WorksheetsAP 1 Worksheet No.1Second Quarter
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Si Nanay ay nagluluto. Si Ate ay naglalaro. Umiiyak si Baby. Ano ang dapat gawin ni Ate?
Alagaan si baby
Hayaan lang si baby
Isama si baby sa paglalaro
Siya ay kinikilalang pinuno ng tahanan at nagsisikap para maitatag ang mag-anak.
Ama
Anak
Kapatid
Siya ang ilaw ng tahanam at katuwang ng ama sa pag-aalaga sa mag-anak.
Ina
Kapatid
Lolo
Kung ang tawag mo sa magulang mo ay ama o ina. Ano naman ang tawag mo sa magulang ng iyong ama o ina?
Tito at Tita
Lolo at Lola
Ate at Kuya
Sila ay tinatawag na supling ng mag-asawa.
Ama
Ina
Anak
Ito ang tawag sa pamilya kapag may kamag-anak na kasama.
extended family
single-parent family
two-parent
Ito ang tawag sa nag-iisang magulang na gumaganap ng gampanin kapwa bilang tatay o nanay sa anak o mga anak.
two-parent
extended family
single-parent family
Ito ay uri ng pamilya na binubuo lamang ng magulang at mga anak
pamilyang nuclear
pamilyang extended
single-parent
Tawag ito sa kapatid na babae ng tatay o nanay mo.
kapatid
pinsan
tiya
Tawag ito sa kapatid na lalaki ng tatay o nanay mo.
kapatid
pinsan
tiyo
Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang komunidad.
Pamilya
Paaralan
Tao
Inutusan si Kuya na bumili ng suka sa tindahan. Ano ang dapat gawin ni Kuya?
magagalit
magdadabog
susunod
Maraming nakakalat na dahon sa bakuran. Ano ang dapat gawin nina ate at kuya?
hayaan lang ang kalat
utusan si bunso na maglinis
magtulungan sila sa paglilinis
Mataas ang lagnat ni bunso. Ano ang dapat gawin nina Tatay at Nanay?
ipagwalang bahala lang
dalhin agad sa doktor
ipagpabukas na ang pagdadala kay bunso sa doktor
Maraming labahin na damit si Nanay. Ano ang dapat gawin ni Ate?
tulungan si nanay na maglaba
tingnan si nanay habang naglalaba
pagtawanan si nanay habang naglalaba
Kung si Inay ang tagapamahala sa loob ng tahanan. Sino naman ang tumutulong sa kaniya pag wala ang kaniyang asawa at siya din ang nagbibigay payo sa kanilang mag-asawa.
Kuya
Lola
Tatay
Alin sa mga sumusunod ang mga tungkulin na dapat gampanan ng mag- anak?
I. Sumunod sa mga payo ng mga magulang
II. Tumulong sa paghuhugas ng mga pinggan
III. Tumulong sa paghahanda ng hapag-kainan
I at II
II at III
I, II, III
Kung magulang ang tawag sa ina at ama sa isang pamilya ano pa ang ibang tawag sa mga anak?
sanggol
supling
bunso
Ito ay isang istrukturang may bubong na tinitirhan ng isang pamilya.
Bahay
Lupa
Tahanan
Siya ang nagsisilbing tagapayo sa isang pamilya at siya rin ang tumutulong kapag wala ang tatay sa bahay maliban sa mga anak.
Tatay
Nanay
Lolo
Tama o Mali
Ang kasapi ng isang pamilya ay ang tatay, nanay at mga pulis.
Tama
Mali
Ang mga anak ay tumutulong sa mga gawaing bahay at nag aaral ng mabuti.
Tama
Mali
Utusan ang lola na ligpitin ang mga nakakalat na laruan.
Tama
mali
Sumagot ng "po" at "opo" sa tuwing ikaw ay makikipag-usap kina lolo at lola at iba pang nakatatanda.
Tama
Mali
Ipaubaya kina tito at tita ang paglilinis ng iyong mga kalat.
Tama
mali
