NEW
Font size
WorksheetsAP10 MODYUL 2 PANGHULING PAGTATAYA
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015.
biodegradable
nuclear waste
solid waste
electronic waste
Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa ______.
Nagiging sanhi ng pagbaha
Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito
Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na kapaligiran.
Greenpeace
Mother Earth Foundation
Bantay Kalikasan
Clean and Green Foundation
Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?
Republic Act 9003
Republic Act 115
Republic Act 2649
Republic Act 9072
Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation?
Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng pangangailangan
Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing produkto na dahilan kung kaya ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdibisyon, at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa gawaing ito?
Land reform
Land use
Land grabbing
Land Conversion
Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System o NIPAS. Alin sa sumusunod ang layunin nito?
Pangalagaan ang mga protected areas mula sa pang-aabuso
Rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektaryang kagubatan
Paghikayat sa mga taong makilahok sa mga tree planting activities
Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang layunin ng Batas Republika 9072 o National Caves and Cave Resources Management and Protection Act?
Ingatan, panatilihin, at protektahan ang mga kweba ng bansa
Gawing mga tourist attractions ang mga kweba sa ating bansa
Linangin at pakinabangan ang mga kweba at mga yaman nito
Itaguyod ang pagsasapribado sa mga kweba upang magkaroon ng kita ang pamahalaan
Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan ng pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw.
RA 9072
RA 9147
RA 9175
RA 7586
Alin sa sumusunod ang layunin ng Climate Change Commission na nilikha sa ilalim ng Climate Change Act of 2009?
Panatilihing malinis ang hangin sa bansa
Gumawa, sumubaybay at sumuri ng mga programa at pagkilos sa pagbabago ng klima
Pagaanin ang negatibong epekto ng climate change
Mapahusay ang kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng environment friendly na estratehiya upang mapaunlad ang ekonomiya
Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
Pagtaas sa insidente ng dengue
Pagliit ng produksiyon ng pagkain
Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
lahat ng nabanggit
Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin sa sumusunod ang maaaring maging epekto nito?
Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhia, malnutrisyon at iba pa
Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo
Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino
Pagkakaroon ng tinatawag na global warming
Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan?
Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change?
Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas
Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran
Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng pamahalaan
Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change
