ang matatagpuan sa bilang 7?
Vietnam
Cambodia
Myanmar
Indonesia
