Font size
WorksheetsFilipino 9 Pre-Test 3
Total questions: 10
Worksheet time: 9mins
Ano ang buong pangalan ng inyong guro sa Filipino?
(a)
Sinasabing ito ang pinakamakulay, pinakamahaba at pinakamakatotohanan sa lahat ng uri ng panitikan.
A. Maikling Kuwento
B. Anekdota
C. Nobela
D. Dula
“Sa lahat ng ito, napagtanto ni Raffy na siya’y mahal na mahal ng kaniyang anak.” Anong uri ng transitional devices ang nakasalungguhit sa pangungusap?
A. Panlinaw
B. Pananhi
C. Pamukod
D. Panapos
Ang sangkap ng nobela na karaniwang katatagpuan ng pinakamataas na pangyayari
A. katapusan
B. kakalasan
C. kasukdulan
D. tunggalian
“Naalala niya ang maliligayang araw nila ni Raffy. Iyon naman ang kakatwa: pag wala na ang isa, ang naaalala na lang ng isa ay pulos ‘yong maliligayang araw nila. Na para bang ‘yong nawala ay puro buti’t walang sama.” Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng synopsis ng nobela. Maaari itong _______________.
A. simula
B. gitna
C. kakalasan
D. wakas
Ang balangkas na ito ay karaniwang ayos ng isang nobela. Ano ito?
A. Linear
B. Circular
C. Rectangular
D. Diretso
Alin sa sumusunod na opinyon ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. Lubos kong pinaniniwalaan ang sinabi ng Pangulo na mas mahalaga ang kalusugan kaysa sa edukasyon.
B. Sa aking pananaw, maraming kabataan ang nalululong sa bawal na gamot dahil sa kapabayaan ng magulang.
C. Sa aking palagay, mababawasan ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 kung lahat ay mananatili sa bahay lamang.
D. Sa totoo lang walang magugutom na mamamayang Pilipino kung lahat ng namumuno ay tapat sa bansa at hindi kakamkamin ang buwis ng mga tao.
“Kung ako ang tatanungin, isasantabi ko muna ang sama ng loob ko sa kaniya dahil alam ko na mas kailangan niya ang karamay ng isang kaibigan sa pagkakataong siya ay may malaking pinagdadaanan.” Anong klase ng opinyon ang ipinakikita ng salitang nakasalungguhit sa pahayag?
A. matatag na opinyon
B. neutral na opinyon
C. patas na opinyon
D. wala sa nabanggit
Anong uri ng nobela ang naglalahad ng mga totoong nangyari sa kasaysayan ng isang bansa?
A. Nobela ng Pagbabago
B. Nobelang Makabanghay
C. Nobelang Kasaysayan o Historikal
D. Nobelang Pag-ibig
" Akala mo lang wala, pero meron, meron meron!" ang linya ay hango mula sa anong nobela?
A. Dekada 70
B. Anak
C. Bata, Bata Paano ka Ginawa
D. Seven Sundays
