wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Lipunan at Kabuhayan ng Sinaunang Pilipino

Total questions: 78

Worksheet time: 44mins

Name
Class
Date
1.

Ang bawat pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya ng pinamumunuan ng isang dalu o rajah ay natawag na?

a)

barangay

b)

sultanato

c)

lipunan

d)

gobyerno

2.

Ito ang batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga

ninuno.

a)

barangay

b)

sultanato

c)

lipunan

d)

gobyerno

3.

Ang salitang barangay ay hango sa salitang Malayo na

nangangahulugang?

a)

sagwan

b)

bangka

c)

barko

d)

katig

4.

Ano ang tawag sa pinuno ng barangay?

a)

Datu

b)

Sultan

c)

Mayor

d)

Emperador

5.

Ang namumuno naman sa higit ng malaking barangay ay tinatawag na?

a)

Rajah or Lakan

b)

Tanod

c)

Konsehal

d)

Emperador

6.

Ang namumuno naman sa higit ng malaking barangay ay tinatawag na Rajah or Lakan? Siya ang nagsisilbing?

a)

tagapagbatas

b)

tagahukom

c)

tagapagpaganap

d)

tagapagpagaling

7.

Upang matiyak ang kakayahan niyang pagtanggol ang kanyang barangay laban sa mga kaaway. Sa pagpili ng Datu, tinitingnan ang kanyang mga?

a)

lakas

b)

tapang

c)

tatag

d)

tindig

8.

Ang pagiging datu ay maaaring mamana, Kapag namatay ang datu nang walang anak, ang mga tao sa barangay ang pipili ng bagong datu ngunit siya ay dapat ay mayroon mga anong ktangian?

a)

pinakamakisig

b)

pinakamatapang,

c)

pinakamatalino

d)

pinakamayaman

e)

pinakamatangkad

9.

Ang pagiging datu ay maaaring mamana, kapag namatay ang datu nang walang anak, ang mga tao sa barangay ang pipili ng bagong datu.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng matatanda sa barangay kaya't may konsehong binubuo ng matatandang mamamayan ng barangay na tinatawag na?

a)

Council of Elders

b)

Council of Old People

c)

Council of Grandparents

d)

Council of the Barangay

11.

Sila ang katu-katulong ng datu sa paghuhukom, paggawa ng batas, at pagpapasiya sa mga bagay na nangyayari sa barangay.

a)

Council of Elders

b)

Council of Old People

c)

Council of Grandparents

d)

Council of the Barangay

12.

Ito ay isang ritwal na ginagawa ng dalawang pinuno sa

isang lugar kasama ang kanilang mga nasasakupan.

a)

lakambini

b)

barangay

c)

sultanato

d)

sanduguan

13.

Ito ay isang ritwal na ginagawa ng dalawang pinuno sa

isang lugar kasama ang kanilang mga nasasakupan. Hihiwain ng dalawang pinuno ang kanilang bisig at ang dugong aagos sa kanilang sugat ay ilalagay sa isang lalagyan o kaya naman ay ihahalo sa alak saka iinumin bilang simbolo ng kanilang pag-iisa.

a)

lakambini

b)

barangay

c)

sultanato

d)

sanduguan

14.

Sa sanduguan, anong parte ng katawang ng mga pinuno ang kanilang hiniwa upang ang kanilang dugo ay umagos at ihalo sa alak?

a)

binti

b)

bisig

c)

braso

d)

balakang

15.

Mayroon namang pagkakataong nagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga barangay. Ilang dahilan ng mga ito ang paghihiganti, pagpatay nang walang kadahilanan, pagdukot sa asawa, o pananakit sa kabarangay.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Ang pamahalaang ito ay higit na malaki kaysa sa barangay. Ito ay binubuo ng sampu hanggang labindalawang nayon o higit pa.

a)

lakambini

b)

barangay

c)

sultanato

d)

sanduguan

17.

Ano ang tawag sa pinuno ng Sultanato?

a)

Datu

b)

Sultan

c)

Mayor

d)

Emperador

18.

Ang sultanato ay binibuo ng ilang pangkat ng tao?

a)

4-7

b)

5-8

c)

10-12

d)

3-9

19.

May dalawang paraan ng pagiging sultan. Una, ang posisyon ng sultan ay namamana sa dahilang naniniwala ang mga Muslim na ang isang sultan ay dapat na magmula sa lahi ng propetang si?

a)

Abu Bakar

b)

Mohammed

c)

Lapu -Lapu

d)

Ruma Bichara

20.

Ang pinakamayaman sa isang lugar or pamayanan ay maaring maging Sultan.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang pagiging sultan ay maaring mamana?

a)

Tama

b)

Mali

22.

Bilang pinuno, ang sultan ay may mga pangunahing katungkulang katulad ng?

a)

tagapagpaganap

b)

tagapag-batas

c)

tagahukom

d)

tagapag-sagip

23.

Ito ang konseho ng estadong katulong ng sultan upang magpayo tungkol sa usapin ng pananalapi pagpaplano at paggawa ng batas. Ito ay karaniwang binubuo ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang mga datu.

a)

Abu Bakar

b)

Mohammed

c)

Ruma Bichara

d)

Raha Sulayman

24.

Sila ang gumagabay sa sultan upang magampanan ang mga gawaing pangrelihiyon dahil sila ay bihasa sa Koran, ang banal na aklat ng mga Muslim.

a)

ruma at bichara

b)

gadi at ulema

c)

rajah at muda

d)

abu at bakar

25.

Katulong ng sultan na tagapagmana ng trono?

a)

mulik bandarasa

b)

wazir

c)

raja muda

d)

mukik cajal

26.

Katulong ng sultan na punong ministro?

a)

mulik bandarasa

b)

wazir

c)

raja muda

d)

mukik cajal

27.

Katulong ng sultan na kalihim?

a)

mulik bandarasa

b)

wazir

c)

raja muda

d)

mukik cajal

28.

Katulong ng sultan na kalihim sa pakikidigma?

a)

mulik bandarasa

b)

wazir

c)

raja muda

d)

mukik cajal

29.

Katulong ng sultan na tagapagpayong pangrelihiyon?

a)

pandita

b)

wazir

c)

raja muda

d)

mukik cajal

30.

Katulong ng sultan na kumakatawan sa malalayong lalawigan?

a)

pandita

b)

panglima

c)

raja muda

d)

mukik cajal

31.

Ang _________ ay isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng ating mga ninuno bago pa nakarating ang mga Espanyol sa ating bansa palibhasa'y malawak ang ating mga lupain at kabundukan

a)

pangingisda

b)

pagsasaka

c)

pagtrotroso

d)

pagmimina

32.

Ang mga pangunahing itinatanim noon ay palay. mais niyog, tubo, saging, at iba pang punongkahoy

a)

palay

b)

mais

c)

niyog

d)

tubo

e)

durian

33.

Dalawang sistema ng pagsasaka noon.

a)

paglilinang

b)

pagkakaingin

c)

pagtrotroso

d)

pagngagnaso

34.

Sistema ng pagsasaka kung saan binubungkal ng mga magsasaka ang lupa sa pamamagitan ng kanilang kamay o matitigas na bagay upang ito ay matamnan.

a)

paglilinang

b)

pagkakaingin

c)

pagtrotroso

d)

pangangaso

35.

Sistema ng pagsasaka kung saan ginagawa sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng mga puno sa gubat upang muling pagtamnan ng mga bagong pananin.

a)

paglilinang

b)

pagkakaingin

c)

pagtrotroso

d)

pangangaso

36.

Ang mga kabundukan ay matiyaga ring pinagtataniman noon. Isa sa mga patunay nito ang Hagdan-Hagdang Palayan sa Bocaue Bulacan.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Nanghuhuli sila ng mga yamang-dagat sa pamamagitan ng mga anong paraan?

a)

baklad

b)

sibat

c)

bingwit

d)

espada

38.

Hanapbuhay rin nila ang manisid ng mga ano?

a)

perlas

b)

kabibe

c)

korales

d)

ginto

39.

Ang _________ sa kagubatan ay ikinabubuhay rin ng mga Pilipino noon. Nanghuhuli sila ng mailap na hayop gaya ng usa, baboy-ramo, at iba't ibang uri ng ibon gamit ang pana, sibat,punyal, at bitag.

a)

paglilinang

b)

pagkakaingin

c)

pagtrotroso

d)

pangangaso

40.

Ang ating bansa ay napaliligiran din ng mga anyong-tubig kaya't hindi kataka-takang ang __________ ay isa rin sa mga ikinabubuhay ng mga Pilipino?

a)

pagmimina

b)

pangingisda

c)

pagtrotroso

d)

pangangaso

41.

Ang pangangaso sa kagubatan ay ikinabubuhay rin ng mga Pilipino noon. Nanghuhuli sila ng mailap na hayop gaya ng mga?

a)

usa

b)

baboy-ramo

c)

ibon

d)

buwaya

42.

Nanghuhuli sila ng mailap na hayop gaya ng usa, baboy-ramo, at iba't ibang uri ng ibon gamit ang mga?

a)

pana

b)

sibat

c)

punyal

d)

bitag

e)

baril

43.

Mayroon na rin silang kaalaman sa paggawa ng mga sasakyang-____________ na yari sa matitibay na kahoy sa kagubatang ginagamit naman nila sa pakikipagkalakalan at pakikidigma

a)

pangtubig

b)

panghimpapawid

c)

panglupa

d)

pangkabundukan

44.

Mga industriyang pantahanan noon na ginagawa ng mga unang Pilipino?

a)

palayok

b)

banga

c)

alahas

d)

katig

45.

Ang mga produktong kanilang nakuha sa pagsasaka, pangingisda pagmimina, pangangaso, at iba pa ang ginamit ng mga sinaunang Pilipino upang makipagkalakalan sa ibang mga lahi sa pamamagitan ng sistemang ano?

a)

chertz

b)

nomadic

c)

barter

d)

mandible

46.

Mga tanging ang mga pangunahing pinagkukunan ng makakain ang hindi maaaring ariin sapagkat ito ay naniniwalaang para sa lahat.

a)

gubat

b)

ilog

c)

dagat

d)

disyerto

47.

Nooon mga sinaunang Pilipino itinuturing na pag-

aari ng isang tao ang lupa kung siya ang _________ at __________ nito.

a)

naglilinis

b)

nagpipintura

c)

lumilinang

d)

nagbubungkal

48.

Ito ay maaaring nasusulat at di nasusulat. Ito ay isang mahalagang sangkap ng pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamayanan noon pa man.

a)

batas

b)

koran

c)

qadi

d)

nomadic

49.

Ang pagpaparusa ay base sa bigat ng kasalanan. Itinuturing na mabigat na krimen ang mga kasalanang tulad ng?

a)

pagpatay

b)

panggagahasa

c)

pangkukulam

d)

pangungupit

50.

Ilan naman sa magaan na krimen ang mga kasalanang tulad ng?

a)

pangungupit

b)

pakikiapid

c)

kawalan ng galang sa hari

d)

pagpatay

51.

Ang antas ng katayuan ng mga Pilipino noon ay napapangkat sa tatlo.

a)

maharlika

b)

timawa

c)

alipin

d)

lakandula

52.

Tinatawag din itong tagapagbalita, lumilibot sa buong barangay upang maiparating sa mga tao ang isang bagong batas na napagtibay.

a)

umalohokano

b)

ilokano

c)

abubakar

d)

nomadic

53.

Ang isa sa mga batas na nasulat ay ang Luwaran ng mga Muslim.

a)

Tama

b)

Mali

54.

Ito ang pinakamataas na antas ng lipunan?

a)

maharlika

b)

timawa

c)

alipin

d)

lakandula

55.

Ang pinakamataas na antas ng lipunan ay maharlika, dito nabibilang ang mga pinunong?

a)

raja

b)

sultan

c)

datu

d)

ama

56.

Ito ang pangalawa sa pinakamataas na antas ng lipunan?

a)

maharlika

b)

timawa

c)

alipin

d)

lakandula

57.

Ito ay kinabibilangan ng mga mangangalakal mandirigma iba pang karaniwang mamamayang isinilang na malaya o naging malaya mula sa pagkaka alipin.

a)

maharlika

b)

timawa

c)

alipin

d)

lakandula

58.

Ito ang tawag sa mga taong may pinakamababang antas sa lipunan.

a)

maharlika

b)

timawa

c)

alipin

d)

lakandula

59.

Ano-ano dalawang uri ng alipin?

a)

aliping maharlika

b)

aliping sagigulid

c)

aliping namamahay

d)

aliping lakandula

60.

Ano-ano dalawang uri ng alipin?

a)

aliping maharlika

b)

aliping sagigulid

c)

aliping namamahay

d)

aliping lakandula

61.

Ang aliping ito ay walang anumang ari-arian at nakatira sa tahanan ng mismong maharlika at timawa ng kanyang pinaglilingkuran.

a)

aliping maharlika

b)

aliping sagigulid

c)

aliping namamahay

d)

aliping lakandula

62.

llang pamilya ang bumubuo sa barangay?

a)

30-100

b)

50-150

c)

40-80

d)

100-150

63.

Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng datu?

a)

tagapagbatas

b)

togohukom

c)

tagapagpaganap

d)

tagasilbi

64.

Alin sa sumusunod ang hindi tungkol sa magandang ugnayan sa barangay?

a)

tulong-tulong sa paggawa

b)

pagdadamayan sa panahon ng kagipitan

c)

pagtataguan ng mga sikreto

d)

sama-samang pagsasaya sa panahon ng kagipitan

65.

Anong pangkat ang itinuturing na pinakamataas ang antas noon?

a)

aliping namamahay

b)

aliping sagiguilid

c)

timawa

d)

maharlika

66.

Ano ang tawag sa pinuno ng barangay?

a)

lakan

b)

datu

c)

rajah

d)

ama

67.

Alin ang hindi kabilang sa ginagawa ng sultan sa Mindanao?

a)

tagapagbuklod ng mga lalawigan sa Mindanao

b)

tagapagpalawak ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa tulad ng

Indonesia at Malaysia

c)

tagapagpatibay ng ugnayang pampolitika, panrelihiyon at pangkabuhayan ng lugar

d)

tagapagbigay ng kayamanan sa lahat ng Muslim sa Mindanao

68.

Bakit higit na iginagalang ang isang sultang nagmula sa lahi ni Propetang Mohammed?

a)

bilang pagbibigay-galang sa kanilang propeta

b)

dahil siya ay isang diyos

c)

dahil siya ay may kapangyarihan

d)

bilang ganti sa pamumuno sa sultanato

69.

Sino ang naghahatid ng bagong batas sa pamayanan?

a)

Umalohokan

b)

Council of the Elders

c)

Datu

d)

Media

70.

Alin ang itinuturing nilang mabigat na kasalanan?

a)

pagsisinungaling

b)

pagpatay

c)

pangungupit

d)

pakikiapid

71.

Ang konsehong katu-katulong ng sultan sa pamamahala?

a)

barangay

b)

Ruma Bichara

c)

dayang o lakambini

d)

panglima

e)

qadi

72.

Ang tawag sa namumuno sa higit na malalaking barangay?

a)

qadi

b)

rajah muda

c)

ruma bichara

d)

sanduguan

e)

sultanato

73.

Gumagabay sa sultan sa mga gawaing panrelihiyon?

a)

panglima

b)

qadi

c)

mukik cajal

d)

mulik bandarasa

74.

Isang uri ng ritwal na sumisimbolo sa pakikipag-kaibigan o pakikipagkapatiran?

a)

sultanato

b)

sanduguan

c)

dayang o lakambini

d)

barangay

e)

ruma bichara

75.

Pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya

na pinamumunuan ng isang datu?

a)

sultanato

b)

sanduguan

c)

dayang o lakambini

d)

barangay

e)

ruma bichara

76.

Samahan ng matatandang katu-katulong ng datu sa pagpapasiya at paggawa ng batas sa barangay?

a)

barangay

b)

Council of Elders

c)

dayang o lakambini

d)

panglima

e)

qadi

77.

Tinaguriang tagapagmana ng trono ng sultan?

a)

qadi

b)

rajah muda

c)

ruma bichara

d)

sanduguan

e)

sultanato

78.

Tawag sa asawa ng datu, rajah, o sultan?

a)

barangay

b)

Council of Elders

c)

dayang o lakambini

d)

panglima

e)

qadi