wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP ( 1ST QUARTER EXAMINATION)

Total questions: 50

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang iyong kaibigan.Ano ang gagawin mo?

a)

Hayaan na lang sila.

b)

Tulungan kung ano man ang kailangan nila.

c)

Sabihin sa mga kapitbahay.

d)

Isumbong sa pulis.

2.

Ang taong may malasakit ay _______________ ng Diyos.

a)

kinalulugdan

b)

kinatatakutan

c)

kinakamusta

d)

kinagigiliwan

3.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Huwag bigyan ng pagkain

b)

Suntukin ang kaaway.

c)

Pabayaan ang mga nangangailangan

d)

Tulungan ang nasalanta ng bagyo.

4.

Laging isaisip at __________ ang pagmamalasakit sa kapwa.

a)

ihiwalay

b)

iligtas

c)

iwanan

d)

isapuso

5.

Nakita mong nagwawalis ng silid-aralan ang iyong guro.Ano ang gagawin mo?

a)

Iwasan na hindi ka niya makita.

b)

Sabihin sa iyong kaklase

c)

Hayaan na lamang

d)

Kunin ang walis at ipagpatuloy ang paglilinis.

6.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Napansin ninyong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase at hinayaan niyo lang

b)

Nahuli mong hindi pumasok sa paaralan ang iyong kaklase.Hiyaan mo lang siyang gumala.

c)

Nakakita kayo ng pitaka ng iyong kaklase at hindi ninyo ibinalik.

d)

Nagluto si Nanay ng pagkain at binigyan niya ang inyong kapitbahay

7.

Nakita mong nakikipag-away ang iyong kapatid na lalaki sa loob ng paaralan. Ano ang gagawin mo?

a)

Suntukin ang kapatid

b)

Awatin ang dalawang nag-aaway at kausapin

c)

suntukin ang kaaway ng kapatid mo.

d)

Isumbong sa Principal

8.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a)

.”Bakit ba nahuli ka na naman?”

b)

“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli,pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”

c)

"Sana sa susunod hindi kana huli sa usapan natin,”

d)

“Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa iyo.?"

9.

Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a)

Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan

b)

Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa

c)

Pagkilala sa arili na mas matalino siya kaysa ibang tao

d)

Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.

10.

Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _________.

a)

Kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba.

b)

Kanilang pagtanaw na utang –na-loob

c)

Kakayahan nilang makiramdam

d)

Kanilang pagiging emosyunal sa pakikisangkot

11.

Maraming tanim na gulay ang iyong tatay sa inyong bakuran, ano ang maaari mong ipayo sa iyong tatay na gagawin sa mga tanim na iyon?

a)

Itapon ito mataapos palakihin

b)

Ipamigay ang mga inaning gulay sa mga kapitbahay

c)

Ipagbenta ang mga gulay upang maging dagdag kita ng pamilya

d)

Pabayaan lang ang mga gulay na nakatanim sa bakuran at wag itong pakialaman

12.

Marami kang naipong buto ng prutas. Ano ang gagawin mo sa mga ito?

a)

Itapon ito sa basurahan

b)

Gawing laruan ang mga ito

c)

Ikalat ito matapos kainin ang prutas

d)

Itanim ito upang mapakinabangan pa natin uli

13.

Saan mo maaaring makuha ang angkop ma impormasyon kung gusti mong malaman ang patungkol sa bagyo na parating sa ating bansa?

a)

PAGASA

b)

PHILVOCS

c)

Kagawaran ng Edukasyon

d)

Kagawaran ng kalusugan

14.

Ano ang tawag sa mga anunsyo na nakikita natin sa telebisyon?

a)

Patalastas

b)

Patimpalak

c)

Teledrama

d)

Kompetisyon

15.

Ano ang layunin ng mga kompanya sa pagpapalanas ng mga produkto sa telebisyon?

a)

Mang-aliw lamang

b)

Makapagpalipas lamang ng oras

c)

Makapagpasikat lamang sa telebisyon

d)

Manghikayat upang mabili ang kanilang produkto

16.

Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang kaklase mo na papasok sa paaralan gayong nabalitaan mo sa internet na walang pasok?

a)

Sasabihin ko sa kanya na nakansela na ang pasok

b)

Hindi ko sasabihin sa kanya na nakansela ang pasok

c)

Hahayaan ko siyang pumasok

d)

Wala akong pakialam

17.

Ang mga sumusjnod ay maaari nating pagkunan ng balita, MALIBAN sa?

a)

Internet

b)

Telebisyon

c)

Tsismis

d)

Radyo

18.

Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan.Ano ang gagawin mo?

a)

Sumali sa away

b)

Sabihin sa guro ang iyong nakita

c)

Suntukin ang dalawang nag-aaway

d)

Huwag makialam sa away nila

19.

May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay niyo.Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a)

Tingnan na lamang ang batang umiiyak

b)

Hayaan na lamang ang bata

c)

Sabihin sa iyong mga magulang.

d)

Bahala siya sa buhay niya

20.

May nakasalubong kang matandang babae na maraming pasa sa mukha at hindi makalakad ng maayos.Wala kang kasama.Ano ang gagawin mo para makatulong?

a)

Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong ko

b)

Wala akong balak na tulungan siya

c)

Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad

d)

Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak

21.

Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay.Dahil nahuli nila itong namitas ng bulaklak.Ano ang kailangan mong gawin para hindi magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?

a)

Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam

b)

Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin

c)

Pagsasabihan ko na huwag nalang intindihin ang kapitbahay

d)

Ayokong makialam,problema nila yun

22.

Nakita mong nahulog ng iyong kaklase ang kanyang pitaka, ano ang dapat mong gawin?

a)

Tignan muna ang laman ng pitaka, kung ito ay may laman kumuha ng kaunti at ibalik ito sa may ari.

b)

Magkunwaring hindi mo ito nakita

c)

Ibalik ito kaagad sa may ari.

d)

Kung ito ay may laman na pera kunin ito at ipambili ng kahit ano,at itapon na ang pitaka sa basurahan

23.

Lumiban ang iyong kaklase dahil siya ay nilalagnat. Nagpapahiram siya sa iyo ng inyong kwaderno, ano ang dapat mong gawin?

a)

Ipahiram ito sa kaklase

b)

Sabihing nawala ang iyong kwaderno

c)

Magkunwaring lumiban ka din sa klase

d)

Magkunwari kang walang narinig

24.

Hindi sinasadyang nabasag ni Lina ang plorera ng kanyang guro, kaagad niya itong inamin na siya ang nakabasag ng plorera. Si Lina ay isang batang _____

a)

Iyakin

b)

Mayabang

c)

Sinungaling

d)

Matapat o nagsasabi ng totoo

25.

Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pagsasabi ng kapintasan ng iyong kaibigan?

a)

Sabihin sa iba ang kapintasan ng kaibigan.

b)

Pintasin ang kaibigan dahil sa kanyang kapintasan

c)

Ipagkalat ang kanyang kapintasan

d)

Sabihin ito ng maayos o sa magandang paraan sa kaibigan

26.

May kaibigan ka may kapintasan na siya ay medyo nag-iiba ng amoy, ano ang dapat mong gawin bilang kaibigan?

a)

Sabihin ng maayos na medyo nag-iiba na ang kanyang amoy at kailangan na niyang gumamit ng deodorant

b)

Iwasan ang kaibigan

c)

Pagtawanan ang kaibigan

d)

Ipagkalat ang kapintasan ng kaibigan sa iba

27.

Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo. Ano ang gagawin mo?

a)

sasabihin ko mamaya na lang pagkatapos ng klase ko

b)

Lalabas at makikipaglaro ako

c)

Tatawagin sa loob ng silid-aralan at maglalaro.

d)

Wala akong pakialam.

28.

Umiiyak ang iyong kapatid ngunit marami ka pang ginagawang takdang-aralin. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tatapusin ko muna ang aking ginagawa.

b)

Hahayaan kong umiiyak ang aking kapatid.

c)

Sisigawan ko siya upang tumigil sa pag-iyak.

d)

Titigil muna ako sa paggawa at patatahimikin ko siya

29.

Inaway ka ng iyong kapwa mag-aaral, ano ang gagawin mo?

a)

Aawayin ko rin siya

b)

Sasabihin ko sa kanya na masama ang nakikipag-away.

c)

Mananahimik na lang ako.

d)

Wala akong dapat gawin.

30.

Ang iyong guro ay may kausap na magulang ngunit may gusto kang iparating na mahalagang bagay sa kanya. Ano ang gagawin mo?

a)

Makikinig sa usapan ng guro at magulang.

b)

Makikisali sa usapan nila.

c)

Hihintayin munang matapos ang pag-uusap ng guro at magulang.

d)

Patitigilin ko sila sa kanilang pag-uusap.

31.

Nakita mong namimilipit sa sakit ng tiyan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi ko siya papansinin.

b)

Pagtatawanan ko siya.

c)

Sasabihin ko sa aming guro na masakit ang tiyan ng kaklase ko.

d)

Hindi ko siya papansinin dahil lagi niya akong inaaway.

32.

Ano ang gagawin sa mga kaklaseng maiingay?

a)

Makikisali na rin sa mga maiingay na kaklase.

b)

Sasawayin ko sila at pagsasabihan na bawal mag-ingay.

c)

Mananahimik na lang ako.

d)

Susuntukin ko sila upang tatahimik.

33.

Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay.Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase.Ano ang gagawin mo?

a)

Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.

b)

Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.

c)

Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.

d)

Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang taga-linis sa araw na iyon.

34.

Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa Metro Manila. Ano kaya ang dahilan kung bakit nagyari ito?

a)

Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga estero at kanal.

b)

Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.

c)

Masyado nang makapal ang tao sa Metro Manila.

d)

Tinatakpan ng mga tao ang mga drainage

35.

Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?

a)

Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.

b)

Puwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin

c)

Ang pagsusunog ng basura ay puwedeng magbunga ng maruming hangin at kapaligiran.

d)

Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas.

36.

Naatasan ang iyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang Kulturang Pilipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin ninyo?

a)

Sumayaw ng Pandanggo sa ilaw.

b)

Umawit ng nauusong kanta ngayon.

c)

Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.

d)

Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.

37.

Hinintay nina Joven at Erika si Renante sa Plasa Mabini kahit na lampas na sa takdang- oras ng kanilang usapan. Sila ay nagpapakita ng pag-uugaling _______.

a)

pagkamatiyaga

b)

katatagan ng loob

c)

pagkamahinahon

d)

mapanuring pag-iisip

38.

Pinilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang-aralin kahit na ito ay may kahabaan. Siya ay _______.

a)

matiisin

b)

masipag

c)

bukas ang isipan

d)

mahinahon

39.

Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit sapagkat ayaw niyang manahi. Siya ay walang ugaling ______.

a)

pagkamatiisin

b)

pagkamahinahon

c)

matatag ang loob

d)

pagpapahalaga

40.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Lyra sa kanyang kamag-aral na si Jester kahit madalas itong hindi nakatatapos sa gawain. Si Lyra ay nagpapakita ng ______.

a)

pagkamatiyaga

b)

malakas ang loob

c)

pagmamahal sa katotohanan

d)

pagkamatulungin

41.

May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng direksyon.Ano ang dapat mong gawin?

a)

Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan

b)

Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago

c)

Humingi ng saklolo sa taong marunong makipag-usap ng mga dayuhan

d)

Hindi sila papansinin

42.

Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong dayuhan.Paano mo ito ibibigay sa kanila?

a)

Ilagay na lang sa mesa at iwanan

b)

Hayaang sila ang lumapit

c)

Iabot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin

d)

Bahala sila sa buhay nila

43.

Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay.Ano ang ipinahihiwatig sa sitwasyon na ito?

a)

pagkakaisa

b)

Pagpapasalamat

c)

Pagmamahal

d)

Pakikipag-away

44.

Ano ang masasabi mo sa sitwasyong ito.”Buong pamilya nina Mang Jester ay nagtanim ng mga puno bilang pakikilahok sa proyekto ng kanilang barangay”.

a)

Ang kanilang pamilya ay masayahin

b)

Ang kanilang pamilya ay magulo

c)

Ang kanilang pamilya ay may pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa

d)

Ang kanilang pamilya ay may trabaho

45.

Ano ang nararapat mong gawin kung ang kaibigan mo ay nakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa barangay?

a)

tutulong sa kanila para madaling matapos

b)

titigan sila sa kanilang ginagawa

c)

manonood na lang ako ng TV

d)

nakakatamad ang kanilang ginawa

46.

Habang nanonood kayo ng paligsahan sa barangay narinig mo ang iyong kaibigan na wala nang ginawa kundi pintasan ang mga kalahok.Ano ang iyong gagawin?

a)

sumbong sa mga kalahok ng paligsahan

b)

Sabihin ko sa mga magulang ko

c)

Kausapin ko at pagsabihan na hindi maganda ang mamintas ng kapwa

d)

Suntukin para tumahimik

47.

Halimbawa may nasabing mga ideya/opinion ang iyong kaklase tungkol sa pag-uugali mo.Ano ang iyong sasabihin?

a)

Respetuhin

b)

balewalain

c)

wala lang

d)

awayin

48.

Pagtulong sa gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ito ay isang ___

a)

malaswang Gawain

b)

magandang Gawain

c)

magulong Gawain

d)

mahirap na Gawain

49.

Ang bawat taong nilalang ay may ______________na tanging sarili lamang niya ang masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan.

a)

ideya/opinion

b)

galit/poot

c)

isip/gawa

d)

hirap/tiis

50.

Pagsali ng paligsahan sa barangay ay kailangang _________________

a)

sapilitan

b)

tulakan

c)

bukal sa puso

d)

agawan