NEW
Font size
WorksheetsAP8 3rd Quarter Periodic Test Reviewer
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Aling pangyayari ang kinikilalang mitsa ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Pagbagsak ng Imperyong Ottoman
Paglusob ng Germany sa Poland
Pagpapaslang kay Archduke Franz Ferdinand
Paano ipinapaliwanag ang alliances bilang salik na nagdulot ng digmaan?
Pagtatag ng bagong pamahalaan
Pagbuo ng kasunduan ng mga bansa upang magtulungan
Pagpapatayo ng mga pabrika upang makagawa ng armas ang bawat bansa
Bakit itinuring na mahalaga ang pag-unlad ng teknolohiyang militar sa kinalabasan ng WWI?
Nagpabago sa paraan ng pakikipagdigma at nagresulta sa mas maraming kaswalti
Nagdulot ng mas mabilis na pag-usbong ng ekonomiya
Nagpahina sa mga alyansa ng mga bansa
Bilang isang lider ng bansa sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang paglala ng alitan?
Pakikipag-alyansa sa pinakamalakas na bansa upang magamit ito sa digmaan
Pagpapalakas ng sandatahang lakas upang manakot
Pagtatatag ng dayalogo at diplomasya sa pagitan ng mga bansa sa mundo
Alin sa mga pagpipilian ang hindi bahagi ng Triple Alliance?
Russia
Austria- Hungary
Italy ( sa simula )
Ano ang papel ng militarismo sa pag-usbong ng tensyon sa Europa bago ang WWI?
Nagbunsod ng kompetisyon sa paglikha ng sandata at pagpapalakas ng hukbo
Pinilit ang mga bansa na sumali sa League of Nations
Bakit itinuturing na hindi makatarungan para sa Germany ang Treaty of Versailles?
Pinayagan silang magpalakas muli
Binigyan sila ng mas maraming teritoryo
Pinagbayad ng malaking danyos at ibinintang sa kanila ang digmaan
Alin sa mga naging bunga ng WWI ang may pinakamatinding epekto sa kaayusang panlipunan?
Pagkakaroon ng bagong uri ng sining
Pagsilang ng bagong relihiyon sa mundo
Pagkamatay at pagkagutom ng milyong milyong katao
Kung ikaw ay nasa panahon ng WWI, anong mensahe ang pipiliin mo para sa isang propaganda poster upang hikayatin ang taumbayan na sumuporta sa sandatahang lakas?
“Manatili sa bahay,upang walang maging kaaway!”
“Sumali sa hukbo! Ipaglaban ang ating bayan at kalayaan!”“
Paano pinakamainam ilarawan ang reaksyon ng Germany sa mga parusang ipinataw ng Treaty of Versailles?
Nakiisa at nakibahagi sa mga proyekto ng League of Nations
Nabuo ang matinding galit at pagkadismaya na nagpasiklab sa pag-angat ng marahas na ideolohiya
Tinalikuran nila ang pagbangon ng ekonomiya
Bakit hindi tuluyang nagtagumpay ang League of Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan?
Lahat ng bansa ay ayaw sumali sa samahan
Kakulangan ng kapangyarihang magpatupad at kawalan ng suporta ng malalakas na bansa tulad ng U.S.
Hindi sila pinayagang gumawa ng batas
Bilang pinuno ng isang bansang naapektuhan ang ekonomiya pagkatapos ng digmaan, ano ang pinakaangkop na hakbang na iyong gagawin?"
Pagpapataw ng mataas na buwis sa pinakamahirap na mamamayan
Pagtatag ng programang pangkabuhayan at pagtulong sa manggagawa
Ano ang pangunahing misyon ng League of Nations na itinatag matapos ang digmaan?
Mangolekta ng buwis mula sa mga bansa
Panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan
Magpalawak ng teritoryo ang mga ka-alyansa
Alin sa mga bansang nakalista ang pinaka apektado ng krisis sa ekonomiya matapos ang digmaan?
Brazil
Canada
Switzerland
Germany
Bakit isinagawa ng Estados Unidos ang patakarang ‘Isolationism’ matapos ang digmaan?
Labis ang naging pagod at gastusin sa digmaan kaya nais muna nilang ituon ang pansin sa sariling bansa
Nais nilang sumali muli sa digmaan at makilala sila ng mundo
Nais nilang makontrol ang Europa
Bakit maraming bansa ang naglunsad ng mga programa sa social welfare pagkatapos ng digmaan?
Matulungan ang mamamayang naapektuhan ng kahirapan at kawalan ng hanapbuhay
Makapagpatayo ng mas maraming militar
Kung lilikha ka ng patakarang pambansa para maiwasan ang post-war na krisis, ano ang pinakaangkop na prinsipyo na susundin?
“Palawakin ang nasasakupang bansa upang mauna sa yaman at umunlad ang bansa“
“Pagpapaunlad ng edukasyon, kabuhayan, at diplomasya para sa kapayapaan"
“Pagpapataw ng mahigpit na kaparusahan sa lahat ng mamamayan na lumabag.”
Bakit ang totalitaryanismo ay itinuturing na hamon sa demokratikong pamahalaan?
Sinusupil nito ang karapatan at kalayaan ng tao
Hinahayaan nitong mamuno ang lahat ng mamamayan
Anong ideya o mensahe ang gustong iparating ng propaganda sa totalitaryang estado?
Ginagamit ito upang hubugin ang pag-iisip at paniniwala ng mamamayan
Layunin nitong bigyan ng pantay na impormasyon ang publiko
Ginagawa ito upang hikayatin ang healthy debate
Sa kasaysayan, bakit nagiging matagumpay ang ilang totalitaryang pinuno sa pag-akit ng suporta mula sa mamamayan?
Madalas nilang samantalahin ang krisis at takot ng lipunan upang makapagpakita ng huwad na solusyon
Pinagbobotohan sila nang may malayang halalan
Pinapalakas nila ang demokrasya
Ano ang pinakapangunahing katangian ng sistemang totalitaryan
Paghihiwalay ng kapangyarihan
Lubos na kapangyarihan ng estado sa lahat ng aspeto ng buhay
Kalayaan sa pamamahayag
Sa anong kalagayan makikilala ang konkretong patunay ng totalitaryang pamamahala?
Pagbibigay ng subsidiya sa magsasaka
Mahigpit na pagsasala sa lahat ng balita at media
Pagpapalawak ng sports program ng gobyerno
Ano ang ipinapakita o ipinahihiwatig ng propaganda sa pamahalaang totalitaryo?
Ginagamit ito upang hubugin ang pag-iisip ng mamamayan
Ginagawa ito upang hikayatin ang healthy debate sa bawat panig
Layunin nitong bigyan ng pantay na impormasyon ang publiko
Ano ang pinakaepektibong mensahe para sa kampanya na naglalayong ipagtanggol ang demokrasya laban sa totalitaryanismo?
“Tanggapin ang isang lider na may ganap na kapangyarihan.”
“Kalayaan at partisipasyon: Tinig ng mamamayan, lakas ng demokrasya.”
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita kung paano nagkakaiba at nagkakatulad ang demokrasya at totalitaryanismo?
Parehong nagbibigay ng buong kapangyarihan sa pinuno
Ang demokrasya ay nakabatay sa kalayaan; ang totalitaryanismo ay nakabatay sa kontrol
Walang pinagkaiba ang dalawang uri ng pamamahala
Paano naapektuhan ng Pacto ng Non-Aggression ang relasyon ng Alemanya at Unyong Sobyet bago sumiklab ang digmaan?
Pinadali nito ang pakikipagsabwatan sa Poland
Nagdulot ng direktang labanan ng dalawang bansa
Nagbigay ng pansamantalang seguridad
Kapag bumuo ka ng rehabilitasyon program para sa mga bansang naapektuhan ng digmaan, ano ang dapat nitong tutukan?
Pagpapalakas ng edukasyon at imprastraktura
Pagpapatayo ng mga monumento
Pagpapataw ng mahigpit na batas sa mamamayan
Ano sa mga sumusunod ang pangunahing sanhi ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Pag-iral ng mga totalitaryanismo
Pagtaas ng pandaigdigang kalakalan
Pag-usbong ng kulturang popular
Bilang lider ng bansa noong 1940s, alin sa mga aksyon ang makakatulong upang maiwasan ang mabilis na pagsakop ng Axis powers?
Pagtaas ng buwis sa mamamayan
Pagpapaigting ng diplomatikong alyansa
Pagpapalakas ng sandatahang lakas at depensa
Sa mga sumusunod, alin ang malinaw na nagpapakita ng epekto ng digmaan sa ekonomiya ng mga bansang kasali?
Paglago ng turismo sa mga lungsod
Pagbawas ng bilang ng manggagawa
Pagtaas ng produksyon ng mga kalakal
Sa iyong opinyon, ano sa mga hakbang ng United Nations pagkatapos ng digmaan ang pinakaepektibo sa pagpapanatili ng kapayapaan?
Pagpapalakas ng edukasyon sa bawat bansa
Pagpigil sa pagbuo ng mga sandata
Pagbuo ng pandaigdigang korte
Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mabilis na nagtagumpay ang mga bansang Axis sa pagsakop sa Europa sa unang bahagi ng digmaan?
Mahina ang depensa at kakulangan sa koordinasyon ng mga bansang kaalyado
Paglaganap ng makabagong teknolohiya sa mga pabrika ng pagkain
Pagdami ng mga pampulitikang partido sa bawat bansa
Sa iyong pananaw, ano sa mga aksyon ng UN noong Cold War ang pinakaepektibo sa pagpapanatili ng kapayapaan?
Pagpapatayo ng mga monumento sa digmaan
Pagsuporta sa diplomatikong resolusyon
Pagpapalakas ng mga sandata sa lahat ng bansa sa mundo
Sa mga opsyon sa ibaba, alin ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Cold War?
Pag-usbong ng mga pandaigdigang organisasyon
Paglago ng pandaigdigang kalakalan
Pagkakaiba sa ideolohiya ng Amerika at Unyong Sobyet
Bilang lider ng bansa noong Cold War, ano sa mga aksyon ang makakatulong para hindi magkaroon ng direktang digmaan sa pagitan ng mga superpowers?
Pagbawas ng buwis sa mamamayan
Pagpapalakas ng diplomatikong alyansa at negosasyon
Pagpapalawak ng teritoryo
Ano ang magiging pangunahing layunin ng programang bubuuin mo para mabawasan ang tensyon sa Cold War?
Pagpapalakas ng edukasyon at kultura bilang batayan ng kagalinangan
Pagpapatayo ng mga simbolikong monumento
Sa mga nakalista, alin ang naglalarawan ng epekto ng Cold War sa international na ugnayan?
Pagkakaroon ng dalawang kampo: Capitalist at Communist
Pagbawas ng populasyon sa mga pangunahing lungsod
Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bawat bansa
Paano nakaapekto ang Marshall Plan sa pakikipag-ugnayan ng Europa at Amerika matapos ang digmaan?
Pinabilis ang ekonomiya ng Europa at nagpatibay sa alyansa sa Amerika
Nagdulot ng kaguluhan sa sa mga bansa loob ng Europa
Nagpahina sa impluwensya ng Amerika sa Asya
Ano ang pangunahing sanhi kung bakit naging pangunahing lugar ng alitan ang Asya noong Cold War?
Pagpapalakas ng sektor ng turismo
Pagkakaroon ng mahahalagang ruta ng langis at estratehikong lokasyon
Pagbaba ng populasyon sa rehiyon
Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang epekto ng Cold War sa politika sa mga bansa sa Asya?
Pagkakaroon ng malinaw na paghahati ng mga bansang kapitalista at komunista
Pagdami ng industriya ng aliwan o mga bar
Pagtaas ng sektor ng telebisyon at media
Bilang lider ng isang bansang Asyano noong Cold War, ano ang dapat gawin upang maiwasan ang paglahok ng ibang bansa sa tunggalian?
Balanseng ugnayan sa parehong superpowers
Pagputol ng koneksyon sa mga karatig-bansa
Pagpapalakas lamang sa sandatahang lakas
Ano ang pangunahing layunin ng programang bubuuin mo upang mabawasan ang tensyon sa mga bansa ng Africa sa panahon ng Cold War?
Paglikha ng mga proyekto para sa diplomasya
Pagpapalawak ng teritoryo ng mga bansang may yaman
Pagpapataw ng mataas na buwis upang tustusan ang militar
Ano ang naging epekto ng Cold War sa mga bansang Aprikano?
Nagresulta sa paglawak ng mga demokratikong pamahalaan
Nagpatatag ng ekonomiya ng mga bansang may likas na yaman
Nagbunsod ng digmaang sibil dahil sa suportang ibinibigay ng superpowers
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng magkakaibang epekto ng Cold War sa Asya kumpara sa Africa
Sa Asya ay nagdulot ng digmaang Korea at Vietnam, habang sa Africa ay nagdulot ito ng instability at digmaang sibil
Sa Asya ay nagpatatag ito ng demokrasya, habang sa Africa ay naging dahilan ito ng industrial boom
Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang impluwensya ng pagtatapos ng Cold War sa kapayapaan sa mundo?
Paglitaw ng mga bagong tunggalian dahil sa vacuum of power
Pagbaba ng tensyon sa pagitan ng mga bansa at pag-usbong ng multilateral cooperation
Pagbagsak ng ekonomiya ng mga superpowers
Bilang lider ng bansa sa dekada 1990, pagkatapos ng Cold War, ano ang pinakamahalagang hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya?
Pagputol ng ugnayan sa ibang estado
Pagtutok sa diplomatikong pakikipag-ugnayan
Pagbuwag sa lahat ng alyansa ng mga bansa sa Kanluran
Ano ang pinakamahalagang pagbabago sa mundo matapos ang pagtatapos ng Cold War?
Paghina ng demokrasya sa kanlurang bahagi ng mundo
Bukas na ugnayan sa kalakalan at lipunan
Bukas na ugnayan sa kalakalan at lipunan
Bakit mahalaga ang tungkulin ng civil rights movements sa pagbuo ng demokratikong lipunan?
Dahil pinigil nito ang pagbuo ng mga batas na nagbibigay-proteksyon sa mamamayan
Dahil nagbigay ito ng boses sa mga inaapi at humamon sa hindi makatarungang polisiya
Dahil ito ay nagpatatag ng absolutong kapangyarihan ng pamahalaan
Alin sa mga sumusunod ang malinaw na halimbawa ng pagpapahalaga sa mga kilusang nagsusulong ng demokrasya?
Pagsuporta sa mga programang pumipigil sa pagboto ng mamamayan
Pagtatayo ng pribadong negosyo para sa personal na kita
Pakikilahok sa halalan at paggalang sa karapatang pantao
Ano ang pinakaakmang proyekto sa paaralan upang maipakita ang kahalagahan ng mga kilusang panlipunan sa demokrasya
Pagbabawas ng karapatan ng mga mag-aaral sa pag-oorganisa at pagpupulong
Paggawa ng mural na nagpapakita ng mga pangunahing kilusan at epekto nito sa lipunan
Pagpapalaganap ng propaganda para sa iisang partido sa bansa
